|CHAPTER 77| Pain

36 5 0
                                    


Angel's pov

"Hindi ka ba nahihirapang mag-lakad?" Tanong ni William na ikinailing ko. Naglalakad kami ngayon patungo sa lugar na napag-usapan namin nila Rence, dun kasi nila ako susunduin. Bali, naisip lang akong samahan ni William. "Hmmm... Angel, magkakilala pala kayo ng pinsan ko?"

I sigh. "Hindi mo ba alam, yung baliw mong pinsan. pinakidnap ako, noon." Gulat siyang lumingon sa akin.

"Bakit? Sinaktan ka ba niya?" pag-uusisa niya.

"Malay ko ba sa kanya. Hindi, siguro naipit lang ako sa gulo ni Tyler at Rence, para kasing matagal ng magkaaway ang grupo nila." Marahan siyang tumango na para bang may malalim na iniisip.

"Teka Angel, matanong ko lang? Ano pa lang ginagawa mo Wes-" natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Jeremy.

Agad akong napalingon sa gawing kaliwa at dun ay nakita ko si Jeremy, Rence at Marlon. lahat sila ay nakatingin sa amin ni William.

Bumilis ang mga hakbang ni Rence palapit sa akin.

"Angel!" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang akong yakapin ni Rence, "Angel salamat naman at ayos ka lang, nag-alala talaga ako sayo. Akala ko may masama ng nangyari. Natakot ako!" bulalas niya ngunit nabaling ang paningin ko kay Marlon na nakatitig lang sa'kin.

"Angel, akala ko may nangyari ng masama sayo." aniya ni Jeremy atsaka yumakap rin samin. Ang nangyari tuloy para kaming nag-group hug na tatlo.

Natawa ako ng sikuhin ni Rence si Jeremy

"Alis!" saad pa ni Rence habang pauli-ulit sinisiko si Jeremy.

"Aray!" asik ni Jeremy habang si Marlon naman ay nakatingin lang sa'min.

"Teka nga!" Umalis ako sa pagkakayakap nila saka umayos ng tindig. "Ayos lang ako! wag na kayo mag-aalala."

"Ayos? kaya ba pilay ka?" kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Marlon, hindi ko akalain na mapapansin niya iyon.

"Pilay ka na naman?!" hirit naman ni Jeremy.
"Ano bang nangyari sayo, kahapon."

Umiling lang ako sa tanong ni Jeremy. Wala akong balak na ikwento ang nangyari sa akin hindi pa ako handa, nilingon ko si William. Sumenyas ako na wag na syang magsalita.

"Pasensya na rence, Kung pinag-alala ko pa kayo kahapon, basta wag na lang sana kayong magtanong."

"May kinalaman ba 'to sa Dad mo? kamusta ang lagay niya. Sorry kong hindi kita na samahan." bumunga ako ng hangin saka malungkot na umiling "Ayos lang si dad, hindi naman naging malubha ang lagay niya." Paliwanag ko, tumango lang si Jeremy at hindi naman na umapila yung dalawa.

"Oo nga pala bakit magkasama kayo ni William?"

"Nagkita lang kami sa daan, naawa siya sa akin kaya sinamahan na niya akong maglakad. Diba William." ngumiwi si william saka napapakamot sa ulo niya saka tumango.

"Oo, tama ang sinabi ni Angel." Tumingin si William sa suot niyang wrist watch. "Naku, kailangan ko ng mauna, may pupuntahan pa kasi ako."

Nagpaalam siya saka nauna ng umalis. "Bye William, salamat ulit!" Kumaway lang siya at hindi na lumingon.

Tumalikod naman si Rence sa harap ko saka umupo na ikinabigla ko. Napakunot nuo ako sa trip nya. "Sumakay ka na sa likod ko, ayoko makitang mahirapan kang maglakad." nag-init ang mukha ko sa hiya.

"Hindi na! kaya ko naman maglakad."

"Sa akin ka na lang pumasan, Angel" hirit naman ni Jeremy pagkatapos binangga niya si Rence kaya napaatras ito.

Nainis naman iyong isa kaya itinulak nya rin si Jeremy. Natawa na lang ako sa pinaggagawa nila, Nagtutulakan sila at bigla na lang maghahabulan, na parang mga bata.

Nakatakbo si Jeremy pero naabutan sya ni Rence at pinagbabatukan siya nito. Tawa ako ng tawa pero hindi ko namalayang naiiyak na pala ako.

"Grabe! Tears of joy!' sabi ko habang pinupunasan ang luha ko, iniwas ko na lang ang tingin ko kay Marlon dahil nakatitig pa rin sya sa akin.


KINAGABIHAN Naisip kong bumaba sa Kitchen para uminom ng tubig pero nawalan ako ng gana ng makita ko si Coliling na umiinom ng pabebe drink. Lumapit na lang ako sa Ref at kumuha ng tubig.

"Bakit bumalik ka pa? nagdidiwag pa naman ako... akala ko makukuha ko na ang kwarto mo."

"You wish!"

"Not my wish, it's my plan."

"Fine, walang may paki." umirap ako sa tawa nya.

Tinalikuran ko na siya  upang bumalik sa kwarto ko. Habang paakyat ng hagdan nakasalubong ko si Marlon ng hindi inaasahan, malalim kasi ang iniisip ko kaya di ko siya napansin.

Lalagpasan ko sana sya ng hawakan nya ako sa braso.
"bakit hindi ka nagpaalam at umuwi? Halos lahat ng tao nag-aalala sayo tapos darating ka na parang walang nangyari. Di mo ba alam nung isang gabi... halos masiraan ng bait si Rence sa katatawag kung dumating ka na. At si mama! Alalang-alala sa'yo." singhal niya pero walang ekspresyon ko lang siyang tinitigan.

"ikaw?!" natigilan sya sa tanong ko. Hinintay ko yung sagot nya pero walang lumabas sa bibig nya.
"Sobrang hirap ba para sabihin sayong nag-aalala ka rin sa akin." Halos paos kong saad, ganoon na lang kabilis, nagpalit ang  emosyon ko.

bigla iyong napuno ng lungkot. "ah, oo nga pala, wag mo nang sagutin kasi hindi na ako maniniwala sa sasabihin mo. tutal kahit ano namang sabihin ko at gawin ko, masama ako sa paningin mo kaya wag na lang."

"Angel, look. Nasabi ko lang iyon dahil sa inis ko? gusto ko lang talagang malaman yung nangyari sayo kahapon."

irita ko siyang tinitigan sa mata. "wala, wag ka nang magtanong pa, dahil  wala akong balak magkwento sayo." saad ko pero hindi ko mapagilan ang paglabas ng mga luha ko habang kaharap siya.

Sa dami ng nangyari kahapon hindi kayang magprocess ng utak ko ng maayos. Ang alam ko lang nasasaktan ako ng sobra. "Para sa akin, ikaw ang huling taong makakaintindi sa pinagdadaanan ko, o baka nga... hindi mo gustong maintindihan. kaya wag na lang."

Nahulog ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya, pinunasan ko iyon ng hindi nakatingin sa kaniya. Tinalikuran ko siya saka ako patakbong pumunta sa kwarto ko. isinara ko ang pinto at Dumapa sa kama habang umiiyak.

Pakiramdam ko hindi ako makahinga kapag naalala ko ang mga nangyaring Kahapon, tuwing pumipikit ako naalala ko yung mga narinig ko at muntik ng mangyari sa aking masama.

Hindi kayang kalimutan agad 'yung nangyari... para akong mababaliw sa sakit!!!




BUMALIK sa dati ang buhay ko, kahit na ang totoo... malabong maging kagaya ulit ng dati dahil ngayon alam ko na ang totoo. Kahit papaano natatanggap ko na rin. 'yung nangyari sa akin nung gabing 'yon, itinago ko na lang sa sarili ko. Paminsan-minsan natutulala ako at napapanaginipan yung nangyari. Nakakatakot!

Haist! Kami ni Colleen hanggang ngayon war pa rin. Bakit ba napaka maldita ng bruha na yon? Nagpanggap ba naman na itinulak ko daw sya sa hagdan, kung itulak ko talaga sya sa hagdan para maging totoo ang imagination nya.

sinabi nya rin na ako ang nagtago ng mga test paper bago ang Exam. Ang sama talaga ng ugali.

Pero hindi naman sya nagtatagumpay, hindi nya kasi mapatunayan na ako ang may gawa. Sigurado akong may gagawin pa syang mas malala pa dun.

Sabi, sandali lang sya mag-i-stay sa bahay nila Marlon pero tinangnan mo naman... inabot na sya ng isang buwan.

Napangiti ako sa mga nakita kong nakasabit. Parol! Malapit na pala ang Christmas. 10 days na lang

Last Christmas...ano nga bang ginawa ko? Oo nga pala, mag-isa lang ako nun...

Napalingon ako sa lalaking umupo sa tabi ko.


TO BE CONTINUE

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon