"Ash?" Unti-unti kong minulat ang aking mata. Sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Sir Hanzo. Am I supposed to see that? And by the way, where am I?
I was in the cafe then Sir Hanzo and Luxem offered me a ride. Oh, nasa loob ako ng kotse ni Sir Hanzo. Napatango ako. Babalik na sana ako sa pagtulog nang mapagtanto ko kung nasaan ako!
"As-"
"UY!" Dahil sa sobrang gulat ko nauntog ko tuloy si Sir Hanzo! Parehas kaming napadaing sa sakit.
"Sorry. Did I startle you?" Nakangiwi akong hinarap siya. Biglang nagsink-in sa akin 'yung ginawa ko.
Tatayo na sana ako para yumuko at humingi ng pasensiya nang bigla ulit akong nauntog sa bubong ng sasakyan.
Aray, ang sakit! Lutang na lutang, Ash?
"Careful." Hinawakan ni Sir Hanzo ang aking ulo at saka hinipan ito.
His breath gently touched my forehead. It was warm yet it sent shivers down my spine. Nagsitayuan din ang aking mga balahibo sa braso.
"Napasarap yata ang tulog mo kaya hindi na lang kita agad ginising." His sincere eyes met mine.
Then I gasped.
"Anong oras na?!" Natatarantang tanong ko sa sarili. Inayos ko ang aking backpack at saka nagmadaling buksan ang pintuan ng sasakyan.
"Thank you, Sir Hanzo ah!" Hindi ko na alam ang uunahin. Kung ang kausapin ha si Sir Hanzo o ang pumasok sa loob ng aming gate.
"It's okay," he calmly replied while holding his laughter. Sumilip tuloy ang dimples niya sa pisngi. Charming! "Pumasok ka na. Lagpas ka na sa curfew hours e." He chuckled.
"Waaah!" I bowed as a sign of thank you. He waved his hand goodbye, smiled at me and then rolled his window upwards. Umalis na rin ito pagkatapos.
Hays! Hindi man lang ako nakapagpaalam ng mabuti. Hiyang-hiya na talaga ako sa employer ko. Biro mo, ako pa talaga 'yung hinatid ah. Ilang Rebisco ba nakain mo, Ash? Feeling special ka masyado ah.
Matapos kong sinundan nang tingin ang kotse na minamaneho ni Sir Hanzo ay taralikod na ako nang biglang may taong nakatayo sa harap ko.
"Mukhang ang ganda ng panaginip mo ah? Parang ayaw mo na ngang magising e." Sarkastikong pagbati nito sa akin.
"Oo, sobrang ganda. Kasi doon, wala akong asungot na naka-itim palagi na nakikita." Panununbat ko pa sa kanya. Take that!
Sumama tuloy ang tingin niya sakin. Ayaw naman pala ng tinutukso siya, pero yun yung ginagawa niya sakin. Yan, have a taste of your own medicine. Wala pa sigurong nakakatapat ito kaya nagtatapang-tapangan.
Hindi pwede 'yung inaabuso lang ako no? Lalo pa't di naman sila' yung nagpapakain at bumubuhay sakin.
"Alis nga at papasok nako." Kinuha ko ang aking teleponong de keypad at saka gulat nang makita ang oras. Limang minuti na lang mag-a-alas onse na!
Hinawi ko agad si Doom at bubuksan na sana ang gate nang pinigilan niya ako't hinawakan ako sa aking palapulsuhan.
Sa isang iglap, nasa loob na kami ng aking kwarto.
Iyonang at biglang akong nahilo at nasusuka.
May iniabot ito sakin at kusa namang rumisponde ang aking katawan. Hinawakan ko ang kamay nito't sinuka lahat ng sama ng loob ko, este mga lamang loob ko. Ni hindi pa nga ako nakakakain ng panghapunan, pati tubig ba naman na tanging laman ng tyan ko, naisuka ko pa.
Infairness, ang sakit sa lalamunan sumuka ah.
"Agh, disgusting." Tinali nito ang bag na may laman ng suka ko saka diring diri na tinapon nito sa hangin na kusa namang nawala.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...