Nikko’s POV~
Sa wakas!! Sigurado na ako ngayon sa nararamdaman ko. Pinag isipan ko talaga tong mabuti kagabi at ngayong alam ko na nasigurado ako sa kung ano ba itong abnormal na nararamdaman ko dali-dali na akong nagpunta sa hospital para sabihin kay Anne.
Excited ako na kinakabahan sa kung ano ang mangyayari. Buo na ang loob ko ngayon kaya naman gusto ko na talagang magtapat sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng kwarto kung saan nakaroom si Anne.
“HAHHH! KAYA MO YAN NIKKO!” sabi ko sa sarili ko.
Pero nawala ang excitement na nararamdaman ko at napalitan ng kaba nung nakita kong wala ng tao sa loob ng kwarto.
Pakshet, huli na ba ako? Huli ko na bang narealize ang nararamdaman ko?
May nakita akong note dun sa may table na katabi ng kama.
===========
Oy, kapag nabasa mo to wala na tsak ako dito ngayon. Wag mo na akong hanapin dahil mahihirapan ka lang. Kailangan ko lang munang dumistansya, masyado kasing magulo ang buhay ko dyan eh. Pero sana mahintay mo ako sa pagbabalik ko. 954~
============
Sulat pa lang kilala ko na, kay Anne galing to. Alam nya kayang pupunta ako dito kaya nag iwan siya ng ganito?
“Ang baliw talaga nun. Pano kaya kung hindi ako nagpunta dito edi wala lang silbi yung note na ginawa nya. “ sabi ko sa sarili ko habang tumatawa na may kasamang luha.
Pinamulsa ko na lang yung note na ginawa nya at sawing umalis na sa ospital.
-----------------------------------------------------------------------
tapos na!! sa wakas! ang fail ba ng ending? sorry, ahaha iyan kasi biglang pumasok sa isip ko pero hindi talaga iyan yung nasa plano ko! haha
ano sa palagay nyo? :))
thank you nga pala ng marami sa mga sumuporta ng My Nerdy Princess, sa mga nagtyatyagang mag intay ng matagal na update ko haha, sa mga wagas mag comment! at lalung lalo na sa mga silent readers na nagpapadami ng reads ng MNP! haha, labas na kayo, last na to eh! :))
love lots guys!! :**