|CHAPTER 92| Agwat

60 6 0
                                    


ANGEL'S POV


Ibinaba ni Colleen ang tawag atsaka sumandal sa pasimano. "You know Zachie?!" aniya.

"Paano kayo nagkakilala ni Zachie?!" seryoso kong tanong ng hindi lumalapit sa kaniya.

"Well, I have my ways Angel and that ways will make myself win for this war?!"

"H'wag ka ng maraming satsat, sagutin mo na lang ang tanong ko?! Magkakilala ba kayo?!"

"Actually no, nagkausap lang kami one time. At imagine mo nagkasundo agad kami sa isang bagay, iyon ay ang ibalik ka sa West. I'm little bit shock when i heard it. He is finding a girl who's name ANGEL CHOI. Then I'm confused if I want to tell it or I just want to use this chance to see your stupid reaction. so, what are you going to do now?!"

Bumungisngis siya bago muling nagsalita. "Don't worry, hindi ko pa naman sinasabing magkakilala tayo, na alam ko kung saan ka matatagpuan. Alam mo ba, nakita ko sa itsura niya ang sobrang pagka-miss sayo, sabik na sabik siyang makita ka. Bakit hindi kayo magkita para naman masaya."

"Nasisiraan ka na?! Alam mo ba kung gaano kapanganib ang taong 'yon."

"Talaga ba, oh gusto sanang manginig ng kamay ko ngunit ayaw eh. bakit?! Dahil mas nangingibabaw ang tuwa ko sa mga sandali ito. Nasa akin ang alas para mapalayas kita." Bahagya kong nakagat ang aking labi dahil sa pagkairita sa itsura niya. "Ano Angel takot ka na ba? dont worry i'll give you a chance to decide your future or you want me to decide for you."

"Ano bang gusto mo?!"

"Babalik ka ng West o hahayaan mong madamay ang mga tao sa bahay na ito dahil sa kagagawan mo. Makakaya ba ng konsensya mong may masaktan ng dahil sayo?!"

"Talaga ba, may pagpipilian?! wag ka ng magpaligoy-ligoy, deretsyuhin mo na lang ako. Isa lang naman ang gusto mo diba, ang umalis ako sa bahay na 'to."

"Alam mo naman pala, eh bakit hindi ka pa kumilos?! nauubos ang pasensya ko kaya kumilos ka na habang naaawa pa ako sayo." May halong inis ang pagkangisi ko pagkatapos ay seryoso ko siyang tinitigan.

"Hindi mo alam ang pinapasok mong gulo Colleen!"

"H'wag ka ng magsalita diyan na parang hindi ko alam ang ginagawa ko. kumilos ka na, anomang sandali pwede kong tawag si Zachie para sabihing nandito ka."

Dumiin ang pagkakatiklop ng kamao ko sa mga sinabi niya. Inuubos na naman niya ang pasensiya ko. "Anong nangyari, natameme ka na ata?! mas mabuting mag-impaki ka na at umalis. oo nga pala, wag ka ng magpaalam pag-alis mo, wala namang maghahanap sayo dahil sisiguraduhin kong hindi ka na nila gugustuhing hanapin." Naglakad palapit sa'kin si Colleen at bago niya pa ako malagpasan ay kinapitan ko na siya ng mahigpit sa braso at saka siya tinapunan ng masamang tingin.

"Alam mo ba kung anong klase ng tao ang ayaw ni Zachie, mga tanga, bobo at walang Kwenta!"

"What do you call me?!"

"Oo ulitin ko ba?! H'wag kang bobo dahil ang mga tulad mo ang dinidispatya niya o di kaya nilulumpo kapag tinatamaan siya ng topak. Marahil nga magkakilala kayo pero hindi ako tanga para maniwala sayo na nagkausap kayo na parang magkaibigan lang."

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon