I thought my eyes were tricking me kaya kinusot-kusot ko ito. The moment I laid mt eyes on where I thought Doom was, wala na rin ito.
Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ako pero akala ko ay nakita ko si Doom. His famous all-black clothe is his signature. Ganoon rin siya kataas. And the way he disappears in the mist makes my speculations look possible.
I missed him. Nakakamiss kayang may kaaway. His serious face, the way his eyes stares at you like he's searching for your soul and the way his jaw tightened whenever we're on an argument.
"Ash, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Hanzo. "Are you hurt?"
Umiling ako and I saw how relieved he was.
"Balik na tayo? It's not safe here baka maulit pa yung ganoong kalakas na hangin." Tumango ako.
I looked back to where I saw his silhouette. Doom's nowhere to be found.
It's been a week already, magpakita ka naman.
Nagpatuloy na akong maglakad habang nasa unahan ko si Hanzo habang maingat na hawak ang kamay ko pababa.
Dumiretso na din kami sa kapehan. Doon pinaprocess yung mga coffee beans galing sa farm. Kumain muna kami ng lunch kasabay sina Luxem, Mang Pedring, Mang Kanor, si Oscar na hindi makatingin sakin ng diretso ngayon which is new but I prefer it that way at si Hanzo na nasa tabi ko.
Sa labas kami ng factory kumain sa bilog na pahabang mesa gawa sa kahoy. Nag-uusap-usap sila kung ano ang gagawin pagkatapos kumain. I was silent the whole time pero Hanzo keeps on checking me and I just send him nod signals.
Minsan about business ang usapan nila na wala naman akong masyadong naiintindihan bukod sa stocks, tax, at ang budget annually para sa business ni Hanzo na nasa lungsod. I mean, it's informative dahil ABM ang kinuha kong academic track pero wala talaga ako sa mood intindihan yung mga pinag-uusapan nila dahil di rin naman mapa-process ng utak ko ngayon yung mga sinasabi nila.
Nagsawa na rin siguro ito sa pag-uusap ng mga pangtrabahong bagay dahil sila na mismo ang nagbago ng topic.
"Ano ngang pangalan mo ulit, hija?" Baling na tanong ni Mang Kanor sa akin.
I roamed my gaze to the small crowd around the table, their eyes were all on me. Napalunok ako ng laway.
"18 po." Sambit ko.
"Hmm..." He pressed his lips and clasped his hands on the table. "Parehas kayo ng edad ng babae kong apo." Napakurap-kurap ako sa sinabi nito dahil hindi ko inaasahang may sasabihin pala ito tungkol sa apo niya.
Tumawa ako ng alanganin at tumango-tango. Inabot ko ang pandesal na nasa akong plato at saka sumubo.
Pabigla-bigla naman kasi itong si Mang Kanor, parang kanina lang ay tungkol sa sakahan ng kape ang usapan nila, ngayon ay tungkol sakin naman. Mukha bang mapait yung mukha ko?
"Nag-aaral ka?" Tumango ako sa tinanong nito. "Oh eh bakit ka nandito?" Medyo napanganga ako sa tanong nito sa akin.
Hindi ko din alam ang isasagot ko. Sabagay, bakit nga ba ako nandito?
Wala sa sariling napatayo ako habang bitbit sa isang kamay ang hawak kong pandesal. Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Hanzo.
"E-Eh?" Nagtataka akong tinitigan siya.
Nginuso niya ang kinauupuan ko kanina na para bang sinasabing bumalik ako. Sinulyapan ko muna si Mang Kanor na nakita kong parang wala sa mood at parang hindi sang-ayon sa pagpigil sa akin ni Hanzo.
Tumango na lang ako kay Hanzo at saka bumalik sa kinauupuan ko.
"Si Kristine? 'Yung apo ako," pandadagdag niya. "Graduating na' yon, nadoon at nag-aaral ng mabuti. Hindi puro gala inaatupag." sumulyap ito sa akin na parang may pinaparinggan.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...