"Kanina si Lyka lang ang nawawala, ngayon tatlo na sila? What a great coincidence, huh?" Sarkastiko kong saad sa hangin.
Umiinit ang ulo ko kahit ang lamig ng panahon dito sa Baguio.
"Try to contact them at baka naligaw 'yung mga 'yon." Sinunod naman nila si Neil na ngayon ay pilit akong pinapakalma.
"Ikay kaya magchill, no? Kita mo naman halos lahat may cards na tayo na lang ang walang key dahil sa kanila." Mababakasan na ng kawalan ng pasensiya ang boses ko, dagdag pa itong si Patricia na sinasadya talaga akong asarin at pinapamukha sa aking dehadong-dehado na ang grupo namin.
"What if you just admit that you lose already? Stop trying, you'll never win," sinundot nito ng sadya ang aking balikat. "Besides, you're a loser already what makes it any different when you win this game?"
"Alam mo, kung wala lang talaga tayo sa maraming tao baka nakahilata ka na sa semento ngayon."
"As if namang natatakot kami sayo!" Maarteng sabi ni Sheena na sinang-ayunan ng mga kasama niya.
Ang taray ha, ang tapang-tapang wala naman sa lugar.
Inambahan ko sila ng suntok kaya sabay silang napahiyaw at napatakip ng mukha. Ngumisi ako ng malapad nang makitang napaatras ito sa gulat at takot na takot.
Ayaw naman palang mabasagan ng bungo ulit, e. Ang tapang pang lumapit.
Aalis na sana ako nang bigla itong nagsalita.
"You'll never win, I tell you!" Sigaw niya na nakapag-agaw sa atensiyon sa karamihan sa mga grupo na malapit aa kinaroroonan namin. "I paid those lowly uncultured swines to not show up." aniya na halos habol ang kanyang hininga.
Pilit siyang inaawat ng mga kasama niya dahil nagbubulung-bulungan ang mga tao sa paligid.
Hindi na bago sa pandinig ko ang bayaran sa pagitan niya at ng mga taong nabili niya gamit ang pera ng kanyang ama. I was just impressed at how petty she can be. Buying people to win these games.
"Lumabas din sa bibig mo." I finally said.
Mukhang naalibadbaran naman ito nang matauhan siya sa salitang nabitawan niya mula sa kanyang bibig.
"Alam mo ang effort mo para sa isang hampaslupang katulad ko. Ano bang meron sa akin at kating-kati kang makita akong natatalo? Maganda siguro ako... o mas matalino kaysa sayo? May mga kaibigan din akong totoo sa akin, e 'yung sayo? Kung tutuusin mas peke pa nga 'yang mga yan kaysa sa cellphone kong made in China. Sino ang talunan sa atin ngayon? Gets?" Mahaba kong litanya at saka nilampasan siya.
Nakita ko kung paano namula ang mukha nito at halos mapuno na rin ng luha ang sulok ng kanyang mga mata.
Napahiya. That's what you get when you try to humiliate me when you're the one that's more humiliating.
_Paano ka ngayon?_
Napairap ako sa hangin pero ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod at ang pagtalbog ng aking puso sa aking dibdib. Ang hirap pang magsalita ng tuloy-tuloy lalo pa at ang daming mga matang nanunuod sa amin. Buti na lang ay hawak ako ni Neil. Hindi ko nga napansin na nakahawak na rin pala ako sa kanya.
"Are you okay?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala. "That's impressive of you."
Nang marinig ko ang puri niya sa akin ay biglang akong napangiti. Ang rupok ko to think na parang kanina lang ay para akong leon na kakalabas lang sa kanyang haula.
"Who would even think I can do that? I've never had the confidence to speak for myself for the last years I've been bullied."
Nakasunod lang ito sa akin at nag-abot ng kanyang panyo na ang linis pa. Tinanggap ko rin naman iyon at pinunasan ang basa kong noo.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...