Chapter 18: Who Prays For Them

28 7 0
                                        

Doom and I talked for hours. He was more of a listener. I talked about what happened the past few weeks that he wasn't with me. He didn't look bored or told me to stop, so I continued. Nakikinig lang siya habang walang preno akong nagkukwento.

Kinukulit ko naman siya about what happened after he left pero mukhang desido na yata siyang di magsalita tungkol doon kaya pinabayaan ko na lang din.

I talked about what happened and why I came back to this house. Except that kissing thing that happened between Kristine and Hanzo. I don't even want to recall that scene in my mind. Napairap ako sa hangin.

Ilang sandali pa ay nag-alboroto na ang aking tiyan. Wala akong dalang pera at pati ang cellphone ko ay naiwan ko rin sa bahay ni Hanzo. Napasalampak ako sa aking higaan habang himas ang aking tiyan.

Doom was having the time of his life staring at me while his back is leaning the wall near the window. Ewan ko ba at bumalik na naman yata siya sa dati niyang sarili. I can't read what he's thinking. Not fun.

"Wala ka man lang perang dala tapos ang lakas pa ng loob mong maglayas?" Sinalubong ako ng mapanglait niyang tingin.

"Eh bakit parang kasalanan ko pa? Emergency 'yon. I need to take my exit that's why I didn't have the chance to grab something with me." Duh. I rolled my eyes. Tumihaya ako.

I'm drooling thinking of foods to satisfy my mouth. I can taste the image of the fried chicken in my mind. Ang sarap nun with gravy. I let out a lungful of air.

Mamamatay na ako sa gutom.

"You won't die just by starving yourself for mere hours. You could go on for 8-21 days up to 2 months without food." He explained as if he had read what's in my mind.

At para namang hindi ko alam 'yun. I tsked.

"You think this is EPP class?" Walang gana kong tugon sa kanya.

"And please, stop with the mind reading thing. Don't you know privacy?" Inis na tanong ko sa kanya.

He didn't respond. Tumayo lang ito saka dumiretso palabas ng aking kwarto. Saan na naman kaya iyon pupunta? Tumayo na rin ako para lang masundan kung saan ito patungo. When I stared at the window, not a shadow of him can be seen. Ang bilis naman niyang umalis.

Nagpahalumbaba ako sa mesa at tinitigan ang bulaklak na nakapatong dito. I wonder why he came back. He told me there wasn't a single thing that's special in me. Akala ko nga ay nakahanap na ito ng iba na makakapagpatupad ng hiling nito nang mas madali kaysa sakin na pinaghihintay siya.

Ilang minuto lang ay nakita ko na itong nakatayo sa harap ko. May karga itong supot sa magkabilang kamay. My face brightened when I saw what's inside.

Food!

Pinagsaklop ang aking kamay.

"You look like you're ready for a feast." He saw me do a little dance and chuckled.

Hindi ko siya pinansin. I'm more interested on the food. Nilabas niya isa-isa ang mga pagkain na dinala niya. It was all from a famous fastfood chain. 'Yung may bubuyog.

I was drooling at the sight of the fried chicken. Just like what I've been savoring in my mind a while ago. Feeling ko kaya ko itong ubusin lahat. Kung pagkain lang siguro itong si Doom, kakain ko rin' yan.

I have quite a petite bod, 'yung pang grade schooler. Ang hirap ngang magpataba at tumangkad kahit gusto ko. At least, this body can do work. That's all I could ever need.

"Go on." Inanyaya niya na akong magsimula lantakin ang mga pagkain.

Thank you, Lord!

I set aside the chicken skin, I'm saving the best for last. Inuna kong kinain ang laman ng chicken. There was also burger steak kaya isinabay ko iyon sa kutsarang kinulang sa potassium.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon