Prologue

103 20 34
                                    

What would it mean, to die?

This question suddenly popped out of my mind as I see a fast approaching 10-wheeler truck right blinking its headlights in front of me as I hear faint voices around me, screaming with horror and panic.

Masakit kaya? Will I be free of the pain I've been feeling this whole freaking life when I die? Saan kaya ako pupunta pagkatapos nito? Would it be the afterlife? May mag-aalala kaya kapag may nangyari sa akin? Will someone remember me as someone who became a part of their life whilst I am still alive? Or will they act as if nothing happened because they never treat me as one?

I've thought about death so many times I lost count, but I never thought how would my life end in the flash of my eyes until this happened.

Bumangon na ako sa aking kinahihigaan kahit hindi pa naman nagriring ang alarm clock. Inayos ko ang aking banig at tinupi ang aking kumot na gusot-gusot at halos malapit ng magisi sa sobrang nipis.

Hindi na naman ako nakatulog ng mabuti. Nag-unat-unat ako at saka humuyap. Sumasakit na naman ang likod ko sa lamig at tigas ng semento. Ano kayang pakiramdam ng makatulog sa malambot na kama?

Napailing-iling ako sa naisip. Mukhang matagal-tagal pa yatang mangyayari yun. Tumayo na ako at dumiretso sa kusina kahit hindi pa naghihilamos.

Pagkatapos kong magsaing at lutuin ang ulam ay tinawag ko na ang may-ari ng bahay.

"Handa na ang pagkain!" Pinugong ko ang aking buhok at saka tumikim ng sabaw mula sa pinaglutuan ko kanina.

"Sabaw na naman?" Hindi ko alintana ang reklamo ng anak ng aking Tita at dumiretso na agad sa banyo upang maligo.

"Wala ka namang ibang pagpipilian." Ani ko.

Narinig kong pabagsak nitong inihampas sa lamesa ang kutsarang gamit nitong pangkain.

"Aba at natututo ka ng sumagot-sagot? Mama oh!"

"Nako. Tumahimik ka nga! Dunadagdag ka pa sa init ng ulo ko e." Rinig kong pagsuway nito sa kanyang anak.

Napabuntong-hininga na lang ako saka dumiretso na sa banyo.

Tatabo na sana ako ng tubig nang biglang nagsalita ang babae mula sa hapagkainan.

"Gamitin mo ang tubig diyan sa balde at malilintikan ka sakin!" Napapikit ako ng mata at saka ibinagsak ang tabo aa balde.

Nagbihis na ako ng aking uniporme at sapatos at saka binitbit ang aking bag.

Lalabas na sana ako ng pinto ng bigla akong inutusan ng aking Tiya.

"Saan ka pupunta?" Nakatalikod ito muka sa akin habang humihigop ng sabaw. Nakita ko kung paanong ngumisi ang kanyang anak.

"Sa eskwelahan." Pagkatapos ay lalabas na sana ako ng pintuan ng biglang tumama sa aking ulo ang tasang may lamang sabaw na kanina lang ay hawak nito.

Muntik na akong umiyak nang maramdaman ko ang pagkabasa ng aking uniporme.

"Ligpitin mo itong pinagkainan. Tatakas ka pa ah."

Gustong-gusto kong magwala. Pero wala ako sa posisyon para gawin iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung sakaling palalayasin ako dito kaya hinabaan ko na lang ang aking pasensiya kahit pa hindi ko na halos matandaan kung meron pa ba akong natitirang pasensiya sa katawan.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon