Chapter 8: Malice

43 10 5
                                    

Nagising akong lumuluha. Pero hindi ko alam ang rason kung bakit ako umiyak sa panaginip ko. Nor did I wanted to know. Masyado na akong drained kakaiyak kagabi. I don't want to start my day crying again.

I slept while doing my assignments kaya nataranta ako nang mapagtantong hindi ko pa pala natapos ang assignment ko sa Applied Economics e first subject pa naman iyon ngayong araw.

I blamed myself for crying too hard last night kaya dali-dali kong inayos ang aking mga papel. Problemadong-problemado ako at dalawang activities pa naman iyon.

Nagtaka ako nang i-check ko 'yung mga assignments ko. Tapos na ang mga ito at may mga sagot na din.

Hindi ko naman maalalang tinapos ko ito kagabi. Bahala na nga. Binilisan ko nang ayusin ang mga gamit ko at naghanda na ng makakain. Pagkatapos non ay nagbihis na ako at naghintay na nang masasakyan papunta ng eskwelahan.

Mabuti na nga lang at kahit medyo late na akong nagising ay nakabawi naman ako sa commute. Isang milagro na kahit malapit na ang rush hour ay sobrang napakaluwag ng daan. I felt relieved. Mukhang maganda ang araw na ito para sa akin.

Or so I thought.

Pagkababa ko ng bus ay may mga matang nakatitig sakin.

Habang naglalakad ako ay sinusundan nila ako ng tingin pagkuwa'y may ibubulong sa kasama.

"Diba siya 'yung nasa video na student from our school?" Dinig kong sabi ng isa sa babaeng nakatambay malapit sa school bulletin board. Sinang-ayun naman ito ng kanyang kasama na kung makatingin ay akala mo'y pati kaluluwa ko ay nakikita niya habang ang isa namang kasama nila ay diring-diri akong tinitignan.

"Hindi ba siya nahihiyang pumasok after that video scandal?" Tumawa sila ng pabebe at saka tumalikod na din.

I want to ask them the same question. Hindi ba sila nahihiya? They looked like a messy painting to me. Bukod sa sobra-sobra ang blush nila na para bang na-sunburn sa sobrang pula ay ang lakas pang makacroptop ng uniforms nila. Ginawa ba namang button down ang polo at siwang na siwang ang mga naglalakihang cocomelon nila.

"The audacity." Pahabol nilang sabi.

The audacity din! Wala kayo sa club hoy!

"Mas masagwa pa nga kayong tignan kaysa sakin e."

I turned around only to see students staring and some are glaring at me. Yung iba ay bumibitaw agad ng tingin habang ang iba nama'y parang ayaw na akong oakawalan sa tingin nila.

Some girls are even mouthing slutty words to me habang kapit na kapit sa mga boyfriends nila.

Girls, hindi naman kagwapuhan iyang mga boyfriend ninyo at hindi sila pasok sa standard ko. So why bother? Inismidan ko lang sila sa isip ko. Pero hindi ko naman ding itatangging nahihiya ako mula sa atensyong nakukuha ko mula sa kanila.

Hindi ko alam kung anong video ang tinutukoy nila pero hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang pinaparating nila kanina.

Hula ko'y may kinalaman ito sa grupo nina Patricia.

Tumakbo na ako nang mabilis dahil nakakasuka na ang mga titig nila at mga sinasabi nila sa akin behind my back. I don't know why they kept on badmouthing me and spreading rumors about me when they don't even know what's the real context behind whatever they saw. I bet sone of them are even preaching about this women empowerment. Women empowerment, my ass. Ang lakas ngang makasabi ng malandi at hindot, wala namang ebidensiya at puro fake news lang ang alam. Mga bandwagon nga naman.

Tsaka I know for myself I hadn't done anything scandalous dahil alam kong mawawalan ako ng scholarship at masususpend ako. Worst, I will get kicked out from this school which is the least that I wanted to happen.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon