-ANGEL'S POV-
"Angel, nakakainis ka! hindi mo man lang ako binibisita dito sa office." saad ng papa ni Rence na parang bata, Napangisi ako ng maalala ko yung inaarte ko kanina.
"Sigurado, ayaw niya rin makita ang kaharutan mo Pa, kaya hindi siya pumupunta rito." sarkastikong saad ni Rence na ikinasimangot nito.
"Bakit ganyan ka sa mommy mo?! Walangyang anak!" sigaw nito na may kunwaring iyak.
"Anong Mommy?! kung gusto mo pa akong maging anak, ayosin mo ang pagsasalita mo. H'wag mong kalimutang naririto ka sa school para umarte ng ganyan." Napanganga ako na singhal ni Rence.
"You hurting me, Son. ngayon lang naman ako ganito dahil narito ang pinaka favorite kong inaanak na si Angel. kaya pagbigyan mo na ako Please!" Umirap sa kawalan si Rence, hindi ko alam kong asar ba siya o pumapayag na mag-inarte ito si ninong Renzo.
Napangiti ako sa itsura nilang dalawa habang nag-aasaran, para silang mga bata. At sa tuwing nakikita ko silang ganitong mag-asaran, natutuwa ako.
'Yung sinabi ko kaninang parang si dad ang ugali ni Marlon, ito namang papa ni Rence parang Old Version ni Jeremy, parihas makulit.
Hmmm... Ano kayang magandang itawag kay ninong Renzo. NINONG+NINANG na kikay? well, mukhang bagay sa kaniya yung pangalang Noni... (ninong,ninang) cute XD
"Oo nga pala Angel, kamusta pala ang pagtira mo kanila Mayette? pinakakain kaba nila ng tama doon? Gusto mo, i-try mo naman sa bahay namin, hihiramin kita kay Mayette?"
"Pa, hindi laruan si Angel para hiramin. Let her to decide where she wants to stay. don't push her to bring in our home. Kung gusto mo talaga siyang mag-stay sa bahay, ang kausapin mo si Tita Mayette."
"You think Mayette will agree?! she hate me a lot! i know that!"
"What do you mean po?" Singit ko.
"It's a long story my dearest Angel, and i'm sure... kukulangin ang araw na ito para ikwento ang mga nangyari sa nakaraan."
"Really Pa!" nilingon ako ni Rence. "At ikaw, tingin ko mas okay na h'wag mo ng ungkatin pa ang nakaraan nila. Oa lang si Papa!"
"i'm not O'A son, baka si Mayette lang iyon dahil hate niya pa rin ako, nag-sorry na ako sa kaniya noon. kaya dapat mag-move on na siya. Hello! sobrang tagal na nun, ang dami ng nangyari!"
"Kahit gano pa 'yon katagal, kasalanan pa rin iyon. Baka, sobrang sama ng ginawa mo noon kaya hindi ka niya mapatawad."
"Kunting kasamaan lang naman 'yon. sa kabilang banda, pinagsisishan ko na rin 'yon. Believe me son! Please!"
"Ewan ko sayo Pa, mas mabuting kausapin mo na lang ang sarili mo. H'wag mo na ring ikwento iyon kay Angel baka maghanap ka lang ng kakampi."
"Ano ngayon?! Palibhasa hindi mo ako kinakampihan, mas gusto mo ata si Mayette kaysa sa'kin. Nakakapagtampo na talaga!"
"'Yan ka na naman, i like tita Mayette but you are my Dad. Okay," huminga muna siya bago ulit nagsalita." I always choose you not because you're my papa... because you're special to me. Kahit madalas, ayoko sa mga pinaggagawa mo at madalas naasar ako sa kaartehan mo pero... mas okay pa rin sa aking totoo ka at Salamat dahil naging papa kita!" nahihiyang saad ni Rence. "Ano magtatampo ka pa?!" sigaw niya.
Umawang ang bibig ko sa mga sinabi ni Rence, hindi ko iyon inaasahan na maririnig mula sa kaniya. Nilingon ko si Noni na natuwa rin sa mga sinabi ni Rence at balak pa ata siyang yakapin. Bago pa man makalapit si Noni sa kaniya ay pinigilan ni Rence. kaya ako na lang ang niyakap ni Noni sa sobrang tuwa. "Ang bait talaga ng anak ko. Mana sa akin!" Pagmamalaki niya.
"Yack kadiri! h'wag ka ng umasa pa na magiging katulad mo ako!" Natawa ako sa hirit ni Rence kaya naman natawa rin si Noni.
Nakakaingit Ang Samahan Nilang Dalawa.
"Son, ayaw mo talagang kulitin si Angel na tumira sa bahay?!"
"Ang kulit mo! Ano magda-dramahan na naman tayo," ngumisi si Noni ng nakakaloko. "Ayaw mo pa rin kahit itatabi ko siya sa kwarto mo?!"
"Ano bang sinasabi mo d'yan!" singhal uli ni Rence, halatang asar na siya at nahihiya.
"Oo nga! itatabi ko sya sa kwarto mo, Promise!" pang-aasar pa ni noni habang nakataas ang kamay na parang nanunumpa sa bayan.
"Tigilan mo nga ako Pa!" naiinis at namumula niyang sambit. Sa inis ni Rence, balak nya ulit sabunutan ang papa nya pero nakailag agad ito at dumila.
"Blee, Hindi mo na ako mahuhuli My Dearest Son.. Gusto mo ba ang wiggy ko? Habulin mo!"
HALA SIYA!
Lumapit si Noni sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Please Angel, sumama ka naman sa bahay, alang-alang sa nag-iisa at gwapo kong anak... Please! Please! Please!" Kinuha ni Rence ang kamay ko sa Papa niya.
"Pa, tigilan mo nga pangungulit kay Angel. Aalis na kami, nakita mo na sya, diba? So goodbye!" Hinatak ako ni Rence at wala nang nagawa ang papa niya ng makalapit na kami sa pinto.
"Teka lang Rence. Ang bilis naman, wala pa nga siyang 30 mins... Angel, hihiramin kita? Angel!" Pasigaw na sabi nito habang papalayo na kami sa G.O.
Nakabusangot na binitawan ni Rence ang kamay ko.
"Kalimutan mo na ang sinabi ni Papa, maharot lang talaga ang baklang 'yon. Maraming alam na kalokohan."
Aba't grabe naman! tama bang tawaging bakla ang papa niya, siraulong anak!
"Rence, parang gusto kong tumira sa bahay n'yo."
"Baliw ka ba? Sabi ko kalimutan mo na ang pinagsasabi sa'yo ng Papa ko!"
"Ang sungit! bat galit agad?! sabi ko lang-" natigil ang pagsasalita ko ng may magsalita mula sa likod.
"That's a good idea Angel, tumira ka sa bahay nila Rence, para mawala na ang kunsumisyon ko sa'yo." saad ni Marlon habang si Jeremy naman ay palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo nina Rence at Marlon.
Mayamaya, lumapad ang ngiti sa labi ni Jeremy na mukhang natutuwa sa nangyayari. "Bakit, hindi na lang sa bahay ko Angel? tayong dalawa lang dun, nasisigurado ko sa'yong walang iistorbo sa ating dalawa!"
"Ano?!" sabay-sabay naming sagot na nagpahalakhak ng malakas kay Jeremy.
Siraulo!
To be continue...
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Teen FictionNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...