Chapter 15~
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"-galit na tanong ni Nikko
"e kasi nakalimutan ko nga e.." palusot ko naman.
Wala talaga akong balak sabihin kay Nikko yung tungkol dun sa may deal namin ni Dad. Akala ko kasi wala lang siya pakielam e pero mukang mali ako kasi nagagalit sa akin ngayon yung lalaking yun.
Ang balak ko talaga ay ako nalang yung gagawa ng paraan para hindi matuloy yung pagpapakasal namin pero ngayong alam na din niya, ano na kayang mangyayari? Tsk
Nan dito na nga pala kami sa resort namin nayon. Kanina pa ako hindi pinapansin ni Nikko pero yaan mo na, as if I care naman! Mwahaha XD
Yung driver na yung pinaglagay ko ng gamit ko sa pag i-stayan namin dito kaya naman nakalarga na agad ako.
Naglalakad-lakad ako ngayon sa tabing dagat. Wala ng ganong tao kasi nga gabi na at pinareserve din kasi ni Dad yung part ng beach na malapit sa tinutuluyan namin.
Ngayon ko lang napagtanto na December 24 na pala at bukas ay pasko na. Malamig ang simoy ng hangin kaya medyo na pa akap ako sa sarili ko.
Naalala ko yung sila Angel at Rico. Kapag kasi ganitong panahon sama-sama kaming nagsecelebrate ng Christmas sa bahay namin. Nakakamiss!!
(a/n: wow parang ang tagal nyo ng hindi nagkikita ah? Kakaalis nyo lang kaya!!)
Ewan!! Basta miss ko na sila! Sayang hindi pa ako naka attend ng Christmas party sa school kahit hindi naman talaga ako uma attend!! Whahaha XD
Nababaliw na ako!! Huhu kasi naman e!! Kailangan ko ng internet.. Maghapon na akong hindi nakakapag update sa DA!! >.< Dami ko na sigurong notifications..
Habang nag-iisip ako hindi ko namalayan kung saan ako dinala ng paa ko. Hulaan nyo kung saan?
Nakabalik na ako sa bahay namin!! YES!!
Joke lang :”( as if naman malakad ko yun ng sandalian!
Eto serious na, nan dito na ako sa may tutuluyan namin. Ngayon lang ako nakapunta sa resort namin na to kasi nga hindi naman ako pala labas ng bahay. Lagi lang kaya akong nakakulong sa kwarto kapag nasa bahay!
Pumasok na agad ako sa may bahay tapos ang tahimik, parang walang tao. Siguro umalis din si Nikko para maglakad-lakad.
Nilibot ko muna yung buong bahay. Syempre nagsimula ako sa living room tapos silip sa kitchen with matching dukot ng pagkain sa refrigerator, matakaw ako e!! haha
Pinagpatuloy ko na ulit yung pag i-stroll sa buong bahay hanggang sa marating ko yung sa second floor. Nagulat ako kasi sa dulo ng hagdan ay pintuan mismo! Wala ng kung ano-anong ka-ekekan na hall way pa!
Ang laki ng room and ang ganda din nun. May dalawang bed, yung isa kulay green tapos yung isa kulay black. Ang ganda ng green parang inaaya akong humiga dun. Pagod lang siguro to, kung ano-ano na naiimagine ko!!
Nakita ko yung isa pang door sa room na to, iyon siguro yung Comfort room. Malamig din sa room na to kaya halatang naka on ang aircon. Meron ding flat-screen television basta ang ganda ng room. Nakakarelax ng utak. Kaya lang may kulang e..
Kulang ng wifi! XDD
Pero wala tsak kasi as if palagyan ni Dad yan e alam nun na internet addict to! Haha
Humiga ako dun sa queen size bed na green. Tumagilid ako tapos may bigla akong narealize..
“Bakit may isa pang bed sa kwarto ko?” sabi ko sa sarili ko.
Napaayos ako ng upo ng may lumabas sa Cr. Ayaw kong malaman kung sino yon dahil baka tama ang iniisip ko.
Tiningnan ko muna mula paa tapos dahan-dahan tumataas paningin ko. may nakita akong twalya na nakabalot dun sa tao, halatang kaliligo lang dahil mamasa-masa pa yung legs nya.
Nagulat ako dahil sa pagtaas ko ng tingin ko ay wala ng twalyang nakatakip. Shit! Nakikita ko yung chest part ng body nya!!
“KYAAAA!!!! ANONG GINAGAWA MO DITO???!?!?!”
Hindi ko na tinuloy yung pagtingin ko kasi nga nasa harap ko na pala siya hindi ko man lang napansin. Nagulat na lang ako ng umupo siya sa katapat na kama ng inuupuan ko. Siopao! Nagkakasala ang inosenteng mata ko!! ang smexy nya sa wet look nya!! Arrgh!! Erase it!!! >////<
“What are you screaming about? This is our room so why can’t I be here?” he said calmly.
---------------------------------------------------------------------------------------
post ko po later yung katuloy nyan..hindi ko matapos kaya hinati ko na lang~
by the way, sorry kung mabagal akong magpost ng UD, hindi naman po kasi ako talaga writer e kaya mabagal lang ako mag-isip ng ilalagay kong scenes.. magdrawing na lang tayo para mas mabilis!! haha XD
basta! comment your reaction readers (as if meron ako? XD), vote and be a fan!! :))