ANGEL'S POV
Sabay-sabay kaming kumakain nung sandaling dumating si mama, agad siyang nagtungo sa dining area upang sumabay sa'min.
"Awww, ako na lang pala ang kulang!" May panghihinayang niyang saad.
"Don't worry Hon, kakasimula palang namin. Umupo kana." Ngumiti si Mama at hinalikan si Tito Tim sa pisngi bago naupo sa kaniyang nakasanayang pwesto.
Napangiti ako sa sweetness nilang dalawa ngunit nabaling ang tingin ko kay Marlon ng hindi sinasadya, nakatingin din pala siya sa'kin.
"So, what happened today?!" Panimula ni Tito Tim. Siya ang bumasag sa katahimikan ng paligid habang ang atensyon niya ay na kay Marlon. "I got a call from Renzo and i've heard about you're punishment together with your friends and even Angel? May i know, why and what happened?!"
Suminghap muna si Marlon bago sumagot. "That's because of our misbehavior dad, we are making a big trouble, Acting like a kids and playing stupidly inside the room."
"Ohh, You did that, really?! Unbeliveable Marlon, ngayon ko lang ata ulit narinig na gumawa ka ng gulo sa loob ng Classroom?!" Hindi makapaniwalang saad ni Tito Tim ngunit hindi na mawala sa mukha niya ang isang malapad na ngiti. "Kailan nga ulit iyon Hon?"
"I Think grade 3 siya nun Hon. Naalala ko nga noon, pinatawag rin ako ni Renzo dahil nilagyan niya ng pandikit yung upuan ng teacher niya. At take note, hindi basta-bastang pandikit ang ginamit niya no'n. Grabe, naawa talaga ako nun sa advicer niya. Pakiramdam ko nga kahit nakapag-sorry na ako ay hindi pa rin sapat." kwento ni mama na ikinayuko ni Marlon. Halata sa mukha nito ang hiya at panlulumo.
Ang cute!!!
"Naalala mo rin ba Hon,
yung batang umiiyak dahil ginawa niyang bangka yung bag nito sa may fountain, because he wants to become a pirates." ani ni Tito Tim"Yes, I remember that day. diba, sobrang galit nga ng parents nung bata dahil ang mahal ng bag tas ginawa lang bangka nitong si Marlon. Buti na nga lang nakipag-areglo din sila at hindi na pinalaki pa ang gulong 'yon dahil nga away bata lang. Ang mas nakakagulat pa nga ay Anak pala iyon ni senator Simon."
Nagtawan sila ni mama na akala mo sila lang ang tao sa lamesa, nakakatuwa lang panoorin dahil ngayon ko lang sila nakitang ganito kasaya kung mag-usap. biglang pinag-apir ni Tito tim ang dalawang palad, mukhang may naalala na naman siyang nakakatuwang sinaryo. "Eh, yung ginawa niya kay renzo naalala mo ba Hon,"
"Paano ko makakalimutan iyon e grabe din ang tawa mo nun. Imagen mo ginawa niyang mop yung wig ni Renzo!!"
WTF!!! NOON, pa ba panot si noni?! as in hindi na talaga siya tinubuan ng buhok?! anyare?!
"Dad, hu-wag nyo na iyang pag usapan dito, tapos na iyan eh." mahina ngunit may nakikiusap sa tono ni marlon.
"Ito naman, ang kj ang sarap lang balikan nung mga pinaggagawa mo nun. bakit nahihiya ka ba dito sa dalawang babaeng kasama natin. Naku ayos lang iyan!" Suminagot si Marlon nung sabay-sabay kaming natawa. Wala siyang nagawa kundi magpatuloy sa pagkain at pakinggan kung gaano siya kaloko-loko noon.
"Diba ginawaan niya pa nga ng kwento iyong ulo ni Renzo. Ano nga ulit pamagat nun?!" hirit ulit ni Tito Tim.
"Oo, yung sekreto ng Manok at Pato. Marlon ikaw na ang mag kwento dali!!!" Mariin na naipikit ni marlon ang mga mata dahil sa kahihiyan.
"Pa-share naman diyan!" may pang-aasar kong hirit.
"Ako na nga lang magkukwento." saad ni mama. "Napansin nyo ba girls, yung pegurin dun sa Cr, sabi ni marlon nun iyon daw ang tumuka sa ulo ni Renzo kaya napanot nang ganun at kaya din daw ayaw ni Renzo ng mga pato kasi lagi siyang tinatawag nito nang... Eckkkkk pa-not pa-not! pa-not!!! Eckkkkk pa-not! pa-not Pa-not!!!"
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Novela JuvenilNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...