|CHAPTER 36| Casual Baseball Cap

32 2 0
                                    

-MARLON'S POV-

"Anong sabi mo?!" singhal ni Rence sa mukha ni Jeremy. mariing hinawakan ni Rence si Jeremy sa kwelyo nito at inalog sa sobrang gigil ngunit ngumisi lang si Jeremy na animo'y inaasar lang ang isa. "Gusto mo na ba talagang mamatay?!"

"Suggestion ko lang naman 'yon? pwede ba bitawan mo na ako! nahihilo na ako sa kakaalog mo?!"

"Siraulo ka talaga kahit kailan!" Binitawan ni Rence si Jeremy at muling tumingin kay Angel.

"Hindi ako papayag na tumira ka sa bahay o kahit pa sa bahay ng gonggong na 'to." bubuka pa lamang ang bibig ni Angel ng magsalita uli si Rence. "Tapos ang usapan. Kapag sinabi kong ayoko! ayoko at wala ka ng magagawa dun!" Nilingon ako ni Rence. "Mas kampate akong na sa inyo siya Marlon kaysa nandun siya sa bahay."

bakit sinasabi niya ngayon 'to samantalang alam naming dalawa na hindi nagbago ang pagtingin niya kay Angel simula pa noon kaya anong dahilan para mas piliin niyang ako ang magbantay sa babaeng 'to?

Ngayon pa lang gusto ko ng iuntog ang ulo ko sa pader, mukhang tuloy-tuloy na ang sakit ng ulo ko kay Angel. Namulsahan si Rence at pagkatapos at tumalikod na, naglakad siya papalayo sa amin.

Malayo-layo na siya ng bigla ko siyang habolin at hawakan sa balikat, agad niya akong nilingon.

"Anong dahilan bakit ayaw mo siyang makasama?! hanggang kailan ko babantayan ang babaeng 'yon Rence, pumayag ako na wag siyang paalisin sa bahay dahil resquest mo pero nag-aalala ako?!" Saglit na sinilip ni Rence ang nasa likod at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.

"Nag-alala? saan?!" natigilan ako sa sinabi niya. nag-aalala akong kapag nagtagal pa siya sa bahay baka... baka... "Marlon?!"

"Nag-alala ako na baka madamay si Mama sa mga gulong pinapasok ni Angel. we know that Angel is not an ordinary girl, right?! Mukhang may itinatago siya na pwedeng magpahamak sa atin."

"Takot ka ba sa gulong dala niya o takot kang mahulog din? that's not the same Marlon. kung gusto mo na siya sabihin mo agad sa akin. I never hated you for loving the girl i loved. I trusted you Marlon and who am i to stop you to love her.

She will only decide who she loved and who stay her side forever. maybe me, you or anyone else who deserve than us.

but me, i always choose her happiness more than mine, i always stay her side. "

"Tsk! hindi ako magkakagusto sa kaniya!" Ngumisi si Rence na nagpatigil sa akin.

"wag kang magsalita ng tapos baka kainin mo yang sinasabi mo?!" tinalikuran na ako ni Rence at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Kabaliwan ang naiisip ni Rence!!! ano bang gusto niyang maging papel sa buhay ni Angel?!


PAGKAUWI ng bahay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Rence. Naisip ko bumango mula sa pagkakahiga sa kama at nilingon ang bagong cellphone ko. kinuha ko iyon sa side table at inilagay sa bulsa ng short ko.

Pagbaba pa lang ng hagdan na rinig ko na ang pag-uusap ni Mama at Angel sa ibaba. Naririnig ko ang boses nila sa may dining area dahil iinom naman ako kaya dumeritsyo na rin ako sa kitchen para kumuha ng malamig na tubig.

"Totoo ba 'yan Angel, gusto kang kunin ni Renzo sa amin?"

"Hindi naman po sa ganun mama."

"Anong sabi mo? Anong balak mo? Gusto mo bang tumira sa kanila? Pag-umalis ka dito paano ako? Mami-miss kita agad!" Natigilan ako sa sunod-sunod na tanong ni Mama. Ibinaba ko ang Pitchel na hawak at lumapit sa kanila.

Nilingon ako ni angel pero hindi agad siya nagsalita.

"Marlon, siguro inaaway mo si Angel kaya gusto ni Renzo patirahin si Angel sa kanila." Saad ni mama na nagpawang ng bibig ko.

"Mama, wala pong kinalaman si Marlon, its just Ninang Ren, she invited me. isa pa po, hindi ako titira sa kanila gusto nya lang akong magbakasyon dun kahit ilang araw lang po."

Gusto kong magsalita at ipagtulakan siyang pumunta sa bahay nila Rence kaso si mama, gustong gusto niya talaga si Angel. Haist! kapag lumipat si Angel siguradong aayos ang buhay ko at titigil itong kakaibang pakiramdam.

Hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya...

"Ma, pabayaan mo na lang 'yang si Angel. May isip na siya alam na niya kung ano ang makakabuti sa kaniya."

"Marlon naman, ayoko mawalan ng anak, hindi ko kayang mawalay kay Angel. Baby Girl ko na siya at hindi ako makakapayag na si Renzo ang mag-aalaga sa kaniya." Bumuntong hinga ako.

Hinawakan ni mama si Angel sa mga kamay. "Angel saka ka na lang magbakasyon sa kanila. Dito ka na lang muna, ilang buwan pa nga lang kitang nakakasama tapos iiwan mo na ako agad. Please!"

"Hindi naman po ako magbabakasyon doon, ayaw ko rin po umalis dito, iniisip ko rin na baka malungkot ka mama, alam kong maiintindihan 'yon ni ninang Renzo." Ngumiti si mama at saka niyakap si Angel.

Ano bang meron sa babaeng 'to? bat ganon na lang sya kagusto ng mga tao, lalo na ni mama?!


-ANGEL'S POV-

The next day,

Palabas ako ng bahay ng makasalubong ko si marlon galing sa gate, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bihis ka ata? saan punta mo?" Tiningnan ko siya ng nagtataka at hindi makapaniwala.

"Totoo ba iyan? Tinatanong mo ako? ang bait mo ata?!" umirap lang siya sa kawalan.

"Tinatanong kita para alam ko ang isasagot kay Mama kapag hinanap ka niya sa akin, wala na akong balak na pagtakpan ka katulad ng ginawa ko sayo dati."

"Sabi na nga ba. Nagpaalam na ako kay Mama!"

"Edi mabuti!" bored niyang sagot pagkatapos ay nilagpasan na ako. Sumimangot ako at asar na naglakad.

Parang Gago Kaasar!

Padabog akong naglakad at nagsara ng gate. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Para naman kasi talagang gago si Marlon. Sa kapangitan ng ugali niya hindi ko na siya maintindihan. Ang labo-labo niya, ganun ba siya kagalit sa akin, wala naman akong ginawa sa kaniyang masama pero bat ang pangit ng pagtrato niya sa akin. Ano bang ginawa ko sa kaniya?

Argh!

Alam ko mukha akong tanga pero wag kayong mag-alala, isip ko lang iyon at hindi ko talaga isinisigaw.

Bigla na lang may humatak sa'kin at sinandal ako sa pader, sisigaw na sana ako ng takpan nito ang bibig ko, idinikit niya pa ang kaniyang mukha malapit sa tenga ko at ang kaniyang labi ay halos dumikit na rin sa leeg ko, ramdam na ramdam ko ang paghinga niya at dahil dun, nagtaasan ang balahibo ko sa buong katawan. Gusto kong kumilos ngunit mabilis niyang inipit ang hita ko upang hindi ko ito magamit. Para bang alam na alam niya ang pagkilos na gagawin ko kaya naman inunahan na niya ako.

Nakasuot siya ng cap kaya hindi ko siya makilala. Nakarinig ako ng mga tumatakbo 'di kalayuan sa pwesto namin hanggang sa makalayo na ang mga ito. Itinaas ko ang aking kamay para alisin ang suot niyang Casual Baseball Cap ngunit umiwas siya at inalis ang kamay niya sa bibig ko pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko na nakaangat sa ere.

Lumuwag ang pagkakadikit niya sa akin hanggang sa alisin na niya ang suot niyang Cap.

To be Continue...

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon