Inabutan ako ng sandwich at lemonade ni Neil bago pa man kami makasakay sa kani-kaniyang bus kaya naging usap-usapan kaming dalawa ng mga tsismosa kong kaklase habang bumabaybay patungo sa Session Road.
Pansin ko lang na almost everytime I am their cup of tea. Kung sa newspaper pa, ako ang laman ng balita. Nasa front page pa!
Nanggugulpi na naman ang mga tingin ng ibang babaeng kaklase ko na may gusto sa kanya, paano ba naman ay isang katulad ko lang naman ay nagawang maging ex 'yung long time crush nila at ngayon ay ako pa ang hinahabol.
"Alam mo' di mo naman deserve' yang pagkain na galing kay Neil." Mataray na sabi ng katabi ko na halos mamuti na ang mga mata kaka-
Bilang dakilang patusera din naman ako, tama lang na gumanti. Ang aga-aga, ako 'yung iniinis e.
Bigla kong inilapit ang mukha ko sa kanya kaya napaatras ito sa kayang upuan. Halos maduling din ito nang sinubukan niyang tagpuin ang aming mga mata.
Ngayon lang ako natuwang mang-asar.
Ang pangit mo naman para bigyan ka ng sandwich ni Neil.
Kinagat ko nang marahas ang sandwich na binigay ni Neil sa harap niya sabay malakas na sumipsip sa lemonade na naglikha ng malakas na ingay nang magtamaan ang mga yelo sa cup.
Napaawang ang bibig nito sa ginawa ko kaya bigla itong lumipat ng pwesto habang diring-diri sa nakita.
Ngumisi lang ako nang tinapunan nila ako ng masamang tingin. Subukan lang talaga nila akong galawin, malilintikan sila sa akin.
Strong independent woman kaya ito. Pinangako ko sa sarili ko na hangga't maaari ay hindi ako makakapayag na tapak-tapakan nila ulit ako. Sapat na ang nagdaang apat na taon. I've learned my lesson.
No one can make you feel inferior without your consent.
Tinext ko si Hanzo para mag-good morning tsaka para i-update kung ano na ang nangyayari sa akin dito. He deserves to know lalo pa at siya naman ang nagbayad para sa trip ko dito sa Baguio.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya dahil malapit na rin naman kaming bumaba.
Wala nga pala ang grupo nina Patricia sa bus kaya tahimik pa ang buhay ko ngayon. Malamang ay nasa limousine nila ito at nagpapakasarap kahit pa sinabi ng Master Camper na walang dapat na makaramdam ng ginhawa sa camping. Besides, we all know camping is all about survival. But they got the upperhand. Sino namang makakapalag sa anak ng Mayor, diba? Ako lang naman yata ang matigas ang bungo para banggain ang matayog na pader ng mga Sarmiento.
Their family is the most prominent around the City kaya namang wala ni isa ang magtatangkang kalabanin sila.
Sabay-sabay kaming napatingin sa aming mga phone namin sa bagong message na kakapasok lang sa Groupchat bago tumigil ang bus namin sa Session Road na kasalukuyang dinudumog ng mga tao.
That streets were busy with people going in and out of the stores buying foods or just running errands.
Binasa ko ang kakapasok lang na mensahe galing sa Master Camper habang mas umiingay ang paligid sa loob ng bus. Their eyes were fixated on the phone while talking with some of their friends close to them.
Ang instructions kasi ay makakakain lang kami kapag nagawa namin ang bawat mission sa bawat station.
**There are 6 stations around Session Road you must find. Don't worry, each station has red flags on it for you to locate them easily. Besides, each of the group will have their own map to be distributed by the Scouts. First, you need to search for your group and form a cheering squad pose. Everyone must be included, NO EXCEMPTIONS. The first 6 groups to finish the task will earn 5 chips equivalent to one thousand points. Am I clear?**
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...