"It's you that I like."
Napakurap ako sa sinabi nito.
Did he hit his head or something? Instant pa sa noodles 'yung pagkagusto niya sakin ha? Umirap ako at tinulak siya.
"Hindi kita type kaya pwede ba, wag mo na akong kausapin?" Pinagpagan ko ang sarili ko.
Baka mamaya ay mahawa pa ako sa pagkabuang niya. Inikot ko ang aking paningin sa farm, ang ganda sana ng lugar kung wala lang akong kasamang engot.
"I thought you had a crush on me," napangiwi ako sa sinabi nito ngunit pinagpatuloy ko pa ring maglakad.
I don't want to walk beside him.
He sounds so confident kaya paulit-ulit akong napapairap sa aking isip.
"Excuse me, hindi ko type ang mga lalaking sobrang daldal na katulad mo." Wala sa sariling sabi ko.
Ugh! He's really getting into my nerves.
"Eh bakit ka um-oo sa sinabi ni Tatang na sumama ka na lang sakin?" Nang-uuyam na tanong nito.
He was eyeing for my reaction but I managed to keep a straight face.
"Kasi napilitan lang ako." I stopped and raised a brow at him.
Kung hindi pa ito tatablan sa sinabi ko, ewan ko na lang kung magagawa ko pang magpigil. Iniisip ko na nga lang na maaari na akong makulong kapag nambugbog ako ng kapwa so I had to maintain my cool.
"That's the same thing." Pangdedepensa niya pa.
Ang kapal din ha?
"For the last time," bigla akong huminto at humarap sa kanya kaya napasubsob ito sa dibdib ko.
I felt my blood rushed on my face and with the hint of adrenaline rush, my palm touched his cheeks.
Nagulat din ito sa nangyari dahil natulala ito sa kanyang pwesto.
Napakagat ako aa aking kuko at hindi alam kung ano ang gagawin. I feel guilty slapping him pero my mind's convincing me that he deserves that. Why would he even walk behind me without knowing that something like this would happen?
"It's your fault!" I blurted out.
Kumunot ang kanyang noo habang hawak pa rin ang pisnging namumula dahil sa pagsampal ko sa kanya.
"Why me?" hindi makapaniwalang tanong nito. "I was just walking? Hindi ko naman alam na bigla kang titigil!" Pagrarason nito.
Sasagot sana ako but I can't find the right words to say dahil aligaga din ang aking isip. Hindi ako makapag-isip ng diretso at hindi ko din siya matignan ng diretso.
"Hindi ka man lang ba magsosorry?" he said, pointing his red cheeks.
"At bakit?" Pinandilatan ko siya ng mata. "I-Ikaw nga... You... To my boo-- Urgh!" Feel ko lalagnatin ako sa sobrang hiya.
Ni hindi man lang ako makapagsalita ng diretso at magrason sa kanya. Bahala siya! Siya itong may kasalanan bakit ako yung magsosorry?
Nilakad-takbo ko na yung farm para lumayo sa kanya. Thinking of what happened a while ago is embarrassing me! Napapatakip na lang ako ng mukha kapag naaalala iyon.
Gusto ko lang naman mag-enjoy! Kahit ako lang mag-isa kaya ko. Bakit pa kasi may kasama akong engot? Gusto ko nang makita sina Hanzo. Saan ba 'yung dulo ng farm na to?
Nilibot ko ang paningin ko at halos puro puno lang ng kape ang nakikita ko. Wala na ring engot ang nakasunod. Nasaan na kaya yun? I sighed. Mabuti na rin lang nga ito kasi ayoko din naman ng maingay na kasama.
BINABASA MO ANG
Hello Doom
Fantasy[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life. She was fed up with being unlucky and what life had in store for her, sufferring. Will she finally able to achieve peace now that Doom, th...