Chapter 25: Roadtrip With The Boys

34 5 10
                                    

Hindi ko na nga napigilang magshopping ‘yung tatlo. Nagulat na lang ako nang dumating sila sa bahay na may dala-dalang mga shopping bags at mangilan-ngilang plastic bags.

“I told you not to buy these!” Panenermon ko sa kanila habang itinuro ang mga gamit na nakalatag sa sahig.

They were seated on the table near the living room. Pinagsasaluhan nila ‘yung binili nilang lunch sa drive thru. Mukhang wala nga silang narinig sa sinabi ko dahil tuloy-tuloy lang sila sa paglamon. Look at them so peaceful. Parang kahapon lang ay parang gusto nilang sugurin ‘yung isa’t isa.

Umiling lang ako habang ineempake ‘yung mga gamit na binili nila-- ‘yung mga pinakakailangan ko lang.

“Tent? Seryoso?”

Hawak ko ang bag ng tent sa kamay. Malaki ito and I don’t think it could fit in my bag. Hindi ko naman iyon kailangan dahil hindi naman kami mag-a-outdoor camping.

“In case you need it.” Saad ni Hanzo habang puno ang bibig.

I could barely understand him. Lumukot ang aking mukha saka hinayaan silang magpatuloy sa ginagawa,.

“May malaking backpack naman dyan sa isang shopping bag, bakit ka nagtitiis dyan sa pagutay mo nang bag.”

Hindi ko napansing tinabihan ako ni Doom. He was handing me a handful of burger.

Tinanggap ko iyon at nagsimulang kumain habang nagsasalita.

“Mewon?” Tanong ko.

Napatikhim ito nang marinig akong nagsalita. Para kasing natatawa siya sa narinig mula sa aking bibig. Mas malala nga ‘yung kay Hanzo, e.

He shook his head and had a little smile on his lips while checking the bags one by one. May hinugot ito mula sa isang shopping bag na isang kulay brown na bagpack na nakabalot pa nang special paper. Kasinglaki ‘yon nung mga bagpack na ginagamit ng mga campers na maraming zippers and compartments.

Para naman akong pupunta ng giyera, e.

“Sino nga palang maghahatid sa inyo sa Baguio?” Tanong ni Oscar habang may unan sa tiyan.

“May bus na nirentahan ‘yung school, doon ako sasabay.”

I saw Hanzo looking at me in the side of my eyes. Mag-aalala na naman ito dahil alam niyang makakasama ko sa bus ‘yung grupo nina Patricia. Other than him, no one knows what truly happened about me. Even Doom-- wala naman kasi siya nung nangyari ‘yon.

“It’s okay. Hindi naman nila ako basta-bastang masasaktan hanggat may nakakakita.” Saad ko habang inililipat ang mga gamit sa malaking backpack.

Nagsitinginan silang tatlo sa isa’t isa nang napagtanto kong wala palang sinasabi si Hanzo sa akin.

“Ayy may ganon? Tinginan lang tapos alam na ang iniisip? Ibang level ng relationship na ito.” Panunudyo ni Oscar sa aming dalawa ni Hanzo.

Gusto ko siyang batukan dahil umaariba na naman ang pagkapilyo nito. Doom was silent beside me. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at para bang ang lalim non.

“Anong meron?” Ngingiti-ngiting tanong nito.

“Bibig mo!”

Binatuhan ko siya ng kutsarang nahablot ko sa tabi ko na tumama naman sa noo niya. Napadaing ito sa sakit at saka napahiga sa couch. Sa totoo lang medyo nagulat rin ako sa ginawa ko. Gusto ko pa nga sanang tulungan siya kaso baka tatakbo na naman ‘yung bibig niyan kaya hinayaan ko na lang siya.

“Why don’t you let us send you to Baguio? That way no one can pick at you while you’re at it.” Makahulugang sabi ni Doom.

His voice were deep like a warning. Ang init na naman ng ulo nito.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon