Chapter 44: Gatekeep

8 1 0
                                    

Chapter 44: Gatekeep


Pansin ko ang pagiging tahimik ni Doom ngayon. I can also read by his growing dark circles under his eyes that he hasn't slept much.

Kamusta na kaya siya?

Hindi na rin kami masyadong nagkakasama. After working at Hanzoʼs cafe, naging busy na rin ako. Nahihiya rin akong magtanong kung kamusta na siya. He seemed to be a busy man this past few days. I don't know if it's right to feel anxious about these things dahil sa totoo lang his character was and is still a mystery to me. I wanted to ask him about his whereabout these past few days pero ayaw ko namang maging clingy e wala naman kaming relasyon. I don't want to disturb him, too.

Napatitig na yata ako ng matagal kay Doom dahil naramdaman ko na lang ang palihim niyang pagpisil sa aking kamay saka tumayo para kausapin si Hanzo na tahimik na nakikinig habang nakahilata sa couch. He was touching the bridge of his nose.

“Akala ko di na aalis ʼyun.” Panimula ni Oscar na umupo sa paanan ng kama. Pasimple ring sumabay si Kristine. “Akala ko nanonood kami ng Kdrama e.” Di na talaga maawat itong lalaking ito.

May ginawa pa itong kung ano gamit ang parehong hintuturoʼt hinalalaki nito na parang hugis parisukat habang ang isang mata niyaʼy nakapikit.

Neil stood on the left side of the bed. Wala rin itong imik pero ang mga mata niyaʼy parang kinakausap si Kristine.

“Ash...” Napatingin kaming dalawa ni Oscar sa kaniya. Silence took over before she spoke again. “S-sorry...” Bigla na lang siyang umiyak saka napaluhod.

Nabigla rin kaming lahat sa ginawa niya.

“Kristine! You don't have to do that!” Pagsaway ko sa kaniya.

The boys helped me get her up kasi ayaw niya talagang tumayo. Nakayuko lang siya habang tahimik na humihikbi.

I gently tap her shoulders to tell her everything is alright. I can feel the burden she had to carry for days I wasn't with them. I think it's only right to give her time to also forgive herself.

Dumistansiya na muna sina Oscar at Neil kahit na ramdam kong ang dami rin nilang gustong sabihin at itanong sa akin.

Nang tumahan ito ng kaunti ay hinawakan niua ang kamay koʼt ikinulong ito sa loob ng kaniyang pinagtaklubang kamay. Humikbi na naman ito bago pa ito makapagsalita. Her eyes were clouded with tears when she tried to stare at me. Nakita niya yata ang namumula kong pisngi pati na rin ang mga sugat ko sa mukha.

Sorry na nga lang ang naintindihan ko sa lahat nf mga sinabi niya dahil singhot siya ng singhot. I signaled the boys to get us a tissue. Inabot iyon ni Oscar, kakantyawan pa nga yata niya nang makita niyang seryosong umiiyak si Kristine. Loko talaga ʼyon. Walang pinalalagpas na pagkakataon.

“Si Dad kasi... He convinced me to persuade Hanzo to marry me.”

“Me?” Gulat na wika ni Hanzo na napatayo mula sa couch at inosenteng itinuro ang sarili. “How come?” Now he's invested.

Akala ko nga ay may sariling mundo yung mga lalaki dito sa kwarto. Nakikinig lang din pala sila sa usapan namin. Mga chismoso.

Nahihiyang tumango ito na hindi man lang makatingin ng diretso kahit sa isa sa amin. Of course! Confessing like this in front of the boys and worst, she had feelings for Hanzo, who's just meters away! Kung ako ʼyan, ay hindi talaga ako aamin!

But Kristine felt the urge to say so. To clarify things between us.

Paminsan-minsan nahuhuli ko siyang nagnanakaw ng tingin sa akin, so I confronted her.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon