|CHAPTER 5| Marlon's Room

166 44 73
                                    

-MARLON'S POV-

"Aray! bitawan mo na ako! saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw nya pero hindi ko s'ya nililingon at iniintindi. Hatak-hatak ko sya ngayon patungong locker.

Wala kasing masyadong tao doon kapag ganitong oras.
Nagpupumiglas pa rin siya "Bitawan mo nga ako!"

Inis ko syang binitawan at malakas kong hinampas ang locker gamit ang palad ko.

Natigil siya. makikita mo sa mata nya ang inis pero hindi ang takot. Asar ko syang tinitigan ng masama katulad ng lagi kong reaksyon kapag badtrip. Mabilis kong hinarang ang kaliwa kong braso ng tangkang aalis sya, humarap sya sa kabila para dun dumaan pero iniharang ko naman ang isa ko pang braso para tuluyan syang ma-corner.

"Alam mo hindi ka na nakakatuwa!" Malakas kong sigaw. Di sya natinag sa halip gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi nya.

lalong nagsalubong ang kilay ko sa ngiting iyon. "Nang-aasar ka ba talaga?!" bulalas ko.

"Wala naman akong ginawa. Ba't ka maasar?"

"Nakakaasar 'yang ngiti mo. Wag kang ngumiti!" Itinulak n'ya ako kaya naman napaatras ako.

"Bakit ka ba nagagalit d'yan? Ang laki ng problema mo!" singhal niya sa mukha ko.

"Pwede ba wag mong ipagkalat na kinakapatid kita at lalo na ang magkasama tayo sa iisang bahay." Ngumisi sya na lalo kong kinaasar. Ewan ko ba panay ang ngisi nya. Tang*na parang nakikipag gagohan ako sa isang baliw!

Tumalikod ako sa sobrang inis parang hindi ko na kaya pang tumingin sa mukha nya. Saan ka ba naman makakita ng taong tulad nya... galit ka na nga nakangiti pa rin.

Asar! abnormal! gusto nya ata ako ma-stroke sa sobrang inis.

Naglakad ako palayo.

"Okay, kinakapatid! Araw-araw kitang ngingitian." Pahabol nyang sigaw. Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa'king mukha.

BADTRIP! ngayon na lang ulit ako nainis ng ganito. Ang babaeng 'yon inuubos nya talaga ang pasensya ko.



KINAGABIHAN, ito ako at nakaupo sa sofa habang tahimik na nagbabasa. Agad akong napalingon sa pinto ng aking kwarto nang maramdaman ang dahan-dahan na pagbukas nito. Nasira ang mood ko ng makita ko kung sino ang inuluwa ng pinto.

"Pwede, kumatok ka muna?!" tumango-tango sya na ikinairap ko sa kawalan.

"ah, ganon ba, okay" Isinara nya ulit ang pinto pagkatapos ay kumatok sabay, bukas ng pinto.

Asar!

"Oh ayan kumatok na ako, HAPPY!" Hindi ko na pinansin ang sinabi nya. kapag ginawa ko iyon, lalo akong maiinis at mabubwiset. Ano ba kasing problema ng babaeng to?

"Ano bang kailangan mo?" nakasimangot kong tanong.

"Wala naman." sagot nya pero ibang iba yon sa kinikilos ng mga mata nya. Halatang nililibot ng paningin nya ang buo kong kwarto.

"Kung ganon lumabas ka na. istorbo!" Imbis na lumabas, ang ginawa nya ay pumasok at naupo pa sa kama ko. "Sabi ko lumabas ka, hindi pumasok! hirap ka ba sa communication? tagalog na 'yon para maintindihan mo." sigaw ko.

"Pwede paki-translate sa Alien Language PLEASE! alam mo naman yun lang ang naiintindihan ko." tumawa sya ng malakas.

"H'wag mo ako gagohin!" tumawa sya na ikinairita ko. "just shut up and go back to your hole, alien. You have no place on earth."

sumama ang mukha nya sa sinabi ko. "kung ganun bakit ako nag-e-exist?!" sigaw nya.

"Anong malay ko? baka panggulo ka lang pala sa mundo."

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon