|CHAPTER 28| Seating Arrangement

23 5 0
                                    

-ANGEL'S POV-

Pagtungtong pa lang ng mga paa ko sa tapat ng Classroom, gumuhit na agad ang ngiti sa labi ko ng makita si Rence. Nakapatong ang mga braso niya sa lamesa at nakasubsob din ang mukha niya dun. Patakbo akong lumapit at tinapik siya, agad niya rin naman inangat ang mukha niya at nilingon ako.

"Rence kamusta?! akala ko absent ka ngayon? Okay ka na ba talaga?" hindi siya agad umimik pero napansin ko ang bigla niyang pagkatulala sa harap ko, "Oi Rence, may masakit pa ba sa'yo?" Umiling siya saka iniwas ang mga mata niya sa akin.

"Wag ka ngang ganyan, kinikilabutan ako."

"grabe ka! inaalala lang kita?!"

"Ayos nga lang ako!" magsasalita sana ako ng maramdaman ang paglapit ni Jeremy. sumama ang mukha ko sa inaasal niya, para siyang aso na may hinahanap gamit ang pang amoy.

"Anong problema mo, para kang aso?!"

"I smell something fishy?! magkasama ba kayo kahapon?" tanong ni Jeremy. Naningkit ang mga mata niya sa akin at mayamaya ay inilipat nya ang tingin kay Rence.

"HINDI NO!" sabay na sambit naming dalawa ni Rence. Nangiti si Jeremy, ano na naman kayang naiisip ng lalaking to?

"Teka nga Jeremy, saan ka ba nagpunta kahapon. Akala ko naman kaya ka tumakbo ay dahil may masamang nangyari?!" Pag-iiba ni Rence ng topic.

Natigilan ako ng unti-unting mawala ang ngiti ni Jeremy, sa sobrang lungkot ng mukha niya ngayon parang anytime ay iiyak na siya.

Anong problema nito at biglang nagdadrama?

"Meron talaga, Sobrang sama!"

"May masamang nangyari sayo kahapon?" Tumango-tango si Jeremy, kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Binuksan niya ang kan'yang bag at dun kumuha ng tissue... agad niyang pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kaniyang mata.

"I still can't believe Angel! I was really shocked by what happened yesterday. Until now, I'm still hoping that everything is just a dream."

"Hindi kita gets! Sige ikwento mo, willing akong makinig." lalo akong nakaramdam ng lungkot ng pumatak ang luha ni Jeremy.

Bigla na lang siyang humagulgol sa pag-iyak at yumakap sa akin ng mahigpit. Nabigla ako subalit hindi ko naman siya magawang itulak.

Naawa ako sa kaniya!

"Angel, namatay na ang bestfriend ko kahapon, ang sakit! Sakit maiwan." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi ni Jeremy. Sa mga narinig ko, hindi ko alam ang aking sasabihin.

Kahit ang ibang nakaririnig sa sinambit ni Jeremy ay nalungkot at nakikisimpatya sa nararamdaman niya ngayon.

"Naiinis ako sa sarili dahil wala man lang akong nagawa para mailigtas sya! Alam mo... ang saya-saya pa namin bago ako pumasok kahapon tapos mababalitaan ko na lang patay na siya! sobrang sakit!" panay ang hikbi niya kaya naman humigpit ang yakap ko sa kaniya.

Ito lang ang tanging magagawa ko upang pagaanin ang loob niya. Hinimas ko ang likod nya para naman gumaan ang loob nya. "Iniwan na ako ng bestfriend ko. Angel!"

"Tsk! namatayan ng bestfriend!" Sinilip ko si Rence ng marinig kong magsalita ito. Walang ekspresyon ang mukha niya habang naka- cross arm.

Bat ganun, parang may mali?!

Naramdaman ko ang pagtayo ni Rence saka kami pinaghiwalay sa yakap saka ko lang nakita ang nakabusangot niyang mukha. Anong Problema nito?!

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon