-ANGEL'S POV-
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Jeremy ng tanggalin niya ang suot na Cap. Lumunok ako at umiling sa imaheng nakita ko sa kaniya habang suot ang Cap na iyon kanina.
Ang dahilan kung bakit hindi ako sumigaw o nagpupumiglas ay dahil naramdaman kong kilala ko ang taong nasa harap ko at hindi naman ako nagkamali dahil kilala ko nga...
Si Jeremy.
Ngunit hindi siya ang unang pumasok sa isip ko kundi si Marlon. Magkawangis sila at parihas halos ng tindig at taas, hindi rin sila nagkakalayo kapag naka-side view, para silang pinagbiyak na bunga kahit ang mata nila ay pareho. Agad akong lumapit sa kaniya na ikinabigla niya, umatras siya ngunit mas lalo akong lumapit. Hinatak ko ang Cap na hawak niya at muling sinuot iyon sa kan'ya subalit may biglang sumigaw.
"Ayon 'yung gago! hoy! akala mo ba matatakasan mo kami." Sa gulat namin, hinawakan agad ako ni Jeremy at natatarantang hinila sa pagtakbo. Wala akong Choice kundi tumakbo na rin at magpatianod sa aking mga paa habang humahakbang at hindi alam kung saan ang tungo namin "Habulin nyo, baka makatakas na naman ang gagong 'yon!" Nilingon ko ang likod at nakita ko ang paghabol sa amin ng 3 lalaki.
"Ano bang nangyayari? ba't ka nila hinahabol?"
"Mamaya ko na sasabihin." Nakangisi niyang saad.
Muli kaming lumiko sa kabilang iskinita, takbo rito, takbo dun. Sa totoo lang gusto ko ng tumigil, napapagod na ang mga paa ko.
PESTENG! Jeremy! maghahanap lang ng gulo? bat sinama pa ako!
"Jeremy, bakit ka ba kasi hinahabol ng mga 'yon?!" Lumingon ako sa likod saka lang ako nakahinga ng maluwag, nang mapansin kong nakakalayo na kami at parang wala ng sumusunod.
"Magpapa-autograph!"
"Ang gago mo! hindi ka naman artista, mas maniniwala pa akong Scammer ka."
"Grabe naman! sa gwapo kong ito, tingin mo mang-ii-scam ako."
"Hoy ikaw ata si Jeremy, tingin ko talaga, nang i-scam ka."
"Paano mo nasabi?!"
"Hindi ka naman kasi gwapo!"
"Napaka siraulo mo Angel, bulag ka ba?! ikaw lang ata ang hindi nakakakita ng kagwapuhan ko." umirap ako sa kawalan. kailan ba ako nanalo sa pilosopong si Jeremy. syempre kapag asaran mas magaling siya, lalo na sa pakapalan ng mukha.
"Haist! Ewan ko sa'yo, gwapo pero mukha namang hipotatamos?!" Natawa ng malakas si Jeremy.
"Ano?! baka hippopotamus!" bigla akong nahiya dahil sa mali kong bigkas.
Ang gago talaga! tinatawanan ako ng walangya! pahamak kasing hipotatamos pisti! Ba't ba kasi ako nang asar mali naman.
Pahamak na bibig. Pinagtatampal ko ng mahina ang sarili kong labi dahil sa hiya.
"Sige tawa! mukha ka ng gago?!" singhal ko habang patuloy pa rin siya sa pagtawa. Napapansin kong bumabagal kami sa pagtakbo hanggang sa humito na siya dahil sa hingal at pagtawa.
"Teka, teka, hindi na ako makahinga." saad niya.
"Tigilan mo na kasi ang kakatawa!"
"Nagpapatawa ka kasi?! komedyante ka rin pala? less effort ah, napatawa mo ako ng bongga kaya gustong-gusto kita e." Nameywangan ako sa harap niya.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Teen FictionNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...