Chapter 5: Wishlist

37 12 5
                                    

Kakasimula pa lang ng klase, lutang na agad ako. Hindi man lang nakapasok kahit isang lesson sa utak ko. Kasalanan niya ito e. Buti na lang may back-up motivation ako.

Ipinatong ko ang backpack sa aking kandungan at saka pasimpleng pinunit ang tagiliran ng sobre. Napaawang ang aking bibig nang makita ng halaga sa loob.

Two thousand pesos! Katumbas na iyon ng apat na araw na pagtatrabaho sa coffee shop. Isang araw pa nga lang ako nakakatrabaho pero sobra-sobra na ang natanggap ko. Ang gara naman.

Ipipitin ko na sana sa notebook ko ang sobre nang biglang may sumipa sa ilalim ng upuan ko.

Napalingon ako at nakita si Patricia na nakangisi at nakalahad ang kamay nito.

"What's the fuss over there about?" Umiling ako sa Professor at tsaka yumuko dahil ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko sa akin.

"Why are you holding your bag? Kakasimula pa lang ng klase, gusto mo ng umuwi?" Napapikit ako dahil sa hiya.

"Sorry, Ma'am." Usal ko. Sinara ko agad ang bag ko saka ito ibinalik sa baba ng desk.

Narinig kong humagikhik sina Patricia at ang barkada niya.

Hindi ko na lang sila binigyan ng pansin dahil mas sasaya iyon kapag pinatulan ko pa. Iyon yung kaligayahan nila e, bakit ko pagbibigyan?

Nakakainis.

Kinuha ko ang ballpen ko at nagsulat sa aking notebook. Wala iyong koneksyon sa lesson namin ngayong araw pero ano pang silbi ng pakikinig kung wala ka namang naiintindihan.

Uso namang magself-study e. Pagrarason ko sa sarili.

"What will you do if the world will end on the hundredth day?"

In-underline ko ng dalawang beses ang tanong na isinulat ko saka humalukipkip, bumuntong-hininga at saka pumikit.

Gustong-gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil wala ako sa focus ngayon. Puro Doom na lang ang nasa isip ko. Kung plaka pa siguro ang utak ko kaninpa ito nasira sa kakaisip ng pangalan niya.

Why on Earth of all the names I could think of, iyon pang ikinakairita kong tao ang naiisip ko?

Ipinihit ko ang button ng ballpen ko at saka nagnumero mula isa hanggang lima.

If its the end of the world, first thing I'd like to do is to make Patricia and her bully friends regret and say sorry for what they have done to me.

Tinuldukan ko ito ng tatlong beses sa huli.

Siningkitan ko ng mata ang isinulat ko. Pagkatapos ay umiling-iling. Hinde. Mukhang imposible 'to. Sa sobrang ill-mannered ng mga iyon pati siguro si.

Sisimulan ko na lang muna sa sarili ko. Magugunaw na nga lang ang mundo, bibigyan ko pa ba ng oras' yung mga iyon?

Normally, sa mga teleserye at drama na napapanood ko, halos lahat ay pipiliing makasama ang mga mahal nila sa buhay bago magunaw ang mundo. Paano naman ako na wala namang kapamilya o kaibigan man lang?

I have no choice but to enjoy the time with myself.

Binura ko ang unang isinulat ko sa unang numero saka nagsulat ulit ng panibago.

1. Travel to Switzerland.

Sabi nga nila, mangangarap ka na nga lang. Sulitin mo na. Be ambitious. Kaya sa sobrang ambisyosa ko ayan ang naisulat ko. Bakit ba? Baka sa panaginip makapunta ako. Panaginip o hinde, Switzerland pa rin 'yun.

Sa ikalawa at pangatlong hiling naman ay hindi na ako nagdalawang-isip. Simula bata pa lang ako, iyon na ang pangarap ko.

2. 300,000 pesos.
3. Eat a buffet.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon