|CHAPTER 76| Tulong

37 7 1
                                    



-ANGEL'S POV-


Rence! iligtas mo ako! Rence!

Sa huling atras ko, bumangga ako sa pader at dun mas nakita ko ng malapitan ang mukha ng tatlong lalaki na sabik gumawa ng masama.

Dinakma ako sa braso nung isang lalaki kaya naman malakas kong pinalo ang kamay nya pero nagtawanan lang sila, mayamaya yung kasama naman niya ang biglang dumakma sa leeg ko.

"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas ako habang nagsisigaw pero pakiramdam ko walang epekto iyon dahil mas lalo lang dumiin ang pagkakabaon ng diliri niya sa leeg ko, nahihirapan na akong huminga. "Bitawan nyo nga ako!"

"Miss, wag ka ng pumalag! Sabi naman namin sa'yo, ituturo namin ang daan e," at sabay-sabay silang nagtawanan.

Rence! rence! tulungan mo ako!


"H'wag kang mag-alala miss, Ihahatid ka na namin sa heaven!" hirit pa nung isa.

Sobra ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot. Sa pagkakataon na 'to parang wala akong maisip na tamang gawin?


"Aray!" asik nung isa sa tatlong lalaki.

"Pre, may nambabato, tingnan mo nga 'yon." Umalis ang isang lalaki para tingnan kung may ibang tao ba sa paligid.

Panay ang pag-aray nung isang lalaki dahil sa mga batong tumatama sa kanya. Nabuhayan ako ng loob ng maisip ko si Jeremy. Walang ano-ano'y mabilis kong kinagat ang kamay nang nakahawak sa braso ko ng malingat ang atensyon nila sa akin.

Malakas na hiyaw ang bumasag sa katahimik ng paligid, Hindi na ako nagdalawang isip pa at tinadyakan na ang masilang parte ng lalaking iyon. Habang 'yung isang lalaki naman na nasa tabi ko ay napahiyaw rin ng pilipitin ko ang braso niya. Tinulak ko pa siya saka nagmamadaling tumakbo.

Alam kong hindi magtatagal at makaka-recover din sila sa ginawa ko.

Nang makapagtago ako. Nanginginig kong kinuha ang Cellphone sa bulsa ko at paulit-ulit kong tinatawagan si Jeremy pero out of coverage. Naisip ko si Rence, nagri-ring ang Cellphone ni Rence ngunit hindi naman nya sinasagot.


"Pls. Rence! Sagutin mo na! pls. natatakot na talaga ako.

(HELLO)

Natuwa ako ng sa wakas nasagot din ni Rence ang tawag ko..

"Rence! Tulungan mo ako! Rence!"

(ANGEL! anong nangyari)

"Natatakot na talaga ako"

(Teka alam mo ba kung nasaan ka?!)

"Hindi! Hindi ko alam!"

(Teka! Paano ba 'to, tingnan mo yung lugar na pweding palatandaan)

"Rence!"

(H'wag kang umiyak at magpanic pls. nag aalala na ako!)



"Miss! Tapos na ang paglalaro ng hide in seek!"

Hinatak nya ang buhok ko at kinaladkad ako palabas sa pinagtataguan ko.

"Rence! Rence! Tulong! Rence!" nabitawan ko na ang cellphone na hawak-hawak ko.

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon