Chapter 27: Switzerland

43 6 17
                                        

"Anyone who sneaks out of their room past the curfew will be subjected to community service,"

Nakikinig ako sa sinasabi ng Master Camper ngunit ni isa ay hindi man lang nagsisink in sa aking isip. Naiwan ko yata ang sarili ko noong sandaling nagkausap kami ni Neil. Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi kaya hindi ako makaisip ng tama ngayon.

Kasalanan niya ito, e.

Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo sa pag-asang tutuwid rin ang aking pag-iisip. Nakakaloka, magkaka-comeback pa yata.

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng aking blusa at nagbabakasakaling madadivert ko bukod sa "Because I still care for you" ni Neil na paulit-ulit kong naririnig sa aking utak.

Gustong-gusto ko nang sabunutin ang sarili ko kung hindi lang ako magmumukhang baliw sa harap ng maraming estudyante ngayon. This is what you get when you stick your noses to guys-- particularly with your exes.

Oh, mapagbirong tadhana. May tatlo na ngang nagpapagulo ng buhay ko, dumagdag pa ang isang 'to.

Hindi rin naman tumagal ang orientation pero dahil nga may outdoor activities kami ay pinaghati kami sa labing-dalawa. Ang alam ko kasi ay may sampung section ang Senior High School Department. Thirty five per section. Kada isang grupo ay may tig-dalawampu't siyam na members medyo na marami-rami para sa isang grupo, pero dahil marami ang games at activities ang magaganap sa loob ng tatlong araw ay ganoon ang naging sistema.

Wala namang issue sa akin iyon, hindi rin naman ako mapili pagdating sa kagrupo. Huwag lang talaga akong mapabilang sa grupo ni Patricia. Magkakagulo lang kung sakali.

"Under your chairs are chips that comes with 12 different colors. Whichever color you find under your chairs will be your group."

Lahat ng estudyante sa loob ng Grand Hall ay nagsi-ingayan habang kanya-kanyang yumuko at may tinatanggal sa ilalim ng kanilang mga upuan. They were loud when they had the same color of chips as their friends, some look disappointed dahil hindi hindi parehas ng kulay ng chip nila ang chip ng sa kaibigan nila. But there are also students who secretly exchanged and bribed others to get the color they wanted. Things only the privileged can do.

Napailing ako ng wala sa sarili at kusang kumilos ang aking katawan. I also checked under my chair kung anong color ang nakuha ko and it was green.

Kusang nilibot ng mata ko ang dagat ng tao sa loob. I'm trying to see kung sinu-sino 'yung mga kagrupo ko dahil sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakaramdam ng social anxiety. Naramdaman ko ang mahinang pangangatog ng aking tuhod at pamamawis ng aking kamay. I tried to shake the feeling away.

Because I am Asha Buenavella, the weak, wala ni isang gustong makagrupo ako sa classroom, up to the present time we speak. They don't want to be associated to someone like me at baka madamay pa sila sa gulo kaya doon akong nagsimulang masanay na gumawa ng mga classroom activities nang mag-isa.

Being alone had its own advantage. You set to become independent, free, and dynamic. Even though you end up losing the opportunity to socialize and cut off your rights to make friends. Ako kasi 'yung tipo ng mas pipiliin na lang nang mag-isa kaysa makipagplastikan. And so I ended up being the pushover I am now. Iniisip ko pa lang 'yung company call bukas para

I tap my chest to calm myself.

Don't overthink, Ash. You are here because you wanted this. Panindigan mo 'yan.

Nagtatalo ang isip ko at sarili kaya hindi ko agad napansing nasa tabi ko na pala si Neil. Napagitla nga ako nang mapansing ang lapit ng mukha niya sa akin. It looks like he was speaking to me for quite a while now pero dahil sa lutang ako ay hindi ko siya narinig.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon