-ANGEL'S POV-
"Baliw ka ba? Gusto mo Ikaw na lang ang maglaro." Sigaw ko.
Malay ko ba kung gaano siya kagaling maglaro. Kung mapuputulan niya ako ng kamay hindi ko na gugustuhin pang mabuhay.
"You're so interesting, My Angel. Actually, Joke lang 'yong sinabi ko. Hindi naman ako masamang tao gaya ng iniisip mo." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
Kinuha niya ang alak na nasa tabi niya at nagsalin sa basong may yelo.
"You want to drink? Pampalakas ng loob 'to at Siguradong gaganahan kang maglaro." Agad kong tinanggihan ang alok niya.
Hindi ako p'wedeng tumanggap ng kung anu-ano dahil hindi ko pa kilala ang pagkatao ng lalaking ito.
Mabilis niyang nilagok ang alak na nasa baso at pikit matang silasap ang lasa nun. "Ano ba talagang gusto mo para makapagsimula na tayo?" tanong ko.
"Mamaya ko na sasabihin kaya simulan na natin ang laro Ms. Choi." Mabilis niyang hinawakan ang puting horse at tumira ng pa-L shape.
Naglapag ako ng pawn na pinagtawanan niya.
Wag ka masyadong makapante, nagsisimula pa lang ang laban.
Nangalumbaba siya sa harap ko at hinawakan ang isang pawn upang itapat sa aking pawn.
Panay ang palitan namin ng moves at kung susumahin nasa 15 mins. na ang nakalipas simula ng mag-umpisa kami. Nakatuon lang ang atensyon ko sa Chessboard at ayaw kong maalis ang mga mata ko sa mga Chess Pieces na binabantayan ko.
Napalingon ako ng magsalita siya. "Are you Rence's Girlfriend?" Siya ang titira, ibinaba niya ang bishop katabi ng Queen.
Napalunok ako at pinaatras ang horse. "Anong sinasabi mo? Single kaya ako?" Ngumiti siya at kinain niya ang pawn ko gamit ang L-shape move ng horse niya. Nagulat ako sa ginawa niya.
Nalagasan na naman ako ng isa!
"Oh, we're both single. Let's date? wala naman sigurong magagalit sa'kin." wala niyang paligoy-ligoy na sabi.
Hinawakan ko ang bishop at inilapag iyon. "Or maybe you want to court you first before the date? madali akong kausap, Angel." Tinitigan ko siya ng masama kaya naman tumawa siya ng malakas, animo'y natutuwa sa pambubwiset niya habang naglalaro kami.
Mabilis ang pagkilos niya, hinawakan niya ang Rook sabay sabing... "Castling."
Nakagat ko ang aking ibabang labi sa kaniyang tira. muli akong tumira at obligadong ipakain ang bishop.
"Tsk! Wrong move!" bulong ko.
"Oh, That sad!" sabi niya nung kainin ng white pawn ang black bishop ko. shit!
Natapos ang dalawang bishop ko ng ganun lang. nilingon ko si tyler na ngayon ay nankangisi.
"Your wrong move will make you lose, Angel. Can you still make up for the game?" Pang-aasar nito.
"Hangga't hindi pa ako sumusuko hindi ka pa panalo."
"Really, let's see." Muli kong sineryoso ang laro pero paulit-ulit lang ang nangyayari, sandali kong ipinikit ang mata ko at nag-isip ng paraan pero walang pumapasok sa utak ko.
Nilingon ko si Tyler at naisip na lang magtanong.
"Tyler, matanong ko lang, Ano bang pakay mo sa'kin, kay Rence? Bakit mo ba 'to ginagawa?" Sa sinabi ko nag-iba ang itsura niya.
Hinawakan niya muna ang queen pagkatapos ay tinulak ito papunta sa bandang gitna gamit ang kaniyang daliri. "Sinabi ko na sa'yo ang dahilan bakit itinatanong mo ulit?" Tinitigan niya ako ng seryoso at muling nagsalita. "Aren't you moving yet? I'm getting bored!"
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Novela JuvenilNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...