I finally mustered the courage to walk inside. Hanzo saw me walking towards the dining area pero lumiko ako at dinala ako ng aking mga paa sa kitchen. I sighed. Hindi ko pa rin pala siya kayang titigan sa mata.
I glanced secretly at the both of them in the dining area. Hindi sila nagkikibuan ngunit mapapansin mo kung paano sila nagpapanlaban ng tingin. Someone behind me cleared a throat and I turned to see who it was. Kristine.
“I thought you’re leaving,” walang emosyong saad nito habang nililipat sa mga serving plate ang mga putaheng nasa tupperware.
I moved a bit closer to where she’s at. I’m gonna offer help kahit labag sa kalooban kong makasama at tulungan siya. Kumuha ako ng mga kubyertos. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang mga mapanghusgang mga mata. Ayaw niya talaga akong tantanan.
“Hanzo told me to come.” I replied casually.
I heard her chuckle.
“So you’re staying rent free, huh?”
I can tell by the way she speaks that she doesn’t want me around, especially around Hanzo. As if namang pinilit ko si Hanzo na patirahin ako dito. And rent free? Nahihiya naman ako kahit papaano ‘no. Kaya nga babawi ako next week sa Caffe’ Alegria.
“He insisted I’d stay. Who am I to decline?” Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis that she’d get diabetes.
I heard her tsked.
Sa totoo lang kanina pa ako pinipigilan ng aking guardian angel kundi makakatikim ito sa akin.
Nanliliit ang mga mata niyang sinusunod ang bawat galaw ko. Inayos nito ang buhok niya and low-key flex her flawless skin. As if namang maiinggit ako. Nabulunan ako sa sarili kong laway.
What a way to embarrass myself.
Napangisi si Kristine sa naging reaksyon ko. It’s not like I had control.
“I’m impressed,” ipinilig nito ang kanyang ulo at sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata. “You were able to allure Hanzo’s heart.”Napuno ng malisya ang kanyang boses.
Nagpanting ang aking tenga at unti-unti ay nararamdaman kong umiinit ang aking mga laman.
“Oh well, I guess Hanzo’s just that gullible and naive to boldly take home a lost kitten.” She nagged. She grinned at me as she made her way to the sink behind my back.
Napapikit ako ng mata at huminga ng malalim. Gusto kong suntukin ‘yung nguso niya.
“You know what I mean?” I listened as she talked behind my back. “Don’t get too swayed by Hanzo’s kindness. Being kind to someone is ordinary. Don’t fall for something so trivial.”
Why does I feel like she’s referring to herself. Kasi kawawa naman siya. Forcing yourself to someone who doesn’t even have the slightest interest in you. I ignored her. Siya na ang gumagawa ng paraan para masaktan siya.
And if she thought she just shaken my world and penetrated my soul with her words, she’s just wasted her time. Girl, I’ve been treated like trash my whole life. Wala nang bago.
“Alam mo,” humarap ako sa kanya. She stopped washing the dishes and turned to face me. “Wala namang kaso kung nagseselos ka sa amin ni Hanzo. Kasalanan ko bang mas gusto niya ako kaysa sa ‘yo?” I turned around to leave.
Hinawi ko pa ang buhok ko patalikod.
Her mouth gaped in disbelief. Her face turned red. Kumuyos din ang kamao nito dahil sa inis. I didn’t mind her. I won the battle, sweetheart.
Dumiretso ako sa dining room nang walang dala ni isang kubyertos. Tutulungan ko pa nga sana siya kung di lang siya naging bitchessa. Sabay akong inalukan ng upuan nina Doom at Hanzo. Halos magsuntukan ang mga titig nila sa isa’t isa.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...