-ANGEL'S POV-
Habang kinukuha ko yung duplicate key ng kwarto ni Colleen, Naramdaman kong may mga yabag napapalapit dito sa Kitchen kaya naman, agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa pero sa pagmamadali ko, nabitawan ko pa 'yung ketchup na hawak-hawak ko. Aabutin ko na sana subalit may pumulot na at muntik pa ako makita.
Sumilip ako nang tumalikod na siya sa lamesa, dun ko lang nalaman na si Marlon pala iyon, ibinalik nya yung ketchup dun sa nakabukas na cabinet.
"baka nakalimutan lang isara!" Aniya ni Marlon na halata mong nagtataka.
Umiling lang siya saka lumapit sa ref at kumuha ng softdrinks in can.
Asar! Panira ng plano.
Napatakip ako ng bibig dahil sa impit kong pagtawa. bigla na lamang kasing sumirit sa mukha nya yung laman ng softdrink in can na hawak niya ng buksan niya ito.
Syempre, wala namang ibang gagawa ng kalokohan na iyon kundi ako.
Nang malaman ko kasing kay Marlon ang mga 'yon, hindi na ako nagdalawang isip at... PINAG-AALOG ko na lahat dahil sa sobrang irita ko sa kaniya kanina.
Halos 'di na ako makahinga sa tawa, lalo ko kasing hinigpitan ang Kapit ko sa aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Siguradong yari ako nito. kaunting kaluskos lang ang magawa ko... tiyak, malalaman niyang may tao sa paligid niya.
Sana lang ay umalis siya ng payapa matapos ng mga nangyari sa softdrinks niya.
Kasalanan mo 'yan, blee!!!
Padabog niyang ibinagsag ang in can sa table at muling kumuha sa ref. kaya lang... pagbukas niya, muli iyong sumirit sa kaniyang mukha.
"ANGEL!" Nanggigigil niyang bulalas.
Ayos ah! bakit alam niya agad na ako ang may gawa nun!!!
The end...
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
JugendliteraturNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...