Nikko’s POV~
(the day ng accident ni Anne. ^^)
“Tulala ka na naman parekoy.”
Pagpuna na naman sa akin ni Rico. Nasa secret garden kami ngayon, nakatambay lang kasi tapos na ang exam.
“Huwag ka na kasing magkaila na si Anne yang iniisip mo. Halata naman eh.” dagdag pa nya.
Hay, ilang taon na ba ang nakalipas simula nung umiwas si Anne? Takteng taon yan! oo alam ko ilang araw pa lang pero feeling ko ang tagal-tagal na!
Hindi ko ba maintindihan yung sarili ko, para kasing simula nung dinner namin ang laking pagkadismaya talaga ang naramdaman ko. Alam ko nga yung tungkol sa deal nila ni Tito Harry pero akala ko tinigil na nila yun kasi hindi naman na binabanggit ni Anne.
“Ano, mahal mo na ba tol?”
Mahal agad? Hindi ko alam! Ni hindi ko nga alam kung gusto ko sya o naninibago lang talaga ako na wala sya sa tabi ko.
“Hindi pa siguro Rico, alam mo naman yung tungkol sa nangyari sa amin ni Aina diba?”
“Di ka parin nakakamove on dun? Ano ba yan Nikko! Ang tagal na nun at babae lang yan tol, nan dyan naman si Anne diba?”
“Si Anne? Eh iniiwasan nya nga ako diba?”
“Eh ikaw ba naman kasi ang sabihan ng “I thought your different from them..” di ka iiwas? Iba kaya yung dating nun, halatang may ibig sabihin. ahaha”
Shitness!! Oo nga pala, bakit ko ba kasi nasabi yun? Nadala lang siguro ako ng emosyon ko. hay nako, you can’t be like this forever Nikko. Move on dude!
“Ewan! Uwi na nga tayo, sa halip na pagaanin mo ang loob ko eh mas pinakakaba mo pa ako tapos tinatawanan mo pa ako. ”