Asha's POV
"You have a hundred days to grant me that wish."
Seryoso ba siya?
Pabagsak kong inilapag sa counter ang pile ng tray na kakalinis ko lang.
Bumisita kasi si Doom sa shop at napag-usapan namin ang kondisyon niya.
May idinagdag pa nga ito nang hindi man lang ako kinokonsulta. Kaya umay na umay ako ngayon sa nangyari kanina.
Urgh.
"Bakit parang biglaan naman? Tsaka wala naman iyon sa napag-usapan. " Kung nakaharap siguro ako sa salamin ay mababakas talaga ang inis sa aking mukha.
"Bakit? Dadating din naman tayo sa araw na iyon, papatagalin ko pa ba?"
"Hindi mo ba alam ang salitang" timing"?" Pagquote ko pa sa hangin.
"Sigurado ka ba talaga sa hiling na 'yun? For your information, wala ako sa tamang wisyo nung sinabi ko iyon. Hindi ko naman akalaing narinig mo 'yon at nakarelate ka." Ano bang alam ko sa mga supernatural creatures at mga pangyayaring sa mga drama ko lang napapanood?
"We both know you mean it when you said it." I can't deny that fact. Pero simula ng mangyari iyong sa intersection, narealize ko na ang daming ko pagsisisihan kapag nangyari iyon.
"Why are you so persitent about the end of the world?"
"Just because." Prente nitong sagot.
Wala talaga akong nakuhang matinong sagot.
"Mag-uusap tayo mamaya." Sabi ko sabay tumayo na.
"Ha?" Naguguluhan nitong tanong habang nakataas ang kilay nito sa akin.
"9 pm matatapos ang work ko." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at bumalik na sa counter.
Bumalik ako sa reyalidad nang tinwag ni Hanzo ang pangalan ko.
"Who's that from earlier? A friend?" Friend? Not even close to it. "You look pissed." Well, I am.
"You know that one person who told you that he's hungry pero nung tanungin mo kung ano 'yung kakainin niya, ang sagot niya "kahit ano na lang"? Hanzo looked confused. "He is that type of person." Nakakairita' yung mga ganoong tao. Why do we have yo decide what they eat if they can make the choice? Tayo pa 'yung mapapaisip at mahihirapan e.
"Oh. Well, you seem to handle him pretty well." Kumuha ito ng hand tissue at nilinis ang kanyang kamay.
"Paano mo naman nasabi?" Kulang na nga lang ay sigawan ko siya. Pero dahil ayoko sa eskandalo, I remained prim and proper.
"I just know that you are that kind of a person."
"Nako, baka maniwala ako niyan, Hanzo. Kasalanan mo." Bumungisngis ito at saka bumalik na sa pag-aasekaso ng mga orders.
Mabilis na tumakbo ang oras at palapit na ang cut off time ng Caffè kaya nagsimula na rin kaming magligpit at mag-ayos.
"Ako na mag-aayos ng mga bangko. Mauna ka nang magpalit." Aniya habang nililinisan ang huling table na ginamit.
"Wala na po ba akong gagawin, Sir?" Nag-isip muna ito bago tumugon.
"Wala na naman. You did great today." Nagthumbs up ito sa akin.
"Thank you, Sir." Ngumiti ako saka nauna na ring magpalit ng damit.
Inayos ko ang apron, ball cap at khaki pants sa locker at nagpalit sa aking jeans.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...