Chapter 34: New Company

9 4 0
                                        

"I've always been a subject of bad luck." I blurted out of frustration.

Narito kami ngayon sa Grand Hall. Pinapatawag daw pala ang bawat student sa kanya-kanyang mga room to ask them about their whereabouts during the incident. Kaya pala hindi kami pinauwi agad.

Inabot ako ng kape ni Laizar at umupo sa harap ko habang inilapag nito ang kapeng tinimpla niya sa mesa.

The warmth from the cup made me feel comfortable. Kanina pa ako hindi mapakali simula noong inilabas nila si Miss Arcilla papunta sa ambulansiya. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng pahinga.

"Tell me about it." Mukha naman siyang seryoso nang sabihin niya iyon.

Umiling lang ako sa kanya at malamyang numiti. Baka mamaya sabihan niya pa akong ang drama ko. Mukha naman kasing nagbibiro lang siya.

"I'm not joking."

"Oh?"

Namilog ang aking mata nang natauhan sa sinabi niya. Did he just read my mind?

"No, I didn't. Your face, it tells." He even gestured his hands on his face.

"A-ah. Okay." Napalunok ako ng sunod-sunod. Akala ko nababasa niya 'yung isip ko.

Sinubukan kong ibahin ang usapan namin. Ang awkward kasi, kami lang ang nasa loob ng Grand Hall. They cleared out all the chairs. What was left was 4 chairs and a table.

"Alam mo," Naningkit ang aking mata. Nagsalubong ang kanyang kilay at para bang napukaw ko ang kanyang atensyon. He leaned his arms on the table. "May kamukha kang kilala ko."

"Gwapo ba?" He asked nonchalantly. Like it was never a surprise for him to ask something like that.

Isn't he embarrassed or he's just so full of himself too like Doom? They resemble a lot in personality. Hambog. Mayabang.

Ngumiwi ako at nagpumilit ng ngiti.

"Oo. Hehe." Napainom ako ng kape para naman nerbyosin ako ng konti. Masyado yata akong nagpapaka-komportable sa taong ngayon ko lang naman nakilala.

My eyes squinted a little like a grandma reading along the small letters printed in a magazine. He looks fishy. Hindi literal pero I can sense something in him. What if alagad pala siya ni Mayor at nagpapanggap lang na may concern siya sa akin? Tapos aalamin niya kung anong alam ko and when he gets what he needs ki-kidnapp-in niya ako at ipatutumba?

Napaatras ako ng silya. Mas mabuti nang sigurado, 'no. Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso na may kalahating laman pa ng mainit-init na kape. Kung kikilos talaga 'to ng masama, masusunog talaga ang balat nito. Ang ganda pa naman ng kutis. Parang sinalo lahat ng kaputian sa mundo. Naglalaklak ba 'to ng gluta?

Now I know why they look alike. He has a flawless close to pale skin complexion like Doom’s. His hair is black, draping freely on his face. Papasa nga itong model ng shampoo and conditioner dahil mas makintab pa ang buhok nito kaysa sa mga girls na kilala kong magaganda rin ang buhok. His hair is much more longer, silkier, and straighter than mine. He would've been mistaken as a girl if it weren't for the built of his body. He had broad shoulders enough to protect you. Like the Great Wall of China. Natural na pantay ang kanyang kilay kaya hindi mo kakikitaan ng ekspresyon ang kanyang mukha sa unang titig. I swear he looks like Doom, kaya lang madalas salubong ang kilay no'n kaya hindi rin. His eyes were the color of his brows. Iyon nga ang unang napansin ko sa kanya. Parang nanghihila ang kanyang mga titig. If his eyes could speak, it's telling me to come to him. Kaya ayaw ko talagang makipagtitigan sa tao. Mamaya ma-brainwash o ma-hypnotize pa ako. Sapat na 'yung may asungot sa buhay ko. Malala nga, e. Siya na' yung nagdedesisyon para sa akin. Edi sana siya na lang ako!

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon