Chapter 46: Haters To Lovers

8 1 0
                                        

Chapter 46: Haters to Lovers

“IS EVERYTHING ready?” Tanong ni Hanzo na kakasara lang ng trunk ng sasakyan. Doon na nila ipinasok at baka maipit pa raw ang mga gamit sa loob.

“Ready!” Everyone cheered jolly.

Kitang-kita ang excitement sa mga mukha nila. Kristine was sitting solo at the back. Doon niya siguro pinili para hindi siya masyadong madistorbo.

I saw how Oscar eyed Kristine while she was putting on her neck pillow.

“ʼYung isa dyan di pa nga umaandar yung sasakyan gusto nang matulog.” Aniya habang nasa rearview mirror and mata.

Umiling lang ako. Hindi na talaga sila nagtigil sa pang-iinis sa isaʼt isa.

Hindi umimik itong si Kristine. She just rolled her eyes as if she doesn't want anything to do with him this day.

Si Hanzo naman umupo na shotgun seat.

“Tell me if you're exhausted. I'll switch.” Sabi niya habang nirorolyo ang sleeves ng kaniyang white polo. He looks so clean and smells good by the way.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Doom. Nasa likod lang kasi kami nina Oscar.

“Ginagawa mo?” Inis na baling ko sa kaniya.

“Can you keep it down? You're disturbing my inner peace.” May binulong pa ito pero usless rin kasi narinig ko din naman. “Mas mabango naman ako at pogi.

Napanganga ako sa sinabi niya. Tumabi nga ito sa akin kasi akala ko ay manunuyo, iinisin lang naman pala ako.

I scoffed when I saw him looking at me like a bitch. The heck with this dude?

“What?” Asik niya saka umayos ng pagkakasandal ng kaniyang ulo sa upuan.

“Ha! Grabe! Inner peace ka pa diyan e ikaw ʼyung demonyo.” Reklamo ko sa mahinang boses. Aambahan ko pa nga sana ng suntok ng muli itong nagbukas ng isang mata.

“Narinig ko ʼyun.” Saka niya ako tinulak sa braso.

“Asha? Do you want to sit with me? You don't look comfortable there.” Dumating na rin si Neil na may dalang handcarry. “Hindi na kasya sa trunk. Dito na lang.” Sumaglit siyang tumingin kay Hanzo pagkatapos ay bumalik rin sa akin. “I don't mind if you snore.”

Agad na bumalikwas si Doom saka pinaningkitan siya ng mata. Ewan ko ba dito mukhang nabaliw na ng sagad.

Sasagot na sana ako nang may dumating na bago. Si Mika. Di na nga ito nagsalita, umupo na lang agad sa tabi niya.

Kumunot ang noo ng babae nang makitang iba ang tingin sa kaniya ni Neil. “What? You think you own this place?”

“What?” Nagugulumihang tanong ni Neil.

Hay ewan ko na. “Dito na lang ako Neil. Okay naman ako, may ulugo lang akong kasama.” I smiled at him pero mukhang di niya din gets.

Well, anyways. “Now that we're complete, are we go?”

“We are go!” Kaniya-kaniya kaming tawanan sa paandar ni Oscar.

The ride was about two hours kaya salitan din sila ni Hanzo habang kami naman, hindi pa nakakarating sa destination, papaubos na ang pagkain.

“May bluetooth ba to, bro?”

“Ayy gusto ko ʼyan!” Ini-ready agad ni Kristine ang phone nito habang may kalong na malaking plastic ng potato chips sa kaniyang braso.

“Neknek mo! Ano ka gold? Ako nagtanong kaya ako ang co-connect.” Bumusangot agad si Kristine.

We were amused at how she was silenced at once. Palipat-lipat lang ang tingin namin sa kanila. Oscar didn't mind kasi siya naman ang nanalo.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon