Nagising ako ng maaga around 4 am. Ang sabi kasi kahapon ni Hanzo alas 7 daw nagbubukas 'yung coffee shop kapag Sunday.
Bumangon na ako mula sa kinahihigaan ko at nag-unat-unat nang mahagip sa aking mata ang stargazers na bulaklak na nilagay ko sa lumang fish bowl namin na may tubig.
Ang ganda. Hindi naman pala ako matiis. May pa-peace offering pang nalalaman.
Napangiti ako. Ang ganda ng umaga ko! Bukod sa may trabaho na ako, makakaipon pa ako.
Simula nung dumating si Doom hindi ko maitatangging minamalas pa rin ako kasi nakarecord na ata 'yung pangalan ko sa mga dapat malasin. Pero, on the other side, these past few days, may nakakausap na ako at napagbubuntungan ng galit o inis ko.
Hindi na masyadong mabigat sa dibdib. Kahit pa minsan, pinasasama niya yung loob ko. Wala akong magawa, yun siya e. Pero hindi ko naman masasabi na gusto ko siya. I don't hate him yet I don't like him too.
Parang civil lang ganon.
Pumunta na ako ng kusina at nagluto ng umagahan. Narinig ko ang pagbukas ng pinto malapit sa kusina at bumunga sakin ang mukha ng Madrasta ko.
"Mukhang masaya ka ah." Hindi ako umimik. Bagkus mas lalo lang akong ngumiti.
Dumiretso ito sa ref at kumuha ng maiinom.
"Tita, paligo ng kalahating balde ah. Magbabayad lang ako sa sweldo." Nabuga nito ang tubig na iniinom niya at gulat na tumingin sakin. Ibinaling ko naman agad ang tingin ko sa pinaglulutuan ko.
"May trabaho ka na?" Tumango ako. "Magkano?" sunod na tanong nito.
Napabuntong-hininga ako.
"Magtatrabaho pa lang ako, Tita. Hindi pa nga nakakaisang-araw, sweldo na agad?"
"Naku, naku, naku. Siguraduhin mo lang. Ang mahal mahal ng tuition mo dagdag mo pa na ilang taon din kitang pinalamon at pinatira dito sa bahay. Dahil sayo, naubos ang pera ko!" Kumuha ito ng hotdog at isinubo agad sa kanyang bibig.
"Maggrocery ka para satin pagka-natanggap mo 'yung pera mo para makabawi ka man lang." pagdagdag pa nito at dumiretso na ulit sa kwarto.
Hindi ako makaiyak. Natuyo na ata ang mga luha ko. Ang tanging magawa ko na lang pumikit, pakalmahin ang sarili at bumuntong-hininga.
Narealize ko na kahit paano mo icheer up yung sarili mo, kung inaapi ka na mismo ng mundo, talo ka pa rin.
Pero hindi ibig sabihin na susuko ka na. I've been there. You being dead doesn't change a thing. I mean, makakapagpahinga nga 'yung katawan mo pero your soul would never know what peace is and you'll forever regret doing that thing.
What we need is rest and a companion who listens.
Kumuha na ako ng tuwalya at mga panligo para dumiretso na sa banyo. Naligo na ako't inayos ang aking buhok at tinali ito ng pigtail style.
Nagsuot din ako ng puting shirt at itim na jeans na pinares ng itim kong rubber shoes na ginagamit ko para sa PE class namin.
Nagbaon ako ng konti at nilagay iyon sa dala kong backpack. Lalabas na sana ako nang mapansin ko ang naka-all black na lalaking nakatayo malapit sa gate.
"Doom?" Lumingon ito at saka lumapit sakin.
Sinara ko muna ang gate bago siya harapin ulit.
"Ang aga mo ah," ani ko.
Hindi ito umimik bagkus pinunan niya ang pagitan namin at binigyan ako ng yakap.
"Oh?" Kahit alam kong gagawin niya iyon ay hindi ko maitatangging nagugulat pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...