Chapter 22: part II
Nikko’s POV~
Nasasawa na ako!!!
Pano ba naman kasi puro babaeng mukang ngayon lang nakakita ng tao ang pumupunta dito. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga kaartehan nila na nakakairita na. Iinom lang ng coffee eh mag-iinarte pa. San ka pa? mga babae talaga oo!
Mga mukang ewan tapos kagugulo pa, bigla na lang hihiyaw kapag magseserve na ako. Naka earphones na nga ako ngayon eh para hindi ko na marinig ang nakakarindi nilang boses.
Tapos nakikisabay pa yung manang na babae. Takte lang, kung di ko lang siya binabantayan kanina pa ako umalis dito.
Oh, anong iniisip nyo? Sabi kasi ni tito Harry bantayan ko si Anne kaya sumusunod lang ako. Di rin ako defensive ha? :P
(A/N: di nga Nikko? haha)
*clack!!
Napalingon na lang ako dun sa may nabasag at dun yun sa table na pinagseservan ni Nerdy- I mean Anne na pala kasi hindi na pala sya nerd pero sa paningin ko nerd parin siya kaya Nerdy parin tawag ko sa kanya! Walang angalan. GULO KO!!
Bigla naman akong napapunta dun sa pwesto ni Anne pano ba naman kasi yumuko para pulutin yung mga nabasag eh nakapalda siya.
Takte talaga! Ang ikli-ikli kaya ng suot nya kaya yung nasa likod nyang mga amputs na lalaki nagpe-pyesta ang mata. Dukutin ko yun eh!! Ayyyysssh~
“Anne tayo na dyan.” Sabi ko sa kanya nung nakapwesto na ako sa likod nya para matakpan siya.
“Huh? Teka lang, lilinisin ko lang to.” Sagot naman nya habang nagpupulot pa din ng bubog.
Bigla ko namang nakita yung lalaki sa may katapat na table naka yuko! Anak ng tae! Ang babastos na talaga ng mga tao ngayon!!
“Tulungan na kita miss” sabi naman ng isa tapos umupo na din para mamulot pero halata namang may ibang motibo.
Sa inis ko, di na ako nakapag pigil at sinipa ko na yung lalaki sabay hablot kay Anne pataas kaya magkadikit kami ngayon.
“ANO BANG PROBLEMA MO?” hiyaw nung lalaking bastos na walang magawa sa buhay.
“Ikaw.” Sagot ko
“Anong?!”
“Ikaw din at ikaw.” Turo ko pa sa dalawang alagad ng ewan tapos nagtaka pa sila. Painosente ang mga loko.
Alam kong pinagtitinginan na kami. Si Rico nga at si Angel nasa gilid na namin ni Anne eh.
“Bakit naman kami nasali dyan?” painosenteng sagot nung isa.
“Huwag kayong painosente, lalaki din ako kaya alam ko yang mga tingin at galaw nyo na ganyan. Kung wala kayong magawa sa iba kayo mang trip hindi dito at lalo na huwag sa babaeng to.” Mariin na sagot ko sa kanila.
Ayun, umalis na yung tatlong mga kulugo. Lahat na ng panget na bansag pwede sa kanila, mga walang modo eh!
“Anong problema mo ha?! Bigla ka na lang nanggaganun! Bitaw na nga, masama na tingin sa akin ng mga fan girl mo!!”
Pagkasabi lang ni Anne tsaka ko narealize na nakapulupot pala yung kamay ko sa bewang nya at ang lapit namin sa isa’t-isa kaya napabitaw ako at lumayo ng kaunti sa kanya.
Pero ano daw? Siya pa tong galit sa akin??
“…..” hindi na lang ako sumagot.
Bad trip na yan! Sya pa galit eh tinulungan na nga lang sya. Ayssshh~
Bumalik na lang ulit lahat sa dati na parang walang nangyari. Nagseserve parin ako at pati na din si Anne. Pinapanood ko pa din siya at ayun, naka tawa naman ulit. Mukang ewan talaga yun!
Maya-maya lang may biglang dumating. Yung dalawang makulit na pinsan ni Angel at mga weirdo talaga yun pano ako pa yung piniling magserve sa kanila.
“Wow kuya Niks, bagay pala sayo maging butler! Ang pogi mo po.” Sabi ni Nicole na hinead to foot ang tingin sa akin.
“Hmmm.. oo nga, para syang yung sa napanuod kong Korean movie. Ano nga title nun?” si Rachel naman ang nagsalita na nakataban pa sa baba.
“Ewan ko sayo? Haha, tara na ngang umorder.” Nicole
Umorder na yung dalawa tapos dinala ko na sa counter para magawa na yung order nila. Sinabi ko na din kala Angel na nan dun pinsan nya kaya pinuntahan naman nila ni Rico.
Nung ayos na yung order ng dalawa kinuha ko na para dalin sa table nila. Nan dun parin si Angel at Rico, nakikipag-usap sa dalawang bata.
“Kuya Nikko, ang ganda ng suot ni ate Angel no?” biglang tanong ni Rachel sa akin.
“Pero para kay kuya Niks si Ate Anne ang pinakamaganda. Hihi diba kuya?” ayyysssh, ang gulo talaga ng isang to. Yung batang naka suot ng shirt na may nakaprint na di mo malamang itsura ng tao.
“Muka syang nerd.” Bigla ko na lang nasabi habang binababa yung order nung dalawa.
“Nerd?!” Korong sabi nung apat.
Nakita ko naman napatingin si Anne sa gawi namin. Nagseserve na naman sya sa mga lalaki, aysssh kanina pa siya dun.
Tiningnan ako ni Anne na nagsasabing “ang sama mo talaga” kaya bigla akong napatawa. Muka kasing ewan eh, masyadong affected! Haha
“Hindi naman na sya nakasuot ng salamin ngayon ah?” takang tanong ni Angel.
“Ewan ko.” sabi ko na lang tapos napa smirk. Hayyy, muka akong sira! Nahahawa na ako sa dalawang weirdo na pinsan ni Angel.
“Pwede kong kunin number mo?”
Bigla akong napalingon sa nagsabi nun. Yung lalaki na pinagseservan ni Nerdy kinukuha number nya. Nakita ko kukunin na ni nerdy yung phone nung lalaki kaya bigla akong lumapit.
“Sorry pare pero hindi pwedeng makuha number nya.”
Huh? Anong ginawa ko? Bakit ko pinigilan? Kanina pa weird ina-act ko! >.< pero kanina ko pa kasi nakikitang pumoporma kay Anne itong isang to eh!
“Bakit?” sabay naman sabi nung lalaki at ni Anne.
“wala lang..” palusot ko
“wala naman pala eh, eto oh i-type mo na..” nakita kong inaabot na ulit nung lalaki yung phone nya kay Anne.
“Sabing bawal eh!” ako
“Bakit, sino ka ba ha? Makaasta parang boyfriend..” sabi nung ungas na lalaki.
“Uy, tama na nga. Di na nga kasi Nikko oh. Balik ka na dun dali.. tsaka galit pa ako sayo kaya wag kang lumapit sa akin.” Anne
“Fiancé nya ako kaya pagsinabi kong bawa, bawal!” sabi ko tapos bigla kong hinug paside si Anne.
Hell no! anong ginagawa ko?!! masyado na ata akong Out of Character!! >.<
“Masyado ng nilalanggam yung dalawa.. yiieee” alam kong si Angel yan.
“Masyadong protective si kuya Niks namumula na tuloy si ate Anne.” tawag palang si Nicole na yan.
“Ayaw i-share ng prince ang kanyang princess~ gyaaa!” si Rachel naman.
“Bro, ang tamis! Haha OOC ka masyado” takte, si Rico yan!
Napatingin ako kay Anne after nung side comments nung apat tapos nakita ko namumula siya kaya napasmirk na lang ako. Enjoy naman pala to eh. haha