-ANGEL'S POV-
Napapalunok ako, hindi natatapos ang pagsugod, lumilitaw ang mga 'yon sa likod at gilid niya. kada may mapapabagsak si Rence ay meron ulit susugod. Paulit-ulit ang ganung sinaryo at nasisiguro kong mapapagod din siya sa ganito.
Kahit gaano kalakas ang isang tao... may hangganan ang kakayahan nila at lakas, Alam kong manghihina rin si Rence dahil sa dami ng kaniyang kalaban.
Kailangang may gawin ako, hindi pwedeng manuod lang ako dito!
"Sa likod!" sigaw ko na nagpaupo sa kaniya. Dali-dali siyang umikot ng nakaupo at pinatid ang lalaking kaharap.
Tatakbo sana ako palapit kay Rence upang samahan siya sa laban ngunit humigpit lang ang hawak ni Tyler sa braso ko.
"H'wag ka ng makisali!" Seryosong sambit ni Tyler.
"Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kaniya ngunit lalo niyang hinigpitan ang hawak dahil sa ginawa niya muntik na akong mapahiyaw sa sakit.
"Ang kulit mo, gusto mo masaktan?! Kapag sumugod ka sa laban hindi ka nila sasantuhin kahit babae ka pa."
"Tang*na! e'di patigilin mo na 'to!"
Ngumisi siya. "Saka na, kapag nakita kong lumpo na si Rence. Ayoko kasi nang mayayabang na walang binatbat!" umirap ako sa kaniya.
Totoo pala, ang mga lalaki ay galit sa ka uri nilang mayabang.
May kilala akong lalaking katulad niya, si Zachie!
Binalik ko ang atensyon ko kay Rence, nakita ko ang isang lalaking dumampot ng makapal na kahoy na nakakalat lang sa sahig.
Sumugod 'to sa likod ni Rence pero mali siya nang na pwestuhan dahil sakto maglingon ni Rence ay nakita siya nitong pasugod. Bumwelo agad si Rence ng mapansin siya, paghampas pa lang sa kaniya ng kalaban nagawa na iyong nasalagin ni Rence. Mariin ang pagkakahawak niya sa kahoy dahilan kung bakit hindi iyon mahatak ng kalaban.
Gigil na ibinalik ni Rence ang ginawang pagkilos ng kalaban. Malakas niyang hinatak ang kahoy, kaya naman umabante ang kalaban, hindi nagsayang ng segundo si Rence at malakas niya itong sinuntok sa sikmura kasabay ang pagsipa sa lalaki biglang lumitaw sa
gilid niya.Muling Binalikan ni Rence ang laking sinikmuraan niya at pinaulunan uli ng suntok hanggang sa bumagsak ito.
Lumapit si Rence sa iba pang nakatayo. Bagamat bahagyang natakot ang mga kalaban kaya napaabante ang mga ito subalit hindi iyon nagtagal dahil agad din umarangkada ang mga 'yon sa pagsugod kay Rence.
Umilag si Rence subalit sa pagkakataon na ito ay naabot na ang mukha niya ng kahoy na may pako, gumuhit ang maliit na hiwa sa mukha ni Rence. Mukhang hindi niya iyon naramdaman, patuloy pa rin siya sa pagsugod at unti-unti ko ng nakikita ang pagbagal ng kilos niya, paghabol ng hininga at pagkapagod.
Tumilapon ang isang lalaki at bumangga sa pader ng sipain iyon ni Rence. Napaluhod naman 'yung isa pa ng pilipitin niya ang kamay nito patalikod.
Nag-aalala ako ng sobra, baka kinakaya na lang ni Rence ang laban dahil wala naman siyang aasahan sa mga sandaling ito.
"RENCE!" bulalas ko.
Natakpan ko ang aking bibig, may pumalo sa likod ni Rence dahilan ng pagkabagsak niya. Pinilit niyang tumayo ngunit hindi na niya nagawa pa ng paluin uli siya ng kalaban.
Dahil sa nangyari, nagkaroon ng oportunidad ang mga kalaban para kuyugin si Rence at sabay-sabay silang umataki.
Humiwalay sila sa pagsipa, may lumapit kay Rence at hinatak ito sa buhok upang umangat ang mukha nito. Nakaramdam ako ng awa ng makita ang itsura ni Rence. Pinagpasa-pasahan ng suntok si Rence... Para s'yang isang laruang bola. Nag-eenjoy ang lahat sa kanilang ginagawang brutal na pananakit.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Teen FictionNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...