Busyng- busy sa pagkaklase ngayon, malapit na daw kasi ang exam kaya eto todo discuss ang aming mga guro. Okay lang naman din kase distraction ko na din yun sa pag iisip nung mga kamalasang nangyayari sa akin. Kung itatanong nyo kung ano yun e nevermind na! nabasa nyo na yun sa last chapter e!! hehe >:P
After a few hours, natapos na din yung klase namin. Inilalagay ko na yung gamit ko sa bag, excited na sa pag uwi dahil Friday ngayon, meaning walang pasok bukas kaya makakapagpahinga na sa pag aaral!! Yey!!
“huy..”
May narinig akong parang boses pero hindi ko pinansin, dami ko kasing dalang book e, inaayos ko pa tuloy sa loob ng bag ko. Nerd nga ako diba? Tsaka mahirap na pagkawala akong book, baka may activity e wala naman sa aking gustong magpahiram…
“Ms. Nerdy..”
Ayun nanaman yung boses kanina, nang iinis siguro yun? Aba’t tinawag pa akong “Ms. Nerdy” ?? ang kapal ahh!! At saka kilala ko na tong nilalang nato! Nakukulitan na ako kaya nilingon ko na yung pinanggalingan ng boses na yun.
“bakit?” sagot ko dun sa tumatawag sa akin, medyo good mood nga pala ako kaya with smile yan, swerte nya ha! Haha XD
“gusto ko lang sanang ipaalala na ngayon na daw yung start ng pagtu-tutor mo sa akin” expressionless na sabi nung tumatawag sa akin kanina na walang iba kundi ang hari ng mga arogante na si Mark. -____-
Pagkasabi nya nun, nagchange yung mood ko from
^___^ naging O__O.
Psshh, sayang yung smile ko kanina. Badtrip naman o!
“ganon ba? Sige, kita na lang tayo sa bahay mo mamaya” nakaburaot na sagot ko, kakayamot kasi e! akala ko pa naman makakapagdrawing na ako mamaya e.. *sigh*
“sa bahay ko? Bakit doon? Wala bang ibang place?” tanong nya sa akin, halata sa voice nya yung pagkagulat.
“wala na. bawal sa bahay namin, tsaka aangal ka pa! wala akong balak na masama sayo no! :P”
Parang ako pa yung lalaki sa mga pinagsasabi ko ah? Haha baka kasi isipin na may balak akong masama sa kanya e ang kapal naman na nya talaga nun!!! >O<
“sure ka na dyan sa decision mo ha?” sabay smirk.
Hala may balak siguro tong lalaking to!! Wag naman sana!!!!
“oo, sige hintayin mo na lang ako sa parking lot, may kukunin pa kasi ako sa locker ko e” sabi ko sabay tayo na at labas ng room.
Hindi ko na inisip yung tungkol dun sa tutor thingy na yun habang papunta ako sa may locker ko. Basta I’ll do my duty na lang na turuan sya and after that uwi na agad sa bahay..
Sa may Locker Area ng school~ (Fast forward na! haha)
Bubuksan ko na dapat yung locker ko ng may biglang grupo ng boys na pumaligid sa akin. Mga mukang bakulaw. Hapon na din kaya wala ng ganong studyante ang nagagawi sa locker area ng school, so sa makatuwid ay kami lang ang nandito ng mga panget na to.
“anong kailangan nyo sakin?” tanong ko sa kanila, syempre expressionless ang aking face, baka pagnagpakita ako ng takot e lalo lang akong pagtripan ng mga to!
“Ano nga naman ba kasi ang kailangan natin sa isang NERD na katulad nya mga tol? Haha” sabi nung isang bakulaw na nakaharang yung kamay sa may locker ko. Yung iba naman nakitawa lang.
“medyo nagugutom na kasi tong mga kaibigan ko e, kaya alam mo na” sabi pa nung isang malaki yung tiyan na mukang ewan yung muka. Nakalahad nga pala yung kamay nya, yung parang humihingi ng pera? Ano tingin nila sa akin bangko na pagkahiningan ng pera e bigay agad?? Manigas sila dyan!!
Tiningnan ko muna silang lahat. Anim pala lahat ng lalaking to na pumaligid sa akin. Lahat sila ang sasama ng itsura ng muka! Lalo na yung parang leader nila? Nako, pinaglihi yata to sa kunsumisyon! Haha
Ano ba yan! Nasa panganib na nga ako kung ano-ano pa tong iniisip ko, at saka para naming kung sinong maganda ako, kung makalait ako sa kapwa ko e wagas. Pero inaamin ko na hindi nga ako maganda pero kasi iba ako, hindi masama ang ugali ko katulad nila!! Haha >:D
“huy ano na? nangangawit na yung kamay ko oh?”
Edi mangawit ka! Paki ko sayo!! Haha pero syempre hindi ko sasabihin yun, baka mamaya lalo pa akong mapahamak.
“wala akong ibibigay sa inyo” mahinang sagot ko, hay nako..binubully nanaman po ako.
“anong wala? Hindi pwede yun no!” sabi nung nakataban dun sa locker ko sabay kalabog dun kaya lalo naman ako natakot. Weak kaya ako!!
Nagalit ko ata dun sa sagot ko! Patay ako neto. Papalapit na sila ng papalapit sa akin, napakalapit na nila!! Lalo akong natatakot..huhu TT^TT nasaan na ba sila Angel at Rico?? Help naman guys!!!! Kahit si Mark okay na din, basta kahit sino pa dyan may tumulong lang sa akin.
Oras ko na ba? Wag naman po muna Lord. TT^TT
Akmang sasapakin ako nung isang panget kaya napaupo ako tapos
Sa susunod na yung mangyayari..haha XD peace guys!! ^____^v
pa comment po ng reactions nyo! and vote na din para masaya!! haha XD