SPECIAL CHAPTER

24 2 1
                                    

-ANGEL'S FLASHBACK-

Continuation of chapter 20

MULTO BA 'YON?!

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ngunit nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita...

Nang makita ko ang anino na 'yon, agad akong nakaramdam ng pag-aalala. May isang lalaking nakatayo sa likod at nakasuot ng Gray Hoodie Jacket. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makilala kung sino siya, nagulat na lang ako ng mula sa likod ko ay muling may dumaang anino at agad namatay ang hawak kong kandila.

Bago pa man ako makasigaw ay na hawakan na rin ako sa bibig, pilit kong kinalma ang sarili ko upang makapag-isip ng tama.

Kung magnanakaw man sila, hindi sila mananakit kung mananatili akong tahimik at hindi manlalaban.

kahit pilit kong kinakalma ang aking sarili hindi ko pa rin magawang pigilan ang malakas na kalabog ng aking puso. sa mga sandaling ito na walang kuryente at sobrang dilim ng paligid, siguradong walang magagawa si Marlon lalo't my night blindness siya.

"Relax!" bulong ng isang lalaking nagtakip ng bibig ko. "Wala kaming gagawing masama, may gusto lang kaming iparating sa'yo." lumunok ako at tumango.

Ibig sabihin hindi lang kami ang naririto kundi may mga taong kanina pa kami pinagmamasdan ni Marlon sa mga ginagawa namin.

Nagsalita ang lalaking nasa harap ko, naglakad ito palapit sa akin, gusto kong humakbang paatras pero hindi ko magawa. sino ba ang mga taong nandito sa harap ko ngayon?

"Naririto kami dahil sa isang utos, ang ayain kang sumali sa organisasyon." Marahang inalis ng lalaki ang kamay niya sa aking bibig at umatras ng ilang hakbang.

"Sino ba kayo? at bakit inaaya nyo pa akong sumali sa organisasyon n'yo?"

"Malalaman mo rin pero hindi pa ngayon."

"Inaaya nyo ako sa isang organisasyon, na hindi ko naman alam kung anong klase." Kumuyom ang mga palad ko. "hindi! hindi na mauulit ang pagsali ko sa mga ganiyan! ayoko na! kaya h'wag nyo na akong kulitin." narinig ko ang pagtawa ng kaharap ko habang ang nasa likod ko ay nanatiling tahimik.

"Kapag sumali ka, makakaganti ka sa lahat ng may atraso sayo at malalaman mo rin ang sekretong itinatago ni Mr. Choi."

"Si Dad?!"

"Oo may bagay siyang itinatago sayo at sa pagkatao ng mama mo. Sa totoo lang hindi ka nababagay maging isang Choi, kung willing kang malaman sumama ka?!"

"Tingin n'yo hindi ko 'yon malalaman?! hindi ko kailangan ng tulong ng organisyon n'yo. may sarili akong paraan kaya wag nyo na akong guluhin pa. umalis na kayo rito!"

"pagbibigyan ka namin, hindi pa ito ang huli nating pagkikita, My angel!"

-END OF FLASHBACK-

Matapos ang pag-uusap na iyon agad kong ibinaba ang aking Cellphone. para akong natulala sa isang lugar. walang tigil sa kakaisip ang utak ko kung bakit parang napakahaba ng sandali at hindi pa rin tumutunog ang bell para sa next subject.

Panganib nga ba ang dala ko sa mga taong nakapaligid sa akin?! At ano ang sekreto ni dad tungkol kay Mom.

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon