Chapter 47: Who Won Your Heart

8 2 0
                                        


Chapter 47: Who Won Your Heart

Sa wakas, after that three hour travel dumating din sa paroroonan. It was such a long travel since we didn't expect that there would be heavy traffic on weekends like this.

Anyways, we were just about to unload our things kaya nauna na rin ang boys na kunin ang mga bagahe sa likod ng van.

“Kami na dito, you should go and have some rest. We'll call you if we're done.” Si Doom habang may kargang handcarry sa dalawang kamay. He looks so fine even when he carries things like that. Fine for me.

Ayy, sorry. Masama palang maging delusional.

“Okay.” Pasimple na akong um-exit. Naging awkward na naman kasi ang hangin sa pagitan naming dalawa.

Bakit kasi kailangan niya pang sabihin ʼyon. Edi kasalanan niya. Hindi dapat ako maging affected. Yes, Asha. Act normal. Wala tayong ginawang katangahan kaya let's enjoy!

Nagtayo pala ng tent sina Hanzo at Neil para sa amin. Mag-ca-campfire kasi kami mamaya. Dito na din kami muna matutulog. Plano yata nilang mamatay kami sa lamig.

Nauna nang humiga si Kristine. Pagod daw siya, e. Susulyap-sulyap naman itong si Oscar trying to check up on her kaya lumapit agad ako sa kaniya.

“Asuuus. Sabihin mo na kasi. Anong bang pumipigil sayo, ha?” Inakbayan ko siya saka ni-armlock.

“Aray ko, naman! Parang di ka naman babae, e!” Reklamo nito sa akin kaya bumitaw na rin ako.

“Sus, dati ako pa nilalandi mo. Ayy, kung sinu-sino lang pala. Tapos dinamay mo pa ako. Akala mo di ko halata ʼyun? Ang dali mo kayang basahin.” Panunukso ko sa kaniya.

“Ano ako, libro?”

“Hinde, ikaw ʼyung uod sa libro.” Nakikinig lang din pala ʼyung iba kaya ayun hagalpak sila sa tawa.

“Oh pati sila um-agree na e.”

“Mga pakyu kayo.” Minura nito sina Neil na tatawa-tawang nagbubuhat ng panggatong para sa bonfire.

“Tingin mo, may chance kaya ako?” He sounded so hopeful. Ako naman itong tagasira ng confidence niya.

“May chance mabugbog? Malaki.” I rested my hands on his shoulders and gave him a pat.

“Magpapahinga na muna ako, guys. Mamaya tutulong ako sa paghanda ng mga gamit saka pagkain.”

They all agreed and nodded. Lalakad na sana ako nang may pumigil sa akin. Si Doom pala. May dalang panggatong din sa kabilang braso niya.

“Oh, anong nangyari sayo? Bakit mukha ka nang dugyot?” Pinagpagan ko ʼyung coat niya kasi puro alikabok. “Anong ginawa mo at mukha kang nagtraining sa alikabok?”

I saw him coming out from the woods.

“I was looking for woods for the fire.” Inosente niyang sagot. Mukhang naging okay naman ʼyung result ng pahinga niya sa three hours na byahe namin kasi medyo umaliwalas ang mukha niya.

“Ang dami na nʼon oh. Pagkatapos mo diyan, magpahinga ka na muna. Iidlip lang ako sandali.” Turo ko sa tent namin na ilang metro lang ang layo mula sa bonfire.

“Are you alright?” Bakas sa mukha nito ang kuryosidad.

“Why? Okay lang naman ako.” Lately, iyon ang lagi niyang tinatanong sa akin. Ano bang meron? “Ikaw? You look paler than usual. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?” Hindi ko namalayang napahawak na pala ako sa pisngi niya. His fingers ran through the space between my fingers. I was just trying to check his temperature.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon