|CHAPTER 93| Gusto Kita

68 5 0
                                    

-ANGEL'S POV-


Dahil sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan na dinala na pala ako ng aking mga paa sa harap ng G.Room. Napabuntong hinga ako saka napahalukipkip sa harap ng pinto, ilang sandali pa narinig ko ang paglagatok nito.

"AYYYY BAKULAW!" gulat nitong bulalas sabay ng pagkahulog ng mga bitbit niyang papeles.

Dali-dali ako iyong pinagdadapot.

"Angel, bat nandito ka?!" nilingon niya sandali ang relong suot. "Oras pa ng klase ah, teka wag mo sabihin na may ginawa ka na naman. Kagagaling mo lang dito kahapon?!" Napayuko ako atsaka inabot yung mga papel na pinulot ko.

Naramdaman ko ang pagtakip ni Noni sa balikat ko kasunod ng pag-anyaya niya sa'kin papasok sa loob.

Nung makapasok na kami, pinaupo niya ako dun saka inabotan ng maiinom, pinagkwento niya rin ako sa nangyari at kung bakit ako naroon sa harap ng office niya.

Kahit nahihiya sinabi ko pa rin ang totoo, na sinagot ko nga yung teacher, na kahit hindi naman niya ako inutusan na magpunta dito ay nagkusa na ako dahil alam ko naman ang pagkakamali ko.

"Hayaan mo, Angel kakausapin ko na lang si Mrs. Garcia at para naman sa parusa mo, hindi na kita masyadong pahihirapan. kahit hindi mo naman ikwento sa'kin ang lahat nauunawaan ko ang nararamdaman mo." aniya.

"Salamat po Noni!"

"after niyong mag-volunteer, By Monday sa school library ka magdu-duty, tatlong araw lang naman iyon. Sana lang ay matuto kang kontrol ang sarili mo kapag sobra kang nagagalit. Alam mo naman mahirap ng itama ang mga maling desisyon kapag ito'y natapos na. Ang mahalaga ngayon malaman mo sa sarili mo ang iyong pagkakamali. At kung hindi pa rin kayo magkasundo ni Colleen, lagi bukas ang tahanan ko para sayo, lagi mo sana 'yang tandaan na dito sa East hindi lang isang pamilya ang nagmamahal sa'yo." saad ni noni na nagpataba ng puso ko.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya saka siya niyakap ng mahigpit. "Salamat po noni. Hayaan nyo po isang araw sa inyo naman po ako ang manggugulo. Okay lang po ba sa bahay niyo ang makulit, magulo, maingay at pasaway na tulad ko?!"

"Oo naman!!! Masaya ang bahay kapag maingay at magulo."

Sabay kaming natawa ni noni, hindi ko akalain na ganito niya ako iwe-welcome, parehas sila ni mama kung paano iparamdaman sa'kin ang pagmamahal ng isang magulang. Naiiyak ulit akong yumakap kay noni dahil ayokong makita niyang nagsisimula ng mangilid ang luha ko sa'king mga mata.

Salamat, dahil kahit ganito kabigat ang nararamdaman ko, meron at meron akong masasandalan, hindi katulad nung mga panahong nasa West ako... Meron nga akong taong namasasandalan ngunit minsan ko lang din naman makasama...


***

6;30 pm


Nakasandal lang ako ngayon sa pader habang nagpapatila ng malakas na ulan. Inubos ko kasi ang buong maghapon ko sa pagtambay sa G.Room at makipag-bonding kay NONI. Naki-usap ako sa kaniya na gusto ko pa siyang makasama at makausap. Nagsisisi nga  ako na ngayon ko lang iyon ginawa samantalang matagal-tagal ko na rin siyang nakilala.

Pinili ko rin umuwi ng ganitong oras dahil nasisigurado ko na kakaunti na lang ang mga estudyante. naka-receive ako ng message galing kay Rence, asual hinahanap ako at nangangamusta pero hindi niya alam naka-bonding ko lang si Noni. Maging Jeremy hinahanap ako pero hindi na lang ako nag-reply. si Julia naman, nag-alala sa'kin kaya sinabi ko na lang na wag siyang mag-alala dahil ayos lang ako. bukas lang ay OKAY na ulit ako.

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon