-ANGEL'S POV-
Matapos nung gabing umamain ako ng totoong nararamdaman ko kay marlon, wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. may pagkakataon lang na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin subalit hindi ko pa rin alam kong anong iniisip niya. Para hindi ako masaktan sa tuwing nakikitang magkasama si colleen at marlon pinipili kong maging masaya kasama ang iba kahit ang totoo ay nasasaktan ako. Ang hirap tanggapin na parang wala lang sa kaniya ang lahat...
Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Jeremy. "talaga bang sisimangot ka lang maghapon, mag-aalaga pa tayo ng mga bata tapos ganiyan mukha mo?!" bumungisngis siya kaya pinasadahan ko siya ng masamang tingin. "Wag ka namang magpahalatang broken hearted ka." dugtong niya pa.
"Manahimik ka diyan! hindi ako broken!" saad ko.
"Talaga ba?! pero sa itsura mo ngayon mukhang makakapatay na ang tingin mo!" inirapan ko siya. Naiinis ako sa kaniya simula kasi nung inamin ko na gusto ko si Marlon hindi na niya ako tinantanan sa pang aasar. "kung gusto mo umarte na lang tayong dalawa. kunwari ako ang boyfriend ko tapos tingnan natin kong magseselos si marlon." bulong niya. pinagkunutan ko siya ng nuo magsasalita na sana ako ng bigla niyang ilapit sa akin ang mukha niya. as in sobrang lapit... "sakyan mo lang ang trip ko, kunwari hahalikan kita!" aniya, pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya maitulak kahit pwede ko naman iyong gawin. nakagat ko ang aking labi ng makita ang dahan-dahang paglapit ng mukha ni jeremy sa'kin ng may tumikhim sa tabi namin.
"ehem!" nanlaki ang mga mata ko ng makitang sabay-sabay palang dumating yung tatlo. si Julia, William at Rence.
Nang mapansin kong nakanguso pa ang labi ni jeremy agad ko iyong itinulak palayo sa akin gamit ang palad ko.
"Ah-ah Wa-wala, wala kaming ginagawa." naiilang kong saad. "kanina pa ba kayo?!"
"defensive!" siniko ko si jeremy para patigilin sa pagbulong. Masama ang tingin ni Rence kay jeremy pero tila nang aasar pa yung isa, idinadaan kasi sa pagngisi. tikom naman ang bibig nung dalawa, si william at julia pero bakas sa itsura nilang natatawa sila habang ako ito at hiyang-hiya.
"diyan muna kayo, kakausapin ko lang si sister." paalam ko at agad akong sumibat pero humabol naman si Jeremy.
bago paman ako makalayo ay umakbay na sakin si jeremy. "wag kang mawalan ng pag-aasa. marami pang chances angel, makikita rin nating magselos si marlon!"
Mabilis kong tinanggal ang braso niya na pumulupot sa leeg ko, kinilabutan ako. "ewan ko sayo. tantanan mo na nga ako. pinapahamak mo ako, mamaya ano pang isipin nila sa'tin."
bahagyang natawa si jeremy. "edi mag-isip sila. walang problema sa akin kong isipin nilang ako ang boyfriend mo."
"sayo wala pero sakin meron." hinarap ko siya. "Aminin mo na lang kasing patay na patay ka sa'kin kaya ganiyan ka." Natatawa ko ring hirit, huminto siya at seryoso akong tinitigan. "Oi, nagbibiro lang ako baka hiritan mo na naman ako ng kabalbalan!"
"Paano kong gusto ko nga kita magiging tayo ba? makakalimutan mo na ba siya?! mamahalin mo ba ako ng tulad ng pagmamahal mo sa kaniya?!" natameme ako.
Lumapit siya sa'kin at inayos ang takas na buhok ko at inilagay iyon sa likod ng tenga. "minsan, ang pagmamahal na gusto natin, iba sa bagay na dumarating. baka lang iba talaga iyong para sayo at dumating lang pala yung taong gusto mo ngayon... para ipakita sayo ang ibang klase ng love sa mundo. wag mong masyadong pahirapan ang sarili mo sa pagmamahal na hindi mo naman makukuha, angel. Malay natin may taong nagmamahal sayo ng patago, taong handang magsakripisyo para sayo. tao na kayang ibigay ang pagmamahal na gusto mo. taong siguradong pwede kang sumaya." bahagya niyang inilapit ang bibig saking tenga. "Malay mo nasa tabi lang pala yung taong totoong nagmamahal sayo. tumingin ka lang sa malapit!" Bahagya siyang ngumiti sa'kin. tinapik niya ako ng mahina sa balikat at pagkatapos ay nilagpasan na ako.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Roman pour AdolescentsNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...