Chapter 24: With The Boys

30 6 0
                                    

Chapter 24: With The Boys

Maaga akong nagising ngayon araw dahil papasok na uli ako ng trabaho. Baka isipin ni Hanzo ay nagpapakasasa na ako ngayong hindi na ako nakatira sa bahay niya. Ayoko namang ganoon ang isipin niya. Nakakahiya rin.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili sa salamin kosa kwarto at lumabas nang bahay. Hindi na rin ako nagtaka nang makita kong may nakatayo sa harap ng gate ng bahay.

“Ang aga mo naman. Wala kang gagawin?”

“Meron.” Plain niyang sabi.

“Ano?” Kunot-noo kong tanong.

“Ang ihatid ka.”

Napairap ako sa hangin.

Pansin ko lang na pagkatapos nung nakaraang araw ang hilig niya nang mambanat ng punchline sa akin. Sarap niyang i-punch sa totoo lang.

“Ang aga mong magbiro, ‘di nakakatuwa. Ihahatid mo ba ako?” Tanong ko habang inaayos ang bagpack sa likod.

“Gusto mo ba?”

“Huwag na.”

Dagli akong naglakad papunta sa daan habang may ngisi sa labi.

Napatawa ako nang biglang niya akong habulin. Hindi naman pala makatiis.

“Ihahatid na nga, e.”

Hindi rin naman kami nagkibuan and I prefer it that way. He was just walking besides me. Paminsan-minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero nag-iiwas lang din naman. Wala rin naman siyang sinasabi kaya hinahayaan ko lang.

Pansin ko lang na kapag kasama ko siya, ang gaan ng loob ko. He was not the gentle type of guy unlike Hanzo, he may be blunt and straightforward sometimes na kinaiinisan ko but his presence is enough to make me feel I’m safe with him.

We stopped in front of the caffé na hindi panaman nagbubukas.

A moment of silence. Parang nagpeprayer meeting kaming dalawa, parehas na tahimik.

“So,”

Sabay pa kaming nagsalita. Pareho kaming napatawa sa nangyari and I think that made the mood a little bit better. Masyado kaming naging stiff kanina kaya nakikiramdamkami sa isa’t isa.

“Ikaw na muna,” aniya habang nakatayo sa harap ko.

He looks so gigantic. Kung hindi ko iaangat ang ulo ko ay hindi ko magagawang masilayan ang mukha niya. Why are they so tall? O pandak lang talaga ako?

“Uh... susunduin mo ako?” Bigla-bigla na lang iyong lumabas sa aking bibig. Natatameme kasi ako sa kanya, e. His presence looks intimidating while his eyes searches for my soul. Wala pa nga itong ginagawa pero nauubusan na ako ng salita.

“Gusto mo ba?” He sounded so playful.

Lumukot ang aking mukha sa narinig.

Babangasan ko talaga itong lalaking ito. Ang hilig talagang mamahiya.

“Huwag na kung labag naman sa loob mo.” May diing sabi ko. Sumimangot ako at saka yumuko para takpan ang hiya ko sa mukha.

Naramdaman ko na lang ang kamay niyang nasa ulo ko saka ginulo ang aking buhok. Tinapik ko ang kamay niya kaya napatawa siya ng mahina.

Dugdug.

“I’ll come,” he said.

“Good morning, Ash!”

Naagaw ng atensiyon namin ang sunod na dumating. Naka-denim jacket ito na may puting shirt sa loob at nakasuot ng jeans. His wide smile greeted us. Hindi naman halatang nakainom ito ng Enervon. Ang taas ng energy.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon