Continuation...
-ANGEL'S POV-
"Ayoko ng may magsakripisyo ulit ng buhay. Ayoko ng mawalan pa!" Mahina kong sambit at nagsisimula na rin mangilid ang luha sa aking mga mata. "Hinding hindi na ako babalik pa dun kahit patayin mo pa ako ngayon." Sigaw ko kasabay ng pagkagat ko sa kaniyang braso.
Napahiyaw si Tyler sa sakit at dahil dun ay nabitawan niya ako at naitulak ng malakas.
Galit niya akong tinitigan, naglalakad siya palapit sa'kin. Marahan ang pag-atras ko dahil sa kabang aking nararamdaman.
Natigilan siya sa paghakbang ng tumunog ng malakas ang Ringtone ng kaniyang Cellphone.
Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag agad niya akong nilingon, nagtataka ako sa biglang pagbabago ng eskpresyon ng kaniyang mukha, nauwi iyon sa pagngiti sa'kin.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. hindi ko alam kung bakit nakangiti siya sa'kin habang may kausap sa kabilang linya.
Mga ilang sandali lang ay pinatay na niya ang tawag.
Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makalapit sa'kin. Nanginig ang buong kalamnan ko ng maramdaman ang malamig na palad niyang humaplos sa mukha ko.
"Patawad sa ginawa ko, hindi na kita sasaktan uli my Angel." Mariin ang pagkapikit ng aking mga mata dahil sa sobrang kaba.
Napadilat ako ng maramdaman ang pagtayo niya."But that doesn't mean you and Rence can leave this place safely."
Nilibot ng mata ko ang paligid at nakita na lamang ang masasamang tingin ng mga taong naroon.
Unti-unti silang nagsilapitan kung saan naroon si Rence.
Higit sa sampong katao ang nagnanais lumaban kay Rence, lubos akong nakaramdam ng pag-aalala, baka mapahamak si Rence ng dahil sa'kin?!
Umiling ako at nilingon si Tyler na nakangisi. Nakatitig s'ya sa dereksyon ni Rence.
Pumunta si Rence sa lugar na 'to ng dahil sa'kin at hindi maaaring wala akong gawin. Hindi p'wede!
"Tyler!" Napalingon ako sa pagsigaw ni Rence. "Ganito ka na ba talaga ka daya ngayon?! Iniisip mo ba na maglalaho na lang ang Xynex kapag nabugbog mo ako. Anong utak meron ka? Tingin mo dadalhin ko ang simbolo ng Xynex?!" Natulala ako sa sinabi ni Rence.
Ngumisi si Tyler saka namulsahan. "Mag-isa ka lang ngayon pero ang tapang mo pa rin. May ibubuga ka ba, Baguhan. Kung umasta ka ngayon, para namang may ipagmamalaki ka na. baka, nakakalimutan mo. Nandito ka sa teritoryo namin kaya anong pakialam ko sa mahinang grupo ninyo."
"Dahilan na ba 'yon para matakot ako?! Ang isang Gang leader ay walang kinatatakotan!"
"Talaga ba! kaya ba takot kang mapahamak ang babaeng 'to? kung wala ka talagang kinatatakutan... hindi ka dapat naririto. Ano na lang ang ihaharap mong mukha sa buong myembro ng Xenyx kapag nalaman nilang sinugal mo ang buhay mo para sa isang babae lang. Baka nga sila na ang pumatay sa babaeng ito kapag nagkataon. Walang puwang ang pag-ibig sa mundong tulad nito. H'wag kang hangal! pabayaan mo na lang si Angel sa'kin at ipapangako kong aalangaan ko siya."
"Mas hangal ako kung pababayaan ko s'ya sa'yo. Hindi ko hahayaang isugal ang buhay ng isang tao para lang sa pansarili kong makapanan. Kung magiging katulad mo akong makasarili at walang pakialam sa iba... Ano pang pinagkaiba ko sa grupo ninyo?"
"Manahimik ka na! nagpunta ka ba dito para makipagdebate. Hawak ko pa rin ang East Place kaya tigilan mo na ang kasasatsat d'yan." sigaw niya.
"H'wag ka rin mayabang! Hindi habang buhay hawak mo ang East Place. Hintayin mo lang at aagawin namin ang lugar na 'to sa'yo."
"Gawin! Wag puro salita. kung ako sa'yo iisipin ko muna kung paano makakaalis dito."
Nilingon ni Rence ang mga lalaking nakaabang sa hudyat ni Tyler para sumugod. "Sila lang ba ang ilalaban mo sa'kin? kulang ata ang myembro ng Zattic." umawang ang bibig ko sa pagkabigla sa mga sinabi ni Rence. Wala na ba talaga s'yang kinakatakutan ngayon? Sobrang laki ng pinagbago niya!
"Sapat na sila, Rence. wag mo masyadong maliitin ang mga bata ko." Napalunok ako ng umabante na ang isang lalaki na may dalang pamalo. Nag ngisihan ang mga lalaking naroon kasama na si King. Halata ang pagkasabik nitong makaganti kay Rence.
"Nandito ka pala? Hindi ko alam na nag-aampon ng unggoy ang Zattic!" Hirit ni Rence ng makita si King. "Sa bagay ang unggoy didikit sa kapwa niya unggoy."
lalo naman sumimangot ang mukha ni king sa mga narinig.
Mabilis na inangat ni king ang hawak niyang baseball bat ngunit ngumisi lang si Rence na nagpakaba sa'kin.
"Ano, magtititigan na lang tayo?" Napahilamos ako ng mukha dahil sa mga sinambit ni Rence, lalo niya lang ginalit si King.
"Tarantado ka talaga Rence!" Gigil na sumugod si King hawak ang baseball bat, mabilis at buong lakas niya iyong inihampas ngunit nailagan lang ni Rence ang atake niya. Sa bagay, ang kilos ni king ay madaling hulaan, kahit ako ay nahihinuha ko na kung saan 'yon tatama.
Inatras ni Rence ang kaliwang binti upang makabwelo ngunit hindi nagsayang nang sandali si King at agad nang umataki, marahas ang pag-iwas ni rence, kasunod nun ang pagbira niya ng malakas na suntok sa sikmura ni King. Napangiwi sa sakit ang matandang kalaban ngunit nagawa pa rin nitong umataki gamit ang braso niya, agad iyong napansin ni Rence kaya, bago pa man umabot ang kamao ni King ay nauna nang tumama ang high kick ni Rence sa mukha nito.
Bumalya ito sa pader at siya namang pagguhit ng nakakalokong ngiti sa labi ni Rence. Naglakad siya palapit dun sa nakahandusay na katawan at saka niya dinakma ang damit nito na siyang nagpaangat sa wala ng lakas na si King.
Hindi na'to pinagbigyan pa ni Rence ng pagkakataon na makabawi at muli niyang sinuntok ang mukha ng kalaban nang paulit-ulit at sa iba't ibang parte ng katawan niya pa ito pinapatama.
Sa lagay ni King ngayon, mukhang mahihirapan na siyang bumawi pa, ang bagal na nang kilos niya pero pinipilit niya pa ring tumayo. Puno na siya ng dugo at sugat, halos mamaga na rin ang malapad niyang mukha.
Nilingon ko si Tyler na ngayon ay nakangising nakatingin sa nakakaawa niyang tauhan. Ano bang binabalak niya? bakit hinahayaan niya lang mabugbog ang KING na 'yon. kita naman na hindi na nun kaya pang lumaban.
Pagapang na hinawakan ni King ang binti ni Rence subalit nabitawan lang iyon ni King nang alisin ni rence ang binti niya.
"Iyan na ba yung KING na nagmamalaki sa akin noon. ! Minsan napapatanong ako kung paano ka naging leader noon, king*na! Ano, High School Student lang ba talaga magpapabagsak sa'yo King!" Napahiyaw si King ng tapakan siya ni Rence sa dibdib.
Lilingon pa lang si Rence sa amin ng makita kong sumenyas si Tyler sa isa niyang tauhan. Bigla na lang may sumugod mula sa likod ni Rence, buti na lang at malakas ang pakiramdam niya nakailag agad siya.
Sa bilis ng kilos niya nagawa niya pa ngang hatakin ang ulo ng kalaban para ibangga sa ulo ng isa pa niyang kalaban na kasusugod lang din, sa lakas ng buguan ng ulo, nahilo ang dalawa at sabay na bumagsak sa sementong sahig.
Mabilis na sumampa si Rence sa pader at sinipa ang lalaki umatake sa kaniyang gilid, bigla na lamang umatake nang magkakasunod ang tauhan ni tyler. 1,2,3,4,5... hindi ko na mabilang pa...
To be continue...
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Novela JuvenilNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...