|CHAPTER 82| Marka sa Tagiliran

50 7 0
                                    

-ANGEL'S POV-

Nang makalapit ako sa table nila agad kong dinampot ang bote ng Champagne na nasa harap nila, pare-pareho silang nabigla at awtomatikong kumilos. Naramdaman ko ang paghawak ni Jeremy sa braso ko, habang si Rence ay sa mismong bote at si Marlon, hindi ata napansin na kamay ko na ang nahawakan niya.

Sandali kaming natigilan nun hanggang sa naunang inalis ni Marlon ang kamay niya at patay malisyang naupo sa silya niya, maging si Jeremy ay bumitaw na rin sa braso ko. Samantalang si Rence, hinawakan pa ang kamay ko upang tanggalin ang pagkakahawak ko sa bote ng Champagne, wala na akong nagawa kundi bitawan iyon dahil sa hiya.

"Kahit birthday mo ngayon, hindi ka namin pagbibigyan sa gusto mo. Hindi ka pwede nito?!" sermon ni Rence.

"Hindi naman na ako minor. isa pa, umiinom ako!" apila ko.

Sinamaan ko ng tingin ni Rence ngunit binalewala niya lang ang inaarte ko.

"H'wag ka ng makulit. Tatlo kami at isa ka lang. hindi ka mananalo?!" Inis kong nilingon si Jeremy na pangisi-ngisi sa tabi ko habang nilalasap ang iniinom na Champagne, iritang irita ako sa pang-aasar niya, animoy sarap na sarap siya sa iniinom.

Kainis! akala ko pa naman naiintindihan niya ako, may pasabi-sabi pa siyang enjoyin ang bawat sandali. SCAM! isa kang malaking SCAM, PESTE!

"Kainis! makapagpalit na nga lang." asik ko, pinasadahan ko ng tingin si Marlon ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa glasswine na nasa harap niya. "Tsk!! bahala kayo!" bulalas ko at saka marahas na hinila ang sobreng pula na hawak ni Jeremy.

Tinalikuran ko na sila at padabog akong nagmartya papasok sa loob, habang bitbit ang laylayan ng suot kong gown.

Birthday ko naman, bakit bawal! kainis! hindi naman ako madaling malasing, Champagne lang iyon, sisiw lang sa'kin ang lasa nun, hindi ako tatamaan.

Pagkaakyat ng kwarto, agad akong nagtungo sa table ko at binuksan ang maliit na drawer upang dun muna ilagpag ang pulang sobre. naisip kong buksan iyon mamaya para walang istorbo, isasabay ko na lang sa pagbubukas ng ibang gifts.

Lumapit na ako sa'king kama at kinuha ang dress na nakapatong dun. Ni-lock ko muna ang pinto at saka sinimulan ang pagbibihis, mula sa salaming kinatatayuan ko, nakita ko ang isang marka sa tagiliran ko na kailanman ay hindi na mabubura.


Ala-Ala ito ng patapon kung buhay sa West!



-FLASHBACK-


3 years ago when i was 15 years old...

"Hoy Angel!" sigaw ng isang pamilyar na boses na siyang nagpakilabot at nagpakabog ng dibdib ko. "Hoy! Ano bingi ka na! Akin na ang pera mo!" Marahas ako nitong hinawakan sa braso at iniharap sa kaniya.

"Wa-wala na kong pera! hindi ba, kinuha nyo na."

"Bakit hindi ka manghingi sa tatay mo. Hindi ba mayaman kayo." Hindi ako nakaimik, masamang titig lang ang ipinukol ko sa kanila.

"Wala akong tatay! kaya kung gusto nyo ng pera mag-antay kayo." singhal ko.

Tinulak ko siya at padabog kong dinampot ang bag ko. Aalis na sana ako nang dakmain niya ako sa leeg at isinandal sa bakod. Naramdaman ko ang kirot ng tagiliran ko, pakiramdam ko ay bumuka ang sugat ko.

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon