Nagulat ako nang isang araw sa coffee shop ay bigla akong nagkaroon ng unexpected na bisita.
Namilog ang aking mga mata nang nakita si Neil na pumasok sa Cafe Alegria.
"What are you doing here?" Mabilis pa sa alas kwatrong kinaladkad ko siya palabas.
"Why? I'm visiting you. Flowers oh." Kinuha ko iyon pero imbes na kiligin ay hinampas ko pa 'yon sa dibdib niya.
Natawa lang siya sa ginawa ko dahil natataranta ako sa kinatatayuan ko. Pabaling-baling ang aking tingin at inoobserbahan kung may nakatingin ba sa amin.
Nakita ko kung paanong humaba ang leeg ni Hanzo na nasa counter sa loob ng shop. Salubong ang kilay nito at seryosong nakatingin sa amin.
Anak ng tokwa! Ano na lang naman ang irarason ko kay Hanzo. Na ex ko siya? Na may ex pala ako? Tumaas ang mga buhok ko sa balahibo dahil kinikilabutan ako sa mga iniisip. I've never been so open about my relationship status to other people. Hindi rin ako sanay na may magbigay sa akin ng bulaklak out of the open at lalong-lalo na kapag may umayos ng aking buhok kahit pa may ibang tao sa aming paligid.
This is awkward!
"You look tired. Nakapagpapahinga ka pa ba?" He was looking intently on my eyes while his forehead creased.
Nag-aalalang mga mata nito ang sumalubong sa akin nang tumingin ako sa kanyang gwapong mukha. He always had this soft feature on his face. He had auburn hair na tama lang ang haba. Literal na good boy look sa school.
"Nakakatulog naman," wala sa sariling sambit ko. "Teka nga, bakit ka nga pala naparito?" Nagpameywang ako sa harap niya habang inayos niya naman ang kanyang sarili sa aking harap.
I thought he'd never know where I am working. Or that he had an interest to see me after what happened in Baguio. Akala ko what happens in Baguio, stays in Baguio.
Hindi niya yata napaghandaan ang sagot niya nang marinig niya ang tanong ko.
Napabuntong-hininga ako sa naging reaksyion niya. Baka nga kasi natakot sa mukha ko. Paano ba naman ay hindi nagsasabi kung pupunta. Hindi ko rin alam kung paano niya nalamang dito ako nagtatrabaho.
"Pasalamat ka nagdala ka ng bulaklak." Pabiro kong sabi kaya napakamot ito sa kanyang ilong.
Hays, ang cute niya talaga.
Pinapasok ko siya sa shop dahil ang bastos ko naman kung doon ko lang siya iwanan. Nag-effort pa naman talaga siyang surpresahin ako, literal.
Nang maiayos ko ang order niya ay pasimple naman akong nilapitan ni Hanzo ngayon. Naramdaman ko ang mahina niyang pagsundot sa aking balikat. Alam na alam ko na 'yung mga galawan niya, e. Makikitsismis na naman ito.
"Ex mo?" Tanong niya.
Namilog ang aking mata habang hawak ang tray ng orders ni Neil sa magkabilang kamay.
"Just as I figured." Tumango-tango ito habang tinitimplahan ang strawberry milk tea ng isang coatumer. "But I'm not insecure. You see, I'm more handsome than him," he added.
He was calmer than I thought. Pero nung nakita ko kung paanong humigpit ang pagkakahawak niya sa can ng whipped cream ay hindi ko na napigilang matawa.
Sumalubong sa akin ang salubong niyang kilay at ang seryoso niyang mga mata.
"Ito naman si Sir. Gwapo ka naman, e." Humagikhik ako at umalis na sa counter para ihatid ang order.
"Gwapo lang?"
Narinig ko pa itong nagreklamo pero hindi ko na siya nilingon pa.
"Here's your red velvet cake and affogato avocado shake with whipped cream and drizzled chocolate." Inilapag ko isa-isa ang order nito sa mesa niya.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...
