|CHAPTER 41| Riot

48 15 0
                                    

-RENCE'S POV-

Naramdaman ko ang paghawak ni Marlon sa balikat ko at seryoso akong tinitigan. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko at tulad ng dati, handa siyang tumulong kahit na anong mangyari.

Nabaling ang atensyo ko kay William... bat ganun, parang hindi bago kay William ang ganitong sinaryo? hindi ko makita sa itsura niya ang reaksyon ng lahat. Sabihin natin na nag-aalala siya pero base sa kilos niya... para bang walang nangyaring kakaiba sa bahay na 'to, na ayos lang si Angel at hindi namin kailangan mag-alala.

Tumayo si William at nagtungo sa cabinet, kinuha niya dun ang isang maliit na medicine kit. marahan niyang ginamot ang sugat sa ulo ni Jeremy, mukhang sanay siya sa paglapat ng first aid, saglit lang niya ginawa ang mga 'yon. At nilagyan na agad ng bandage ang sugat para matakpan lang 'yon at hindi ma-infection.

"first aid lang 'to, ipatingin mo pa rin 'yan sa doktor!" saad ni William, hindi naman nagsalita si Jeremy.

Nang maging ayos na si Jeremy, tumayo na ako upang hanapin naman si Angel. Walang mangyayari sa amin kung magtitigan lang kami dito at mag-aantayan.

"Aalis na ako, hahanapin ko muna si Angel!"

"Sasamahan kita!" saad ni Marlon.

"Sigurado ka?! Paano si Tita Mayette."

"Bahala na, mas importante na mahanap natin si Angel."

"Sasama rin ako, ililigtas ko si Angel at gaganti pa ako sa siraulong pumukpok sa ulo ko." Agad tumayo si Jeremy at hindi na ininda pa ang sakit ng ulo. Pipigilan ko sana siya pero siguradong tatakas lang ito at susunod. kapag gusto niya, gusto niya. ganung klase ni Jeremy!

Pinagpagan ni Jeremy ang kaniyang sarili na parang hindi napukpok sa ulo, tumakbo ako palabas kasunod ang dalawa.

Sa gate pa lang tumabad sa amin ang apat na lalaking, halata sa itsura ng mga ito ang pagkabagot sa paghihintay.

"Sabi ko sa inyo nandito lang nagtatago ang ugok na ito!" Saad ng lalaking may hawak na baseball bat. Nakatingin lang sila kay Jeremy ngunit ngumisi lang ang lokong si Jeremy.

Ngayon pa talaga siya maghahanap ng away, hahanapin pa namin si Angel. pasaway!

"Hinahanap n'yo pa rin pala ako. Akala ko nabugbog na kayo ni Jovan, 'yung amo n'yong kamukha ng tatay mong panot!"

Gago ito ah! pinatatamaan ata iyong tatay kong panot?!

Aangat na sana ang palad ko para batukan si jeremy buti na lang ay napigilan ko ang aking sarili, meron nga pala siyang sugat sa ulo.

"Anong sabi mo?!" sigaw nung isa.

"grupong bingi ba kayo?! ang sabi ko mababagal kayo! parang mga pagong!"

Sumama lang lalo ang itsura nung lalaking na sa gitna, tumaas ang kilay ko pero nanatili akong alerto. Nakatingin lang ako sa kanila at nag-aabang ng gagawin o kung sino ang mauunang kikilos.

Tinapik ko si Jeremy para tumabi. Ako na lang sana ang makikipag-usap pero mukhang manhid ang isang 'to at gusto talagang maghanap ng away.

"Kung gusto n'yo talaga akong mahuli, siguraduhin niyong matitibay na iyang mga buto n'yo! baka kasi lalampa-lampa lang kayo, tulad nung nakaraan... Tama ba sinabi ko? baby damulag!" mukhang naubusan na ng pasensya yung lalaking nasa gitna.

Asar itong humakbang palapit at mariin na hinawakan si Jeremy sa colar. "alam mo, nabibingi na ako diyan sa matabil mong bibig! gusto mong tahiin ko 'yan!" singhal nito.

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon