-ANGEL'S POV-
Naupo si Marlon kapantay ko at pinunasan ang luha sa aking mga mata. "Matagal ko nang kilala ang dalawang 'yon at alam na nila ang gagawin. Sa totoo lang Angel, sayo ako laging nag-aalala! Mukha lang wala akong pakiramdam pero halos mabuang ako sa tuwing iniisip kung nasaan ka, sa tuwing hindi kita nakikita, iniisip kong baka napahamak ka na,"
Lumunok siya bago muling nagsalita pero kita ang pamumula ng mukha niya dahil sa hiya. "Pamilya na rin kita Angel at kapag may nangyari sayo, siguradong masasaktan si Mama. Binilin ka niya sa akin at ayoko siyang biguin, Okay." tinitigan ko ang mga mata ni Marlon. Hindi na ito katulad kanina na walang emosyon.
Manipis siyang ngumiti saka tumayo, inabot niya sa akin ang kamay niya. "Umuwi na tayo at sana tigilan mo na ang katatanong dahil wala akong isasagot sayo kahit pa iyakan mo ako!" suminagot ako at inabot na lang ang kamay niyang nakalahad.
Kainis sayang ang luha ko!KINAGABIHAN, napabangon ako mula sa pagkakahiga ko.
Haist! tama na nga pag-iisip utak. gusto ko ng katahimikan!
Makapag-aral na nga lang...
Tumayo ako at nagtungo sa study table.
Ang tindi rin nung panaginip ko kanina, akala ko talaga totoo na! hindi ako makapaniwalang aamin ng ganun si Rence buti na lang at panaginip. Nawala na nga 'yon sa isip ko dahil kay jeremy...
Jeremy na naman! kamusta na kaya siya?!
Umiling ako saka binuksan ang maliit na drawer sa desk ko, kukuha sana ako ng ballpen pero natiglan ako sa Cellphone na bumungad sa'kin.
Teka, parang cellphone 'to ni...
Nung umilaw ang Cellphone niya bumungad sa'kin ang wallpaper. Picture 'yon ni marlon at ni mama...
Ang gwapo!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at pinicture 'yon.
Totoo kaya ang sinabi niyang nag-aalala siya? pamilya na ba talaga ang turing niya sa'kin?
Shete! bat kinikilig ako?!
Itinago ko na ang phone sa bulsa ng pants ko. balak ko na 'yong ibalik sa kaniya bago pa ako ma-attempt na kalikutin 'yon. Mamaya n'yan, ano pang makita ko sa Cellphone niya.
teka nga, bakit pala nandito ito? diba nawawala ang cellphone na'to? ibig sabihin ba all this time, naririto lang ang cellphone niya? hindi naman 'to makakapasok sa kwarto ko kung walang pumasok.
Sinagot ko ang tawag ng mag-ring ang Cellphone ko.
"Hey! how are you, nag-alala ako sayo?"saad ko.
"na-miss mo ba ako, ang bilis naman?! wag kang gan'yan baka mamaya... isipin kong inlove ka na sa'kin?!" hirit ni Jeremy na ikinangiti ko.
"Asa!" tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng beranda. "angel, sorry sa mga sinabi ko, alam kong below the belt na 'yon. Tanga ko na napikon ako at muntik na kitang mapatulan." naramdaman ko ang pagkasensero ng mga sinabi jeremy kaya wala ng rason para palakihin pa iyon.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Novela JuvenilNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...