Chapter 35: Reunited

7 3 0
                                    

"Thank you for your cooperation, Miss Buenavella. We'll keep you in touch. For the mean time, iimbestigahan muna namin ang kaso." Wika ng pulis na nakausap ko kanina.

I made sure to tell them the truth. Weird pero naramdaman ko namang seryoso si Laizar nang sinabi niyang safe ang mga pulis na ito. I wonder how he knew.

"K-kumusta po si Miss Arcilla?" Napalinga ito sa kinatatayuan ko at pinaalis ang kausap niyang kasamahan kanina lang.

"Wala pa kaming balita as of now. But we will contact you kung anuman. Aalis na kami at may iba pa kaming aasekasuhin." Tinapik nito ang aking balikat saka nagpaalam nang umalis. "Protektahan mo 'to the girlfriend mo, Neil."

"Sige po, Tito." Nag-usap lang sila ng kaunti pagkatapos ay sinamahan sila ng counselor namin palabas ng suites.

"Okay ka lang ba?" That was the eight time he asked me that question.

Tumango lang ako at saka ngumuso sa papaalis na dalawang sasakyang ng pulis.

"Tito mo pala 'yon. Bakit parang pinipigilan mo pa ako kaninang magsalita?" Tulirong tanong ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng jacket at saka ipinatong iyon sa aking balikat.

"I was just worried this whole mess will affect you. Madali ka pa namang maapektuhan lalo na sa mga bagay na katulad nito, you're too emotional to handle this. Kulang na nga lang tumayo akong bilang nanay mo e." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Anong akala mo sa akin, weak?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Hindi naman. Alam ko namang kakayanin mo," Nagtagpo ang aming mata at sa sandaling iyon, alam kong may gusto itong sabihin ngunit nagdadalawang-isip pa kung itutuloy niya. "Hindi ko lang talagang maiwasang mag-alala para sa 'yo." Pagdadagdag niya pa.

Natutop ang aking bibig. Hindi ko magawang mag-isip ng tama. Kanina yung insidente, ngayon naman itong mga sinasabi niya. Kung diniretso niya lang sana ako, edi sana hindi ako nag-o-overrationalize ngayon.

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at inalok niya ako na ihahatid niya ako sa aming silid. Tumango lang ako dahil sa sobrang pagod na rin sa mga naganap ngayong araw.

Hindi nga ako makapaniwalang nangyari ang lahat ng iyon sa loob lang ng isang gabi.

"Goodnight, Ash. Have a good rest." Aniya at saka umalis na.

Goodnight, Neil.

PAGKAGISING ko kinaumagahan, naka-empake na ang mga kasama ko. Ang iba mga kasama namin nauna nang umuwi.

Ang bigat pa ng ulo ko at di ko man lang mabukas ng tama ang mga mata ko. Madaling araw na akong nakatulog dahil sa sobra kong pagmumuni-muni kaya ngayon nagtataranta akong ayusin ang mga gamit ko. Mamaya ako na lang 'yung nandito, ayoko naman maiwanan at huling makauwi.

Dali-dali akong naligo saka nagpalit ng damit. Hindi ko na nga naisip na hintayin o tawagan si Neil para makapagpaalam. Lumabas na lang agad ako ng lobby ng suites.

Ang lamig! Susmaryosep, nakalimutan ko palang mag-jacket. Buti na nga lang nasa labas na agad 'yung sunod ko.

"Asha, namiss ka namin!" Bumungad ang maligalig na ngiti ni Oscar sa pinto ng van ni Hanzo.

Lumabas naman mula sa driver's seat si Hanzo at medyo magulo pa ang buhok. Mga mukha pa silang puyat kaysa sa akin. Halatang-halata kasi 'yung eyebags nila.

"Oh, anong nangyari sa inyo? Bakit mas mukha pa kayong puyat at stress kaysa sa akin?" Tumawa ako nang nakita kong ngumuso si Oscar.

Tinulungan niya akong buhatin ang bag ko at ilagay sa loob ng sasakyan.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon