"Ninyo?" nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kanilang bahay.
Hanzo was too humble too call it a mansion. Pinabayaan ko na lang. He's so down to earth.
"Gusto mo sayo na din." may kahulugan nitong sagot at tumingin sakin.
"Ha ha. Funny." inis kong sambit sa kanya.
He just shrugged at me but his smiles never faded. Pansin ko ngang mas malaki ang ngiti nito ngayon kumpara sa ibang araw na magkasama kami.
"Ah, Sir. Nandoon na po sa taas 'yung gamit ni Ma'am. Yung mga pinamili niyo din po nasa kitchen counter na." Nagpasalamat si Sir Hanzo kay Manong Pedring pati na rin ako.
"Sa taas tayo?" he invited me.
"Ang gara. Kayo lang dito?" Pansin ko kasing masyadong tahimik ang bahay.
"Sometimes father visits the Philippines for a business trip and he stays here for a few days." sabi niya. "Most of the times, only the two of us occupies the house." tukoy nito sa kapatid niyang si Luxem.
Napatango na lang ako. Napatingin ako sa di karamihang libro sa bookshelves na parang ilang taon ding hindi nagagalaw.
I was staring at the books when Hanzo stood beside me.
"Sorry if I was not able to clean and prepare the room for you. Ito kasi yung gamit kong room when I needed space to unwind." Inayos nito ang mga libro na kadalasan dito ay science fiction novels.
I stared at his face. Para bang ang nostalgic ng mga nakikita nito. His aura is calm at nakakahawa ito.
"My room?" Itinuro ko ang sarili.
Nangunot ang noo nito.
"Yes. I thought Luxem told you already." He hissed. Mukhang nainis ito dahil sa hindi sinabi sa akin ng kapatid niya.
"May problema ba?" tanong ko.
Nakita ko ang aking bag na nasa kama ng silid. Pati na rin ang bag na may lamang phone na ibinigay sa akin ni Hanzo kanina.
"Nothing. It's just that... Uh how do I say this." Napakamot ito sa kanyang noo. He sighed and closed his eyes to contemplate.
Hindi ko tuloy maiwasang titigan siya. Why do he looks too macho doing that?
Napailing ako sa aking iniisip. Rated SPG.
"You'll need to stay here until everything's fine." Pinaningkitan ko siya sa mata.
"Bakit naman ako titira dito?" curious kong tanong.
Eh pwede naman kina Tita.
"You sounded pissed." he chuckled. "Ayaw mo ba?" tinaas-baba nito ang kanyang kilay na para bang nanunukso.
Inismidan ko lang siya.
"Bakit nga kasi. Mamaya makita pa ako ng Dad niyo baka kung anong isipin nun." Lumayo ako sa pwesto niya at nagpanggap na tumitingin-tingin sa labas ng bintana.
Binuksan niya ang bintana kaya sumalubong sa akin ang hangin mula sa labas.
I did not expect him to lean on the window, facing me.
"Siya ba, o ikaw?" him with his playful smile again.
Bago pa ako tuluyang mamula, hinawi ko na agad ang mukha nito gamit ang palad ko.
"Dami mo pong alam, Sir Hanzo." i made it sound like I'm complementing him.
Narinig ko na lang ang tawa niya.
"But seriously," I raised a brow at him. "Dito ka muna mamalagi habang matindi pa yung tension between you and Mayor." Nang banggitin niya ang salitang iyon ay bigla na lang akong nanghina at kinabahan.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...