Doom's POVHumans. They are full of themselves. They are pinned by self-centered emotions. They pity themselves even there is nothing to be pity about. They create chaos to ruin their own kind for self-satisfaction, revenge or pleasure. They rebell for petty reasons. They value shares and stocks over friendship and family and moreover, they talk bad things behind someone's back. They are ungrateful in nature and they tend to forget the things that the Gods had blessed them. And the list goes on.
Yet still, despite, their nature, the Gods grant them with their wishes they don't deserve.
Nakasalubong ko ang isang babaeng highschooler kasama ang barkada nito sa kanyang likod na may bitbit na mga designer bags at ipinapangalandakan sa lahat ang mga dala nito.
"Pa naman? Magfifield trip na kami bukas wala ka pa ba ring pera? Kulang yung 1,000 para sa pocket money!" Padabog itong naglakad habang may kausap sa telepono. Ungrateful and disrespectful.
"Sinabihan na't lahat wala pa rin." Nilagpasan ko ito at napansin ko kung paano ito tumitig sa akin at inikutan ako ng mata.
You'll live a problematic life.
Napangisi ako ng bigla akong nakarinig ng pagbagsak sa aking likod at ang pagsunod ng hiyaw ng mga kasama nito.
You'll wake up regreting things you said to your parents and the things you did to satisfy your pleasure. And there is no repentance for you.
Napabulsa ako ng kamay at hinugot ang kahon ng sigarilyo. Ang ganda ng panimula ng araw.
Nagpara ako ng bus at saglit na tumingin sa mga nakasakay. Naisipan kong tumayo na lang at humawak sa kakapitan sa likod ng lalaki na kanina pa pabaling-baling ang titig sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.
Hindi ko ito pinansin dahil abala ako sa sarili kong buhay.
Hinintay kong sumakay ang kanina ko pa hinihintay. Tumigil ang bus at pumanhik ang nasa edad-20 na babaeng nakacorporate attire. At dahil napuno na ang bus dahil sa rush hour na rin, ang tanging pwestong mayroon na lamang ay sa harapan ng lalaking nasa harapan ko.
Saglit niya itong tinitigan at bahagyang ngumiti at humawak sa pole.
Tumuloy nang tumakbo ang bus hanggang sa biglaan itong pumara sa intersection nang tumawid ang motor ng matulin.
Lahat ng pasahero ay nagreklamo at ang ibang nakatayo ay malapit ng matumba, ngunit kapansin-pansin ang pagiging abala ng lalaki. Sinadya nitong lumapit at saka idinikit ang kanyang pang-ibabang parte sa pwetan ng babae.
Nang maramdaman ng babae ang biglaang pagdikit nito ay lumingon ito. Bigla namang umaktong natumba ang lalaki at saka humingi ng pumanhin.
Lust.
Nagsindi ako ng sigarilyo at nagbuga ng usok sa mukha ng lalaki.
Bigla itong lumingon habang inuubo at tinapunan akong masamang tingin.
"Gago ka ba? Alam mong bawal manigarilyo sa loob ng sasakyan diba?" Maangas na reklamo nito habang iwinasiwas nito sa ere ang kanyang kamay upang itaboy ang usok.
Itinaas ko ang aking kamay at ipinakita ng sigarilyo na nakaipit sa aking daliri. "Hindi nga ako nagsisigarilyo."
"Anong hinde?" Angal nito.
"May problema ba mga boss?" Tanong ng pahinante ng sasakyan na nakapwesto malapit sa pinto.
"Wala boss." Ngumiti ako nang biglang sumabat ang manyak.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...