Chapter 48: Different Ship Sailing
Mika was fun to be with. She really keeps me engaged in our conversation. She was capable of smiling and laughing. And she's way more humurous than my guy friends. Mas natural nga siyang magbiro, e.
“Pero bakit nga ang init ng ulo mo pagdating kay Neil?” Natatawa kong tanong habang pinupunas ang gilid ng aking mata.
We are now walking back to our place where the guys were staying.
She tilted her head as though thinking. “I have no excuse though...” Then she glanced at me. “He's just giving me that annoying impression?” She shrugged her shoulders.
I pressed my lips. “Akala ko naman may tinatago kang malalim na hugot kung bakit palagi ka na lang inis sa tuwing nariyan si Neil. Pagbigyan mo na, malay mo naman mag-click kayong dalawa.” Natatawa ako sa agad niyang pag-ikot ng mata.
See? She's really good at making me laugh. Ang simple niya lang pero di mo maiwasang di matawa.
“Sabagay, kahit ako man minsan.” Pag-aamin ko. “May pagka-insensitive din kasi ʼyong lalaki na ʼyon.”
“Speaking from experience?” Aniya na may ngisi sa labi.
Nag-init ang mukha ko saka napailing ng marahas. “N-naku ano ka ba, dati pa ʼyon.”
Naningkit ang kaniyang mata. “I see.”
“So there's no problem if he falls in love with someone else?” She tried to test me but I didn't fall for it. Naku, alam na alam ko na ʼyan.
“Sure. That was a really really long time ago already. Naka-move on na ako.”
She raised her eyebrow.
"Really?”
“Yep.”
“Even if it's with me?”
Napahinto ako sa paglalakad. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya habang dahan-dahang iniangat ang aking kamay na may dalang plastic ng mga pagkain saka napatakip ng bibig.
“May nangyari na sa inyo!?” May pagkasaherada kong tanong. “Ang bilis naman...” Hindi makapaniwalang wika ko.
She burst out laughing. Holding her belly as she tears up. Mga ilang segundo din iyon bago humupa ang tawa niya pero bakas pa rin ang tuwa sa kaniyang mata.
“You're really funny, Ash.”
“Eh?” Deja vu? Parang ganito rin sinabi sa akin ni Hanzo dati e.
“I'm sorry. Di ko lang mapigilan. Your mind is wild!” Wika niya habang natatawa pa rin.
Hinila na niya ako para mag-umpisang maglakad ulit. I'm still in shock. Napansin niya yata ʼyon kaya tumikhim ito para kunin ang aking atensyon.
“Nothing happened.” She said. “I was just teasing you. I didn't know your how your mind works until now. You're interesting, you know that?” She chuckled saka kumapit sa aking braso.
Hindi ko alam kung compliment ba yun o insulto. Tumawa na lang ako ng alanganin para di naman siya maiwan sa ere ng ganun lang.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasía[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...