"Akala ko ba binabantayan niyo ng mabuti 'yang si Ash?" Rinig na rinig ko ang galit sa boses ni Neil nang mabawi ko ang aking malay-tao.
Pigil na pigil at maingat ang boses nito habang nagsasalita na para bang umiiwas na makalikha ng anumang ingay para madistorbo ang aking pahinga.
Nakikinig lang ako sa kanila habang pinipilit na linawin ang nanlalabo ko pang paningin. Siguro dala na rin nang ilang oras akong tulog.
Amoy na amoy ang amoy ng gamot at alcohol sa paligid. Puro puti rin ang nakikita ko mula sa kisame ng silid at pati na rin ang pader sa loob.
Nasa ospital na naman siguro ako. Palagi na lang. Ang hina talaga ng katawan ko. Akala I'm built different, utak ko lang pala 'yung nagpapaniwala sa sarili ko na kaya ko.
"Because I don't think she's getting enough." He added.
"At ikaw naman, boss ka pa naman. Hindi mo man lang ba kayang asekasuhin 'yung pangangailangan ng mga staff mo? Look at her. She's getting pale and skinny. Dati hindi naman siya ganyan." Pagrereklamo ni Neil.
Napahugot ito ng malalim na hininga at saka pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok.
"Don't talk as if you know how I act upon things. Hindi ko pinapabayaan si Ash. If I could be with here 24 hours, I've already done it." May diin na tugon ni Hanzo kay Neil.
Halos maramdaman ko ang tensyon sa paraan pa lamang ng titig nila sa isa't isa. Their eyes shows hate for each other. Ako na naman ang dahilan ng pag-aaway nila.
Have I always been the subject for trouble? Ganitong-ganito rin kasi ang nangyayari sa akin sa school. Pati dito ay naapektuhan ko sila sa kaguluhang dala ko.
"Are you good? Feeling better?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa ulunan ko. Nasa tabi ko lang pala si Doom.
He was the first to notice of my awakening. Kanina pa siguro ito nandito. I wonder how long he was there. Kanina niya pa rin yata ako tinititigan.
Tango lang ang naging tugon ko dahil ramdam ko na hindi ko pa kayang magsalita, baka mabasag pa ang boses ko kung sakaling pinilit ko pa. Nanunuyo rin ang lalamunan ko kaya hinayaan ko na lang.
Doom was intently looking at me. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang sinasabi ng kanyang mga mata pero alam kong nag-aalala ito.
Kinuha nito ang kamay ko na may suwero at saka dahan-dahang ikinulong sa kanyang mga kamay ang mga ito. Ang lambot at ang init ng palad niya. Para tuloy niyayakap din ng mainit na haplos nito ang puso ko.
Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti kasabay n'on ay ang pagbaling ng kanjlang atensyon sa akin.
"How are you feeling, Ash?"
"Pinag-alala mo naman kami, Ash."
"Are you sure you can sit? Humiga ka na lang kaya muna?"
Sabay-sabay silang nagpaabot ng kanilang pag-alala sa akin kaya hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galak at kaginhawaan. Akala ko kasi ay magagalit sila sa akin.
"Okay lang ako. Sobra-sobra naman kayong nag-aalala." Tumawa ako to lighten up the mood.
The boys were serious about me.
Bigla na lang akong binatukan ni Oscar kaya tinapunan ko siya ng tingin.
"Ang tigas talaga ng bungo mo e, no? Bakit kasi hindi ka kumakain?" Asar na tanong nito sa akin.
Kita mo 'to, ako na nga itong nahimatay ako pa 'yung binatukan.
"Required mangbatok, ha? Sino ba ang pasyente sa ating dalawa?" Nagpeace sign ito sa akin saka sa kasamahan niya tinapunan rin siya ng masamang tingin.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...
