-ANGEL'S POV-
Iningat ni rence ang ulo niya. "WHO THE HELL WHO DID THIS TO ME! WHO?!" galit niyang sigaw. Matalim na titig ang ibinato niya sa bawat isa.
Nabalot ng katahimikan ang paligid at walang gustong magsalita.
Nagturo si Rence para tanggalin ang tali sa kaniya, nag-aalangan pa itong lumapit dahil sa takot. Nang matagal na ang tali biglang kinuwelyuhan ni Rence ang lalaki para tanongin ito. Sa sobrang takot nung lalaki parang nawalan na ito ng boses at hindi nakapagsalita ng maayos dahil sa panginginig.
"Who's the fucking promoter?!" mariin niyang sambit.
"Rence!" Tawag ng isang lalaki na parang kilala ko kung sino. Mula ang boses na iyon sa likuran ko.
Agad akong napalingon at nakita si Jeremy na nakangiti habang nakaturo ang hintuturo sa'kin. "Sorry Angel!" aniya.
Ngumiwi ako. "You again!" Humakbang sya papalapit sa'kin habang nanlilisik ang mga mata.
Naku! parang gusto nya akong lamunin ng buhay.
Napaatras at nakikiramdam ako kung mag-i-start na ba akong tumakbo dahil siguradong riot to. Bago pa man makalapit sa'kin si Rence at malamon ako ng buhay ay may umeksina na.
May nakita akong likod..
likod ng isang lalaki pero sino naman kaya 'to?
Si--
si Marlon....
Si Marlon 'yong pumuwesto sa gitna to help me. Wow! Sabi na nga ba hindi mo rin matitiis na hindi iligtas ang kinakapatid mo.
"Umalis ka dyan!" singhal ni Rence.
"Hindi mo siya pweding saktan." Mahinahong saad ni Marlon. Sumilip ako ng kunti dahil natatakpan ako ng likod ni Marlon.
"Sinong may sabing sasaktan ko siya!" tumingin siya sa'kin, kaya napakunot nuo ako. "Nagkita ulit tayo!" Bumilis ang kabog ng dibdib sa kaniyang tinuran, maging ang ekspresyon niya ay nagbago din... naging kalmado 'yon.
Naglakad siya palapit sa'kin at marahang hinawi si Marlon. Napuno ng tuwa ang puso ko nang hawakan niya ako sa ulo. Pakiramdam ko naalala niya na ako. "I'm Glad to see you, again." Aniya, Pagkatapos ay tinalikuran niya ako.
Pagkalabas niya sabay- sabay namang huminga ang classmate namin halata rin ang gulat sa lahat dahil do'n sa huling sinabi ni Rence.
Nakatulala kong nilingon ang pintong nilabasan niya.
"Ang weird, magkakilala ba kayo?!" takang tanong ni Jeremy pero imbis na sagutin ko ang tanong niya sinamaan ko lang siya ng tingin. "Ano ba namang mata 'yan? nawawala na 'yong itim." pagbibiro niya.
"Akala mo nakalimutan ko na, ipinagkalulu mo ako! At talagang nagawa mo pa akong ituro ng nakangiti ka. Tarantado ka Million times!" asik ko.
Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Paano kasi lahat sila natatakot. Oo nga pala... ako 'yung tumawag kay Rence. Exciting diba?!"
"Ipinag malaki mo pa talaga. Siraulo!" Inis ko siyang tinalikuran at hinanap si marlon sa paligid ngunit hindi ko na siya makita.
Angel Choi and Rence Jasper please! Proceed to the guidance office right now!
"Lagot ka! Katapusan muna. balita ko pa naman lahat ng pumapasok sa Guidance Office hindi na nakakalabas ng buhay." Tamad kong nilingon ang babaeng madaldal sa tabi ko na si Chloe.
"Talk to my hand." saad ko saka nag-cross arm. "Taray-tarayan sa harap ko pero takot ka naman ma-guidance."
"Wala ni isa rito sa Jasper Academy ang gustong ma-guidance... Except you!"
"Oh really! sige my dear maiwan na kita. inaatay na kasi ako ng Guidance Office. Babalitaan na lang kita kung buhay pa ako." Mapang-asar kong hirit.
"No Need. Ah, By the way, lalayas ka na naman sa school na ito. Sasabihin ko na rin sa'yo na 'yung lalaking itinali mo sa silya ay anak ng Guidance Counselor." ngumisi siya. "Sa wakas mawawala ka na rin sa paningin ko lalong sa Jasper Academy At sigurado pati sa buhay ni prince M."
"sige lang matuwa ka lang dahil 'yang tuwa mo mamaya lang... wala na."
Tumalikod ako at siniguradong tatama ang mahaba kong buhok sa pagmumukha niya. Natatawa ko syang nilingon ng makita ang pangit at inis niyang mukha.
"SAKIT BA? SORRY! MY BAD!"
NANDITO na ako ngayon sa harap ng Guidance Office.
Ano kayang meron sa loob nito? Remember sinabi ng mukhang chakadoll na 'yon na walang naglalakas loob na ma-guidance.
Hahawakan ko pa lang ang door knob ng bumukas ito. Aba! may mystery nga, bumubukas ng kusa ang pinto. Mayamaya may lumitaw na halimaw sa pinto. Tangeks! joke lang ...
Hindi naman halimaw normal naman ang pagmumukha, may ilong, mata at bibig naman. Maayos din ang suot o baka naman, sa una lang 'yan. baka kapag pumasok ka na may makikita kang mga rebolto at mga naka-hoody ng itim tapos sa loob... gagawin ka palang alay.
'yan Angel, iyan 'yon ,e, mahilig ka kasing manood ng mga gan'yan, kaya tuloy ang utak mo gan'yan na rin...
Ang lalaking nasa harap ko ngayon ay formal ang suot at ibang-iba sa sinasabi ni chuckdoll, ngumiti ito at biglang yumakap sa'kin kaya nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.
Naku! ano to? Mukhang halimaw nga biglang ng yayakap, Teka harassment na 'to ,ah?! uupakan ko 'to!
"Grabe Angel na miss kita." Sisipain ko na sana siya pero natigilan ako sa mga sinabi niya.
kilala ko ba ang nilalang na 'to? Pero bakit kilala niya ako? baka kapag tinanong ko siya, isasagot niya lang sa'kin ay dahil nabasa n'ya yong name tag ko. Ulol! hindi na maloloko! "Kainis ka, hindi ka man lang dumaan sa ninang mo?!"
Ninang? shocks bakla sya? teka ano ulit? Nina--
Nang makapasok kami sa loob, nabigla ako sa lawak ng G.Room, nakailang hakbang pa kami bago tuluyang nakarating sa isang kwarto. Maaaring ito na ang office niya. pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa sofa, ibinaba niya ang hawak na magasine saka sumandal.
"She's Here, Rence!" Kinikilig na sigaw ng katabi ko.
"Pa, itigil mo nga niyang kalandian mo. Nakakahiya ka kapag nakita ka ng mga studyante dito. umayos ka nga" seryoso niyang sigaw.
"Anak, na-miss ko lang talaga si Angel, ang tagal ko kaya siyang hindi nakita." Hanggang ngayon natatameme pa rin ako sa nangyayari. Ibig sabihin siya yung papa ni Rence na laging nag-iipit sa buhok ko nun. Hindi ko siya nakilala! si tito Renzo.
Sa bagay 9 years na kasi ang nakalipas...
"Oh, bakit ka nakatingin?!" singhal ni Rence ng mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya.
Lumapit siya at naupo sa kaharap kong silya na akala mo siya ang hari.
Processing.......
TO BE CONTINUE
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Novela JuvenilNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...